Back to you

4.5K 128 12
                                    

Paano mo pakakawalan ang isang tao o bagay na kailanman ay hindi naging iyo?





Alam mo yung feeling na may damit kang gustong bilhin pero hindi mo mabili dahil kulang ang pera mo o kaya hindi bagay sayo kaya mapipilitan kang iwan na lang yun kahit ang mabigat ang loob mo? Tapos makalipas ng ilang araw makakalimutan mo pero bigla mo naman makikita yung damit na suot na ng ibang tao. There comes regret.




Paano kung may extra money ka sa atm mo di mo lang na-check?

Paano kung bagay pala talaga sayo?

Madaming bagay ang nasasayang dahil ayaw nating sumugal.





"Ano ba ang nang yari?" Tanong ni Mika. Pinapunta ko siya sa condo nang mabasa ko ang isang tweet.




Paano ko masasagot ang tanong nila kung ako mismo hindi ko alam ang sagot? Dalawang taon na rin ang nakalipas pero ramdam ko pa rin ang sakit. The story of us is still a mystery.




"Ye, break na sila." Nag buntong hininga na lang si Mika nang marinig niya ang sinabi ko.




"Anong gagawin mo?"




Ano nga ba ang gagawin ko? May dapat ba akong gawin?




"Hindi ko alam." Kibit balikat kong sagot sa kanya.




"Anong nararamdaman ko?"




May nararamdaman pa ba ako? Dapat ba akong maging masaya dahil wala na sila o dapat akong maging malungkot para sa kanya?




"Wala akong nararamdaman." Nakaka pagod masaktan at mag tago ng nararamdan kaya mas pinili kong maging manhid.




" Ara, baka ngayon na ang tamang panahon para maging masaya."




Sana ngayon na nga ang tamang panahon. Madami na kaming pinag daanan siguro naman pwedeng kami naman.




"Paano kung eto ang tamang panahon para sa closure?" Binigyan ko ng mapait na ngiti si Mika. Hindi malinaw kung ano ang nang yari sa amin dati pero isa lang ang alam ko masaya kami.




"Closure ba ang gusto mo? O rekindle the old love?"




Love? Sana nga may love na namagitan sa amin. Paano kung ako lang pala ang nakakaramdam ng love sa pagitan namin noong panahon na yun?




Magulo. Sobrang gulo. Nagulat na lang ako isang araw may kasama na siyang iba. Hinayaan ko lang siya kahit ang sakit na makita na ngumingiti siya at alam kong hindi ako ang dahilan ng ngiti na yun.




"Love? Wala namang ganon, Ye." Umiiling kong sagot sa kanya.




"Paano mo nalaman na wala kung di naman kayo nakapag usap kasi iniwasan mo?"




Umiwas ako. Mahirap na baka lalong maging magulo ang sitwasyon at feeling namin.




"Kung kinausap ko ba siya nung araw na yun may mag babago ba?" Yung araw na sinimulan ko siyang iwasan, yun din ang araw na gusto niyang makipag usap sa akin. Takot ako sa pwede kong marinig sa kanya.




"I guess you'll never know."




LOVE is not for faint hearted.

LOVE is for those who are ready to risk.

At hindi ako yun...




Lumipas ang mga araw at gabi. Same old routine. Gigising ng umaga, papasok ng trabaho, mag lalunch, trabaho, uuwi ng bahay, at matutulog. I've been doing that for almost 2 years. Tonight is different.




Sweet NothingsWhere stories live. Discover now