Love at first night Part 2

3K 127 39
                                    

Here's the part 2! Bati na po tayong lahat! Love you all!

Ate Pam, Ate Joy and Ate A, hehehe!

TO GOD BE THE GLORY!

-Gabby!
-------------

Isang buwan na rin ang nakalipas simula ng nakarating siya sa London. Nakuha na niya ang gusto niya, ang makasama ang pamilya pero kahit ganon hindi niya magawang maging masaya. A piece of her was left behind in Philippines.

"Anak, isang buwan ka nang nandito pero ang lata lata mo pa rin." Her mom told her while they are eating their merienda.

"Homesick lang, mama. Miss ko na kasi ang bullies." She lied. Miss niya ang mga kaibigan pero hindi ganoon ka-miss dahil halos araw araw mag kausap sila. She knows who's at fault on her unusual behavior. "Mama, bakit chocolate cake 'to? Ayoko nito."

Nag mamaktol na parang bata si Ara. Ipinag tataka naman ng nanay niya ang biglang pag ayaw nito sa paboritong pagkain. Pinalitan naman ito agad ng nanay niya ng cookies.

"Sigurado ka ba na walang nang yari sa'yo bago ka umalis?" Tanong ng nanay niya. "Sabi sa akin ng mga kaibigan mo hindi ka daw um-attend ng sarili mong despedida party."

"Tinatamad kasi ako ng araw na yun, ma." Pag dadahilan niya.

"Talaga ba? Balita ko may naiwan ka daw sa Pinas." Napakunot naman ang noo ng dalaga sa narinig. "5'9 daw yung height, chinito, at hunk. #Papables!"

"Mama, naman eeh!!!!" Angil niya. "Wag kang maniwala kala Mika trip lang nila ako."

"Talaga ba? Tunay ba?"

"Kasi naman mama eh.. Bakit ang wrong timing niya dumating?"

Natawa na lang ang nanay niya dahil napaamin niya rin sa wakas ang anak. Binigyan niya ng ngiti ang anak dahil sa wakas matapos ang ilang taon may nakita na ulit itong mag papatibok ng puso.

"Anak, any time could be a wrong or right timing, it depends on how you will respond or perceive it." Her mom held her hands. "Make the most out of it until it last."

"Pero pinakawalan ko na, mama. Baka galit pa rin sa akin yun. Baka ayaw na niya sa akin." Naiiyak na sumbong niya sa mama niya na parang bata na inagawan ng laruan.

"Nasobrahan ka ata sa beef steak kaya puro baka 'yang sinasabi mo." Biro niya sa kanyang anak. "Don't jump into conclusion. Make a move before it's too late."

Ara spent the rest of the day sleeping and thinking about their supposed to be right timing. She thinks on ways how can she connect to him. Ara went to his Facebook account and saw different pictures of women that is tagged with Thomas.

"Typical baller. Tss.." Her eyes rolled while munching a persimmon. "Aba! Nakahalik pa sa pisngi."

"I therefore conclude that Thomas Torres is a typical baller guy who has different girls every week!" She exclaimed. "Pang ilang babae mo na kaya ako? Leche!!!"

Papatayin na sana niya ang laptop niya ng biglang may nag chat sa ka niya.

Thomas Torres: How are you doing there?

"Wow! Friends pala kami sa FB nitong bansot na 'to!" She exclaimed. "Unfriend and block kita because I don't want to be associated with you."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 19 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sweet NothingsWhere stories live. Discover now