#29

1K 31 2
                                    

#DiaryNiMrL

ENTRY # 29

Hoooo DD!

Hanggang ngayon, ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko. Hanggang ngayon, sobrang kinakabahan pa rin ako.

Bakit?

Iyon ay dahil kay Zeus...

Kasi naman kanina... Muntikan na niya akong halikan sa aking labi... Muntikan nang magdikit ang mga labi namin... Muntikan na niyang makuha ang first kiss ko... WAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHH!!!

Ganito kasi iyon... Nagulat na lamang ako ng may biglang humila sa akin habang naglalakad ako sa hallway at dinala ako sa isang tagong lugar... Nalaman kong si Zeus pala ang humila sa akin ng isandal niya ako sa pader, humarap sa kanya at harangan niya ang magkabilang gilid ko gamit ang mga braso't kamay niya. Magkaharap kami. Halos magkalapit na nga nun ang aming mga mukha, mga isang pulgada na lang yata ang pagitan kasi nagkakadikit na ang mga tungki ng ilong namin. Amoy na amoy ko nga nun 'yung mabango niyang hininga na amoy mentol. Titig na titig ang mga mata niya sa akin na nagtatanong at tinanong niya ako ng walang katapusan niyang tanong na bakit ko siya nilalayuan. Eh ako naman, tulala lang na nakatingin sa kanya. Hindi ko magawang makapagsalita kasi nga, tulala ako at sobra ang kaba ko.

Nagulat na lamang ako at halos manlaki ang mga mata ko ng bigla na lamang lumapit lalo ang mukha niya sa akin. Konting-konti na lang at magkakadikit na talaga ang mga labi namin. Hindi naman sa nag-iinarte ako, mahal ko na nga siya di ba at kung pwede lang sana ay siya ang makauna sa labi ko... Kung pwede lang na siya ang first kiss ko. Pero kasi, hindi pa ako handa para dun... Hindi sa ganitong pangyayari ko inaasahan na mangyayari ang first kiss ko. Maarte na ba ako niyan? Hay ewan!

Napapikit ako ng mga mata ko at inihahanda ko na lang ang sarili ko sa nagbabadyang paghalik niya sa aking labi. Oo DD... Wala na rin naman akong magagawa nun kahit na pumalag ako... Mahahalikan at mahahalikan pa rin niya ako so pabayaan ko na lang.

Nagmukha nga akong tanga nun DD eh... kasi naman, ang tagal ko ng nakapikit, mga 5 minutes tapos hindi pa ako hinahalikan. Nung dumilat ang mga mata ko... Halos magulat at mainis ako sa sarili ko ng makita kong wala na pala sa harapan ko si Zeus. My gosh! Nagmukha akong tanga. Hindi ko man lang naramdaman na wala na pala siya at nagmukha akong tanga na nakapikit pa habang nakasandal sa pader. Nakakainis! Bwisit!

Bwisit rin 'yang Zeus na 'yan! Feeling ko, pinaasa niya ako... Hay Ewan! Bwisit siya! Huhuhuhu!

Hay naku DD! Ewan ko ba kung manghihinayang ako o ano ba. Basta naiinis na naaawa ako sa sarili ko kasi nagmukha akong tanga. Siguradong kapag nalaman ito ng mga kaibigan kong sila Patrick at Dale, pagtatawanan ako ng mga iyon sa katangahan ko.

-Law Adrian Mendoza


DIARY NI MR. L [BOYXBOY DIARY FORMAT SERIES]Where stories live. Discover now