#7

1.3K 36 1
                                    

#DiaryNiMrL

ENTRY # 7

Hay DD!

Kailan ko kaya siya makikitang ngumiti? Kailan ko kaya makikita ang matamis na ngiti ng isang Red?

Ewan ko ba DD kung bakit pati iyon ay iniisip ko pa. Kasi naman, simula ng klase at una ko siyang makita, hindi ko pa siya nakikitang ngumiti. Lagi lang seryoso ang mukha at laging parang buhat-buhat ang problema ng buong mundo.

Ultimate crush ko nga kasi si Red di ba? At siyempre, gusto ko rin kahit papaano na makita ang matamis niyang ngiti kahit na hindi para sa akin iyon. Sa tingin ko nga, kung ngayon ay gwapo na siya kahit hindi ito ngumingiti, siguro lalo pa itong gagwapo kapag nakangiti. Hay! May problema kaya siya? Problema sa ngipin at kaya hindi siya makangiti ay dahil sa bulok o wala na siyang ngipin? Hahahaha! Ewan... Kung ano-ano na lamang ang naiisip ko noh? Actually, sa tingin ko naman may ngipin siya at hindi iyon bulok dahil kahit papaano naman'y nakikita ko ang ngipin nito kapag magsasalita. Maputi at pantay-pantay ang ngipin niya. Dapat nga ipagmalaki niya iyon di ba sa pamamagitan ng pagngiti ng madalas. Eh kaso, mukha yatang pinaglihi si Red sa sama ng loob at wala sa vocabulary niya ang salitang ngiti.

Anyway highway DD... Kung 'yung hindi namin sinasadya na pagsasabay sa pagsakay ng jeep pauwi ay hindi ko makalimutan hanggang ngayon at talaga namang kinikilig pa rin ako... Lalo na siguro iyong nangyari kanina during our PE class. Hindi koa talaga makakalimutan ang laki ng umbok niya na nakabukol sa suot niyang jogging pants. Hanggang ngayon nga, ramdam na ramdam ko pa rin iyon na dumadampi at bumubunggo sa likuran ko na nagiging dahilan naman para pagpawisan ako ng malagkit.

Ganito kasi iyong nangyari DD... PE class kasi namin kanina... Oo may PE class pa kahit nasa college ka na pero sa pagkakaalam ko, hanggang 2nd year lang ang may PE at pagdating ng 3rd year ay wala na.

So iyon nga, ang lesson namin sa PE kanina ay tungkol sa basketball. Bale nagkaroon kami ng try-out kumbaga. Naglaro kami. Hiwalay 'yung boys sa girls kaya 'yung mga girls, sa kanang side ng court naglaro at kami namang mga boys ay sa kaliwang court.

Hinati ang boys sa dalawang grupo. Kakampi ko sila Patrick at Dale at ang iba ko pang classmate habang kalaban naman namin sila Red at iba pa. Kasam rin sa team nila Red 'yung epal na lalaki na si Zeus.

So iyon nga, nagsimula na ang laban. Although minsan lang naman ako maglaro ng basketball ay kahit papaano'y masasabi kong may alam ako. Hindi totally magaling but kaya ko. Ako nga iyong ginawa nilang point guard eh kahit na sinabi kong hindi ako marunong masyado sa larong ito.

So iyon nga, nagsimula ang laro. Alam mo ba DD... Magaling si Red maglaro ng basketball kahit na si Boy labo siya dahil na rin sa malabo ang mga mata niya. Minsan nga, natutulala na lang ako bigla sa tuwing makukuha niya ang bola at gagawa ng mga exhibition bago I shoot ang ball sa ring. Basta ang galing niya, pati nga iyong iba, namamangha sa kanya.

Ito na nga, nasa akin na iyong bola nun dahil sa biglang napasa sa akin so ako naman, ready na sa pag-shoot ng magulat na lamang ako ng bigla akong harangan ni Red kaya hindi ko na naman maiwasang hindi matulala. Seryoso ang mukha niya. 'Yung bawat tingin niya na umaabot sa kaibuturan ko. Grabe.

Eh di iyon nga, hindi lang niya ako hinaharangan para hindi ko ma-shoot ang bola. Talagang dumidikit pa siya sa akin para maharangan talaga ako. Nariyan iyong bigla na lamang nitong ihaharang ang mga braso sa akin para hindi ako makawala. Nakakatulala talaga dahil ang ganda ng mga biceps niya. Ang hot niya sa suot niyang fitted shirt na uniform sa PE.

