Give and Take Part 3

5.3K 170 42
                                    

Hindi ko alam kung dapat ituloy ko pa ang pag susulat na Thomara ang bida. Pero kahit ganon enjoy may sabaw update!

To God Be The Glory!
--------------------------------

Dahan dahan akong nag lakad papasok ng condo namin. Pasado alas dose na ng gabi. Lagpas na ko sa curfew at malamang tulog na si Thomas. Mukhang riot na naman bukas ng umaga.

Late ko na kasing natapos yung report ko sa office at kailangan na kailangan yun bukas. Ang mali ko lang di ko na-text si Mang Thomas.

Chineck ko ang kusina at malinis naman. Teka kumain ba siya? O hindi na naman kumain. Dumiretso ako sa kwarto namin at nagulat ako ng makita ko siyang nakaupo sa kama namin.

Di ko siya tinignan at dumiretso na ko sa Walk in closet namin para mag palit ng damit. Pagod na ko at wala na kong energy para makipag away sa kanya.

"Kumain ka na?" Napapitlag ako. Di ko namalayan na nasa loob na siya. Mabilis ko namang sinuot ang tshirt na pantulog.

"Oo." Himala at hindi siya galit. Mukhang pati siya nag sawa na sa kakaaway namin.

"Buti ka pa kasi ako nakalimutan kong kumain kakahintay sa asawa ko." Nilingon ko naman siya at nakita ko ang seryoso niyang mukha. Akala ko makakatulog kami ng di nag aaway, hindi pala.

"Wala sa akin yung kaldero. May stock naman tayo bakit di ka nag luto."

"Pero mas masarap pag kasabay kitang kumain." Yumakap naman ito sa likod ko at humalik sa leeg ko.

Minsan di ko alam kung kikiligin ako o maiinis ako sa kanya. Humarap naman ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay.

"Thomas naman ee!" Nakita ko naman siyang nag pipigil ng tawa.

"Why?"

"Ewan ko sayo!" Lumabas ako at dumiretso ng kusina. Ipag luluto ko siya kahit midnight na dahil baka mag kasakit 'to pag laging nag papalipas ng gutom.

Kinuha ko na ang rekados at nag hiwa. Maya maya naman ay dumating ang magaling kong asawa at umupo sa tapat ko. At ang loko ay nag papacute sa akin.

"Misis, Anong ginagawa mo?" Sabi niya habang naka palumbaba ang dalawang kamay sa baba.

"Obvious ba? " Mataray kong sagot. Di ko alam pero lagi akong naiinis sa kanya this past few days.

Tumabi naman siya sa gilid ko at ibinalot ang braso niya sa bewang ko. "THOMAS NAMAN EH!"

Tumawa lang ang duwende sa gilid ko. "Sleep na tayo."

"Hindi, kakain ka muna bago tayo matulog." Mariin kong sabi sa kanya.

"Pwedeng ikaw na lang ang late dinner ko?" Nakagat pa ang labi! Susme. Tinulak ko ang mukha niya palayo.

"Tantanan mo ko Thomas Christopher Bulado Torres! Hindi ka na bata para paalalahanan na kumain sa tamang oras." Sumeryoso naman ang mukha niya at sumiksik sa leeg ko. "ARGH! Nakakainis ka talaga."

Tinanggal ko ang braso niya sa bewang ko at nag umpisa ng mag luto. Tahimik naman siyang nanonood sa akin habang nag luluto. Matapos kong mag luto ay pinag hainan ko siya at umupo sa tabi niya.

"Kumain ka na." Pero imbes na kumain ay tumayo ito at kumuha ng plates at spoon and fork. Nilagay niya ito sa harap ko.

"Kumain ka rin. " Saka ito umupo. "Na-miss kitang kasabay mag dinner. Sana pag bigyan mo ko."

Sweet NothingsWhere stories live. Discover now