Our Own

4.7K 132 31
                                    

Tahimik ang lahat ng sa dorm. Walang nag sasalita, gumagalaw o umiimik. Tanging buntong hininga lamang ang naririnig. Ramdam na ramdam ang tensyon sa buong kwarto. Ang iba kahit di nag sasalita kitang kita ang nerbyos sa mukha.

Ako? As usual poker face. Kunyari walang nararamdaman na emosyon kahit ang totoo parang naka semento na ko sa sahig dahil di ako makagalaw. Pawis ang palad ko, umiikot ang aking tiyan, at nanlalamig ang aking mga paa sa kaba. Feeling ko naka todo ang aircon kahit electric fan lang ang gamit namin.

"Ayoko na."

Di ko na napigilan at binasag ko ang katahimikan.

"Daks, an--"

"Ayoko na. Aakyat na ko. " pag putol ko kay Mika. "Tawagin niyo na lang ako pag kakain na."

Hindi na nila ako pinansin at umakyat na ko ng kwarto. Laking pasalamat ko na nakaakyat ako ng hindi tumutumba dahil sa pang lalambot ng tuhod ko.

Humiga ako sa kama at binuksan ko ang twitter account ko. And it's a big mistake to open my account by this time. Umakyat ako para di ko makita kung anong mangyari pero pag bukas ko eto pa makikita ko.

@reubensports: Thomas Torres in tears at the end of the game.

Why does it need hurt to be painful? I want to go there pero hindi pwede. Magagalit siya.

If only I can wipe those tears and hug him, I will. IF

And there I added another what if in our list. What if I stay? Kami na kaya? What if I take the fall? Masaya ba ako, yung legit na masaya?

"Ara, you can go to him if you want."

Si Mika, nandito na pala siya. Masyado na kong nag dwell sa iniisip ko kaya di ko na siya napansin. Lumapit siya sakin at sumunod ang bullies na nasa likod niya pala.

" Balita ko nasa bakasyon si Shomba este si Bang ngayon kaya make puslit to make bimby happy na Aruh." Loka loka talaga 'tong si Carol.

"It's a make it or break it decision. If I do that."

"Break the rules to make Bimby's heart whole again." Ang dami talagang alam nitong babae na to. Hugot here hugot there.

To make his heart whole again.

"May Arra naman siya. Di niya ko kailangan." Bigla naman akong binatukan ni Kim.

"Aray!"

"Eh kung di mo kasi pinakawalan malamang kayo na. May pa "I'm scared to take the fall." Ka pang nalalaman tapos kay Bang rin naman ang bagsak mo."

Dahan dahan namang pumalakpak si Mika at Carol.

"Baks, Grabe ka. Akala ko ba #TeamAraBang ka? Anyareh lumipat bigla sa Taguig? Traydor lang? Jalolino ang Peg? Aguinaldo? Ganern?" Pati si Aguinaldo nadamay. Grabe talaga

"Ikaw pa nga nag reto kay Bang dito kay Ara tapos may ganyan ka ng nalalaman? Abaaaaa."

"I'm not taking sides. I just want what Ara wants. It's time for her to follow her heart. Besides she already prolong the agony and keep her love for him at bay. "

"Kimmy.."

"Ilang taon mo inipon yan?"

"Bahala nga kayo diyan. Matutulog na ko."

Sweet Nothingsحيث تعيش القصص. اكتشف الآن