#3

2.1K 50 0
                                    

#DiaryNiMrL

ENTRY # 3

Hay DD!

Nakakapagod naman ang unang araw ng klase... Biruin mo, unang araw pa lang, may mga assignments nang binigay 'yung mga hunghang naming professors... Nakakainis! Akala ko nga wala muna 'yun eh. Kasi di ba sa high school, kapag unang araw ng klase, magpapakilala muna sa klase isa-isa ang mga estudyante. 'Yung tatayo sa harapan tapos pabonggahan ng pagpapakilala. Pero hindi yata uso sa college ang ganun... hindi kasi iyon nangyari kanina sa halip ay nagpakilala lang iyong mga prof, nagbigay ng mga rules and regulations na gagawin sa klase niya tapos ayun, assignments. Hay! Iba na pala talaga kapag nasa college ka na noh... Ibang-iba sa high school. College life... Hay!

Mabuti na nga lang at magkakaklase kami nila Patrick at Dale, at least may kakilala pa rin ako dito. Ang kaso, hiwa-hiwalay naman kami ng upuan. Si Dale, nasa third row, si Patrick, nasa fourth row at ako, nasa first row tabi pa ng bintana. Wala tuloy akong makadaldalan. Mabuti pa iyong iba kong kaklase, may kaibigan na kaagad sa first day of school kahit na hindi pa naman mga kilala nito ang isa't-isa. Ang dadaldal na nga nila eh.

Block section ang napasukan naming klase nila Patrick at Dale. Ibig sabihin, kung sino 'yung mga kaklase namin simula first day, hanggang sa end of semester, sila pa rin. May mga estudyante naman na napag-alaman kong irregular student kung saan kaklase lang namin sila sa isang subject at hindi buong araw ay kaklase namin sila dahil may iba silang klase na hindi iyong professor namin 'yung prof nila.

Oo nga pala DD, Nasabi ko na ba sayo kung anong course na kinuha namin? Hahaha! Mukhang hindi pa, anyway highway, ang course na kinuha naming magkakaibigan ay HRM. Alam mo naman di ba DD na mahilig at magaling akong magluto? Bukod kasi sa galing ko pagdating sa ibabaw ng kama at hilig kong mamalagi roon kasama ang isang gwapo, ang pagluluto ang isa rin sa mga gusto at hilig kong gawin. Huwag ka DD, Napakagaling kong magluto ng kare-kare. Iyon kaya ang specialty ko. Naalala ko tuloy si Haygin, dapat kasi ipapatikim ko sa kanya nung high school kami iyong kare-kareng niluto ko para sa kanya dahil nga ULTIMATE CRUSH ko siya ang kaso, malaman-laman ko na nakielam pala nun sila Patrick at Dale sa bag ko at kinain nila 'yung kare-kare na naroon sa loob kaya iyon, hindi ko na nabigyan pa si Haygin. Hindi na rin naman ako nakapagluto nun ulet para ipagluto si Haygin kasi mahal ang sangkap sa kare-kare eh sapat lang naman ang allowance ko para sa pansarili kong gastusin. Naipon ko nga lang 'yung ginastos ko doon sa kare-kare na iyon mula sa mga tira-tira kong baon araw-araw. Isa pa, busy na rin kasi kaya wala na ring time para magluto. Sila Patrick at Dale din ay mahilig magluto katulad ko at magaling rin sila kaya ito rin ang course na kinuha nila pero alam ko na ako ang pinakamagaling magluto kaysa sa kanila! Hahahaha! Sa pagkakaalam ko, baking ang specialty ni Dale at si Patrick naman ay... ano nga ba iyon? Nakalimutan ko. Tanungin ko na lang siya bukas.

Actually, kapag natapos naming tatlo ang kursong ito, balak namin na pumasok at mag-aral sa isang culinary school. Pangarap kasi namin na maging isang tanyag na chef balang araw. Oh di ba! Taas ng pangarap!

Anyway highway, alam mo ba DD, nilibot namin ang buong campus ng school na ito at grabe, ang laki. Basta, ang laki at ang lawak niya. Tapos, mahahalata mong itinayo ang eskwelahan na ito nung Spanish era pa dahil iyong mga buildings nila, superb sa ganda ng pagkakagawa. Ang galing ng architect na gumawa nun. Kumpleto pa sa facilities kaya napakaganda talaga.

