Perfect Timing

4.6K 142 42
                                    

Hi! (Wow! Tag sipag ako ngayon!) 😁
There are many reasons to let go of this ship, Thomara, but I have a thousand reasons to hold on and one of the reasons is their parody account in twitter. Gosh! Yung kilig nila ang bumubuhay sa nag hihingalo kong Thomara heart. Yung Give and Take part 4 baka matagalan. Raw update! ✌🏻️✌🏻

To GOD be the glory
--------------------

"AAAAAAH!!!! Kilig!!!!!"

"Sana nesfruta na lang sila."

"Para real na real!"

"Nag karoon na ng tamang panahon ang Aldub yung Thomara kaya kailan?"

"Ano ba ang ingay niyo!" Umagang umaga ang ingay ingay ng mga team mates ko. "At ano ba 'yang narinig kong Thomara? Tantanan niyo ko ha! Ang aga aga."

"Eh kasi naman Ate Ara tignan mo 'to" Inabot sa akin ni Dawn ang phone niya. At nakita ko ang palitan ng tweets namin ni Thomas????

@VSGalaang: Kasi pag past na, past na. Kung ako, ako.

@iamthomastorres_: ikaw lang kasi 😘😘😘

Bakit parang may sparks? Pero..

"Oy! Di ako yan! Baka na-hack ako. Shit!" Kinuha ko agad yung phone ko para i-check at i-delete kung sakaling may tweet nga na ganon. Magagalit na naman siguro si Bang pag nakita niya 'to.

"Aray!" Binatukan ako ni Carol.

"Para kang tanga! Parody account lang yan. Masyado kang affected. Namumula pa mukha mo."

"Daks, aminin may kilig." Kilig? Shemay! Wala!

"Assuming kayo! Wala." Dumiretso na ko sa dining area para mag almusal dahil may training kami ngayong umaga at bilang captain kailangan kong mauna doon para ayusin ang court baka dumating si Coach Ramil.

"Pero totoo ba yung kumakalat sa twitter na MU kayo dati ?" Akala ko naman wala na sila sumunod pala sa akin ang lahat ng spiker. Tumingin naman ako kay Mika na nakangisi.

"Hindi lahat ng nababasa niyo sa internet totoo." Sabi ko sa kanila saka sumubo ng pag kain.

"Weeeh." Pinandilatan ko ng mata si Mika. Pahamak talaga 'to kahit kailan.

"Kung ayaw niyong maniwala eh di wag." Pinag patuloy ko ang pag kain at maya maya ay umalis na sila maliban lang kay damulag.

"I'm friends with Aby Maraño pero idol ko si Aruh Galang."

"Leche ka,Mika!!" Tatawa tawa siyang umalis ng dining area at iniwan akong mag isa. Pahamak talaga yang idol idol na yan.

Kung inaakala nila hangang tweets at interview lang ang meron sa amin ni Thomas well they are wrong, It goes beyond pero yung beyond na yun hangang friends lang kaso nung lumabas na yung love team namin naging awkward and hostile kami sa isa't isa.

Nauna na ko sa gym para ayusin yung mga gagamitin na equipments later. Pag karating ko sa gym may nakita akong nag pa-practice ng three points.

"Para kay Mom!" the ball went in and out.

"Para kay Dad!" The ball went out again.

"Para kay kuya!" Tulad kanina lumabas ulit ang bola.

"Para kay sa girlfriend ko!" Muli lumabas ang bola.

"Why not do it for yourself?" Sabi ko at napalingon naman yung nag pa-practice, si Thomas pala. Nginitian naman niya ako at umupo siya sa bleachers.

"Ikaw pala idol! Gagamitin niyo na yung gym?"

Sweet NothingsWhere stories live. Discover now