Our Own part 2

4.6K 129 33
                                    

Today is the day! Everyone inside our dorm is pumped up. Jeron is having a slight panick attack because he got nominated in KCA.

"Bro, Iboto mo ko mga 8,000 times." Sabay alog sa braso ko. "Promise tutulungan kita kay Ara."

Natawa naman ako dahil never ko pa siyang makitang hysterical at nag papanick dahil lang sa voting and polls.

"Bakit ba masyado kang kabado diyan?" Tanong ko sa kanya.

"Si Mika kasi.." Ilang buwan din niyang iniwasan si Mika dahil bro code "daw" sabi ng agila pero di rin nagawa ni Jeron dahil nahulog siyang tuluyan. Talk about Lady Spikers' charms nga naman. "Pag nanalo daw ako we can come out sa public at bati na daw kami."

Kaya naman pala effort na effort ang intsik na 'to.

"Tutulungan kita." Nakita ko namang lumaki ang mata niya. Akalain mo may ilalaki pa pala ang mata niya. "Pero..."

"Pero ano?"

"Pa-tweet ako kay Ara. Isa lang!"

"Ayoko nga! Naki-tweet nga lang ako kay Prince at Jay Kim." Nakakaasar naman eh! Hindi ko naman siya matweet dahil alam kong mag wawala ang buong twitter. "Kay Arra ka na lang maki-tweet."

Binato ko naman siya ng unan. Loko talaga yung intsik na yun puro kalokohan. Hiwalay na kami ni Arra isang buwan matapos naming di makapasok sa final four. As for Bang and Ara, wala akong idea basta ang importante alam kong mahal niya ko. Pang hahawakan ko yun.

I guess mag settle na lang ako sa personal message.

To: Ara

I may not be there watching for your comeback game live but always remember that I will be cheering for you. Good luck, my queen!

I sighed. Alam kong confiscated ang phone niya pero at least nag message ako. Kailangan ko atang mag settle muna sa ganito pero alam
kong she's worth the wait.

Naramdaman kong nag vibrate ang phone ko and I checked it..si Ara. Napangiti naman ako.

From: Ara
My 3rd point is for you.

Napasibangot naman ako. 3rd?? First si God, 2nd si Bang? Tapos ako pang 3rd?? UNFAIR!

To: Ara

Bakit pang 3rd? Sino yung pang 2nd?

Wala pang ilang minuto nag reply na siya. Mukhang di pa confiscated ang cellphone niya.

From: Ara

Someone is jealous. Hulaan mo. 🙊🙈🙊🙈

I hate playing guessing game pero bakit naman pang third ako? Hush, Thomas, at least kasama ka pa rin sa listahan niya kesa naman sa wala. I should work for my place in her life.

Di na ko nag reply para makapag focus na siya sa game niya lalo. I went to my bed and opened my twitter.

And I saw Jeron's tweet to Mika. Loko talaga ginawa pang group tweet para di halata. Galing talaga pumaraan.

Maya maya ay may nakita ulit akong tweet from him.

@jeronteng:The come back of my idol @VSGalang ! Beast mode please!!

Anong beast mode? Di pwede hinay hinay lang dapat baka ma-injury ulit. I can't afford to see her in pain again.

I grab my phone and texted Mika, Kim, Carol, and her.

Sweet NothingsWhere stories live. Discover now