Bukod sa garden na napuntahan namin na napakalamig at ang sarap langhapin ng hangin, marami pang mga puno't halaman sa paligid kaya minsan, isasama kita sa school para makalanghap ka rin ng sariwang hangin. Teka nga... wala ka pa lang ilong DD kaya hindi ka rin makakalanghap ng sariwang hangin.

Oo nga pala, nakilala na namin ang first three sa aming mga professors. Sila iyong mga professors namin for Monday. Bawat araw kasi, iba ang professor na magtuturo sa amin kasi iba-iba rin ang subject namin bawat araw.

May pangit... Gaya na lang ng professor namin sa Environmental Science. Pangit na babaeng pilit nagmamaganda dahil sabog ang make up sa mukha. As in kaboom! Akala mo hostess sa club. Mukha pang bata, 'yung tipong nasa early 20's pa lang kaya ang lakas ng loob na gawing sexy ang teacher's uniform niya. Mas maikli pa nga ang haba ng palda niya eh kaysa sa haba ng ID lace niya. Pwede pala ang ganitong ayos ng professor sa school na ito? Kunsabagay, kami ngang mga estudyante, walang uniform at civilian lang ang lagi na isusuot. Kung makapagsungit pa, akala mo nasaniban ng kung ano. Ang sungit kahit wala pa naman kaming ginagawang kabulastugan sa klase niya. At ito rin iyong professor na ang daming binigay na assignments sa amin kaya bwisit siya!

'Yung isa naman, prof namin sa Filipino... Matandang lalaki. Alam mo DD, Siya na yata ang pinakaboring na prof na nakita ko sa buong buhay ko na nag-aaral ako. Nagsasalita siya, nakaupo. Pero infairnes naman sa kanya at kahit papaano'y naiintindihan namin siya sa mga pinagsasabi niya. 'Yun nga lang, parang tamad na tamad siyang magturo at ang boring.

Ang huli namang professor para sa araw na ito ay ang prof namin sa English. Grabe, medyo nagdugo ang ilong ko sa prof naming ito. Wagas maka-english. Buong klase yata hindi man lang siya nagsalita ng tagalog. Pasalamat nga siya at gwapo siya kahit na mukhang nasa 40's na ang edad, 'yung mala-Albert Martinez ang aura. Naku kung hindi siya gwapong matanda, baka binato ko na siya ng bag ko sa mukha. Pero ano pa bang aasahan ko? Natural English ang subject niya kaya natural lang na English rin ang language na gamitin niya. Eh tanga ka rin pala Law eh! Oh sige ako na tanga!

Oo nga pala, bago ko makalimutan... Uso ba talaga sa college 'yung salitang make-out? Ganito kasi iyon, habang naglilibot kami sa campus, bigla na lang kami nakakita ng isang babae at isang lalaki na torrid na naghahalikan sa ilalim ng puno. 'Yung tipong halos mahubad na nila 'yung mga damit nila sa tindi ng intensity ng ginagawa nila? Grabe nga eh... Talagang sa ilalim pa ng puno. Hindi man lang nila naisip na baka may nakakakita sa kanila o di kaya ay sa itaas ng puno na iyon, may kapre na nanunuod rin sa kanila. Hay! Uso ba talaga iyon sa college?

Oh siya... Hanggang dito na lang muna DD... Gagawa pa ako ng mga assignments ko... Turuan mo ako huh... hehehehe!

-Law Adrian Mendoza

PS: Grabe, ang gwapo at ang hot ng seatmate ko kahit na naka nerdy glasses siya! Haaaaaa!!! Kaso mukhang masungit dahil nakasimangot! Hmmp! Mukhang mababali yata 'yung sinabi ko sayo DD na hindi ko makakalimutan si Haygin my HIGH SCHOOL ULTIMATE CRUSH kasi mukhang magkakaroon na naman ako ng bagong ULTIMATE CRUSH and this time, sa college naman...


DIARY NI MR. L [BOYXBOY DIARY FORMAT SERIES]Where stories live. Discover now