#15

948 28 1
                                    

#DiaryNiMrL

ENTRY # 15

Hay DD...

Kahit papaano'y masasabi kong nagiging masaya na ako. Napapangiti na ako kahit na sa loob-loob ko'y may sakit pa rin akong nararamdaman sa tuwing makikita ng mga mata ko si Red. Tama nga siguro ang sinabi ni Patrick sa akin, kailangan sanayin ko ang sarili ko na masaktan kapag nakikita si Red hanggang sa mamalayan mo na lang na wala ka ng sakit na nararamdaman. Sa madaling salita, kailangan mong gawing immune ang sarili mo sa sakit para hindi ka na masyadong nasasaktan pa.

Malaki ang pasasalamat ko kay Zeus. Kahit papaano kasi ay siya ang naging dahilan para mapangiti ako. Siya ang naging dahilan kahit papaano'y makalimutan ko ang sakit na nararamdaman ko.

Malaki na ang ipinagbago ni Zeus lalo na sa ugali nito at pakikitungo sa akin. Masasabi kong kaibigan ko na rin siya. Oo, kaibigan na laging nandyan para damayan ako. Ganun kasi ang ginagawa ni Zeus.

Nakakapagtaka nga lamang talaga para sa akin ang mga pagbabagong iyon ni Zeus. Kung dati ay hate na hate ko siya dahil sa mga ginagawa niyang hate na hate ko rin, ngayon naman ay nagugustuhan ko na siya dahil sa mga ipinapakita niyang maganda sa akin. Siguro nga ay may pagka Rhodora X siya kaya ang bilis niyang magbago. Ano nga kayang espiritu ang sumapi sa kanya? Espiritu kaya ng anghel or what?

Anyway highway, alam mo DD... Medyo nanghinayang ako ngayong araw. May ibinigay kasing research paper project ang professor namin sa isang subject at kailangan by partner ang paggawa nun. Eh di pinagpartner-partner na niya kaming lahat na magkakaklase eh sayang nga lang at hindi ko nakapartner si Red sa halip ay si Zeus ang naging partner ko na tuwang-tuwa naman na ako ang naging partner niya. Ewan ko ba dun kung bakit tuwang-tuwa. Siguro kasi ay may aasahan na siya na gumawa ng reaserch paper at ako iyon at hindi na niya kailangan pang tumulong kasi ako ang pagagawain niya ng lahat. Wish niya lang iyon dahil kahit sa ayaw at gusto niya, magtutulungan kami sa paggawa nun. Sineswerte naman siya.

Ok lang naman sa akin na maging partner ko si Zeus lalo na ngayon na maganda na ang pinagsasamahan naming dalawa pero at the same time, nanghihinayang at nagnanais na makapartner ko si Red. Kahit man lang sana sa project, masasabi kong naging partner ko si Red. Malay mo DD... Kung sakali mang nakapartner ko siya, may mabuo. Oy! Hindi baby huh kundi... basta!

Hay! Ito na naman ako sa asa DD... Bakit ba ganun? Kahit na nasasaktan na nga ako ng dahil sa kanya still, umaasa pa rin ako na... magkakalapit rin kami. Umaasa ako na sa takdang panahon... maging kami.

Hay! Hanggang sa asa na lang talaga ako. Dahil ang mga bagay na gusto ko ay mananatili na lamang pag-asa na hindi matutupad kahit na gustuhin ko iyong matupad. Ang dapat ko na lang sigurong gawin ngayon ay tanggapin ang lahat. Tanggapin na ang mga gusto ko ay hindi na matutupad.

O siya DD... Matutulog na muna ako at mamaya ay pupunta pa ako sa bahay nila Zeus para masimulan na naming gawin ang research paper namin...

-Law Adrian Mendoza


DIARY NI MR. L [BOYXBOY DIARY FORMAT SERIES]Onde histórias criam vida. Descubra agora