Siyempre ako naman, pasimple akong iiwas sa kanya at talagang gagawa ako ng paraan para makawala rin sa kanya. Kailangang hindi niya ako mahalata na pinagpapantasyahan ko siya sa gitna ng laro. Pero hindi naman ako nagtatagumpay dahil bigla na lamang siyang mapupunta sa likod ko at pipiliting agawin ang bola. Hindi maiwasang madikit sa likuran ko ang matipuno niyang katawan at ang umbok niya na bukol na bukol sa suot nitong jogging pants. Talagang dumidikit iyon sa bandang likod ko dahil nga sa nayayakap na rin niya ako ng hindi sinasadya. Ano kayang pakiramdam kung mapasok iyon sa butas ko? Masakit kaya? Mukha kasing malaki kahit na ramdam kong malambot pa naman iyon. Kung papasukin man niya ako... Papayag kaagad ako kahit na virgin pa ako sa parteng iyon. Hahayaan ko na lang na magdugo ang pwetan ko kaysa sa puso ko kung sakali mang hindi ako papayag! Hahahahahaha!

Hay! Ang saya at ang sarap sa pakiramdam ng nangyari kanina sa pagitan namin ni Red. Kung sa kanya ay wala lang iyong mga nangyari dahil mukha namang wala itong kaalam-alam sa mga ginagawa niyang para sa akin ay kamangha-mangha. Sa akin naman, kulang na lang ay maging takure na ako at may laman na kumukulong tubig. Kahit na may aircon sa loob ng basketball gym, hindi ko pa rin maiwasang hindi pagpawisan dahil kay Red.

'Yun nga lang... may mga tao talagang feeling mo, ayaw kang maging masaya sa nangyayaring moment gaya na lang ni Zeus. Paano ba naman, pinairal na naman ang pagiging ULTIMATE EPAL. Sa tuwing may moment kami ni Red, siya naman itong bigla na lang kaming babanggain kaya kami naman ni Red ay bahagyang mahihiwalay sa isa't-isa. Ewan ko ba kung sinasadya niya ba o hindi pero basta... Epal siya talaga. Nakakainis. Kulang na nga lang ay magkapira-piraso na siya dahil sa talim ng tingin na ipinukol ko sa kanya. Masyadong epal na wala naman sa lugar!

Hay! Tama na nga ang pag-iisip sa epal na iyon. Basta ang isipin ko na lang ay si Red at ang masaya naming paglalampungan ay este pagbabasketball kanina. That's the best PE class na pinasukan ko. Hahahahaha!

-Law Adrian Mendoza

PS: Grabe DD... Hindi ko akalain na makamandag rin pala ang taglay kong beauty pagdating sa mga BABAE? Paano ba naman, nagulat na lamang ako na habang naglalakad ako sa hallway dahil uwian na ay may biglang humarang sa aking babae at hinalikan ako sa... PISNGI! At umamin pa talaga siya na CRUSH niya ako. My gosh! Ang lakas ng loob! Hindi ba siya nandidiri? Alam ko naman na gwapo daw ako sabi ng iba kaya siguro siya nagka-crush sa akin pero hindi kaya ako pinanganak para magkagusto sa opposite sex... Alam ko sa sarili ko na para lamang ako sa lalaki. Di ba?... Nakakatawa lang kasi! Isa pa, Pareho lang kaya kami... Actually, maganda, mestisa at sexy si Fina... Oo Fina ang pangalan niya at 2nd year na so meaning hindi namin siya kaklase...Mukha ngang may lahing Chinese dahil na rin sa pagka-chinita ng mga mata niya... Pero kahit na maganda siya at sexy pa siya at kahit na maghubad pa siya sa harapan ko... Never ko siyang papatulan dahil unang-una... Hindi ko bet ang babae... Wala akong nararamdaman sa kanina lalo na pagdating sa sexual... Friend pa pwede pero 'yung maging girlfriend ko... It's a big NO! NO! NO! Isa pa... Bukod sa BOOBS lang ang meron siya na maaaring maisubo ng bibig... Wala nang pwedeng maisubo sa kanya... Mas favorite ko pa rin ang buhay na HOTDOG kaysa sa HAM noh!!! My gosh! Pang-aasar tuloy ang naabot ko kayla Patrick at Dale. Mabuti na lang at wala na nun si Red... Baka mamaya kasi, hindi ko alam, magselos iyon kapag nakita niya ang ginawa ng babaeng iyon sa akin... Ok ako na ang assumera! Hmmp!

Hay Fina! Mali ka ng taong naging CRUSH! Doon ka sa tunay na lalaki at wag sa akin! Kaloka ka! Feeling ko tuloy, nakuha ang puri ko dahil sa ginawa niya! Hahahahaha! Oo na! Ako na ang dakilang OA!


DATE POSTED: OCTOBER 4,2015 (SUNDAY)


DIARY NI MR. L [BOYXBOY DIARY FORMAT SERIES]Where stories live. Discover now