Love at first night

3.6K 116 42
                                    

At least I tried. Lols!
For Ate Pam and Ate A
To God be the glory!
---------

"Bels, tumayo ka na diyan baka ma-late pa tayo." Bulyaw ni Cienne kay Ara na naka-hilata pa rin sa kama.

"Ayoko! Pupunta ako dun tapos gagawin niyo akong 11th wheel?! Leche! NO WAY!" Histerkal na sabi ng dalaga.

"Bilisan mo na diyan hinihintay na tayo ni Kimmy at Almond sa Valk." sabi ni Cienne. "Mag tatampo yun sige ka."

"Saan ka naman kasi nakakita na  combine ang bachelor's party at bridal shower?"

"Gustong bantayan ni Almond si Kimberly baka daw kasi gumawa ng kahalayan." Natatawang paliwanag ni Cienne.

"Perwisyo kamo yang idea nila!" Bitter na sagot ni Ara.

Ilang taon na siyang hiwalay sa dati niyang karelasyon at simula noon ay hindi na siya pumasok sa kahit anong commitment. Kaya madalas siyang nth wheel sa barkada dahil halos lahat sa kanila ay engaged o may boyfriend.

"Wala akong susuotin na damit." Muling pag dadahilan niya.

"Nasa loob na ng cabinet mo yung binili ni Mika kaya wala ka ng i-excuse sa amin. " Ngumiti pa ng nakakaasar ang dalaga sa kaibigan saka tumawa ng malakas habang lumabas sa kwarto niya.

"Arghhhhh!" Nag takip siya ng unan saka sumigaw ng malakas.

"Ikaw daw sagot sa drinks namin pag di ka um-attend sabi ni Kimmy!" Tumatawang sabi ni Cienne bago tuluyang umalis.

Ara stood up and went to her cabinet. Nakita niya ang paper bag na sinasabi ng kaibigan at binuksan ito.

"SHEEEEEEEEEEET!" Sigaw ni Ara ng makita ang black mini dress na backless din. "Leche! Gusto ata akong magka-pulmonya ng mga 'to."

Wala naman siyang magagawa kung hindi mag ayos para hindi ma-late dahil ayaw niyang mang libre at isa pa importanteng araw 'to para sa kaibigan niya.

She looked at herself in the mirror for once bago umalis. Madaming nag bago sa pag lipas ng panahon. Isa na siyang matagumpay na restaurateur, sports ambassador, at dakilang nth wheel ng barkada. She has everything except for one--lovelife.

Her whole family migrated to London. Nauna sila doon at susunod na siya sa kanila next week after ng kasal ni Kim at Almond. Wala namang dahilan para mag stay siya bansa.

Bumaba na siya ng kwarto niya at dumiretso sa living room kung saan nanonood ng basketball game si Cienne at ang kakambal nitong si Camille.

"Kanina minamadali niyo ako tapos kayo naman pala ang hihilata." Reklamo ni Ara.

"Wait lang! Intense kasi eh!"

"OMGOSH! Ang hot talaga ni Thomas Torres!!!"

"Kadiri ka Cams! May Kib ka na may pa "OMGOSH! Ang hot talaga ni Thomas Torres." Ka pang nalalaman." Pang aasar niya sa kaibigan.

"Support lang sa former schoolmate!" Camille said with a sly smile. "Wag ka ng mag selos bels!"

"Ako? Mag seselos? Bakit naman?"

"UAAP love team? Donuts? Balloons? 8x18? ThomAra? Ring a bell, Arabels?" Cienne animatedly enumerated things that were connected to the so called love team.

Sweet NothingsWhere stories live. Discover now