#12

942 28 0
                                    

#DiaryNiMrL

ENTRY # 12

Hay Bwisit! Bwisit! Bwisit!

Kung may lalaking nagiging dahilan para kiligin ako at maging maganda ang araw ko at iyon ay sa katauhan ni Red... May isang lalaki naman na nagiging dahilan para masira at bwisitin ang araw ko lagi at iyon ay sa katauhan naman ng bwisit na si Zeus.

Nakakainis talaga ang lalaking iyon! Hindi ko alam kung tunay lang ba talaga siyang mapang-asar o sadyang panira lang talaga ng araw ko.

Paano naman kasi, simula nung insidente na kinasangkutan naming dalawa doon sa may boys cr... Hindi na ito tumigil sa pang-aasar sa akin. Nagmumukha na nga akong takure dahil sa laging kumukulo na lang ang dugo ko sa tuwing makikita at inaasar niya ako.

Not literal na inaasar niya ako ng mga pang-asar na pananalita. Inaasar niya ako sa pamamagitan ng pagpapacute tapos titingin siya sa akin ng nakakaakit sabay dila at basa sa kanyang labi at napapakagat-labi pa ito. Pagkatapos ay bigla nitong ilalagay ang kanang kamay sa pundilyo ng pants niya sabay pipisilin ang nakatago sa loob nun na pagkalalaki niya. Di ba nakakaasar? Nakakaasar na may pagkama-L. Mabuti na nga lang at walang nakakapansin sa mga classmate namin sa ginagawa niyang iyong pang-aasar sa akin.

Nakalimutan ko na nga iyon eh... Pero siya, talagang ipinapaalala niya pa sa akin ang mga nangyari at ginagamit na niya iyon ngayon para asarin ako.

Ano ba kasing problema ng lalaking iyon? Bakit niya iyon ginagawa? Talaga nga bang mapang-asar lang siyang tao o may nais siyang ipahiwatig sa mga ginagawa niyang iyon sa akin?

Bakit hindi na lang niya ako asarin ng Bakla! Bakla! Bakla! Tutal naman alam na iyon ng buong bayan. Mas ok pa nga iyon eh dahil at least, I'm immune na sa ganung pang-asar simula bata pa ako. Hay! Bwisit talaga! Walang alam ibang gawin kundi maging mapang-asar, maging hambog, maging papansin.

Hay! Ewan ko ba doon! Nakakainis na talaga siya. Kahit na hindi ko na nga siya tinitingnan, naiinis pa rin ako sa kanya. Bwisit! Bwisit! Bwisit!

Mabuti na lang talaga DD at nandyan pa rin si Red na kahit hindi ako kinakausap at tinitingnan ay nagagawa naman nitong kahit papaano'y mapaganda muli ang araw ko na pilit na sinisira ni Zeus.

Anyway highway... Hay DD! Malapit na pala ang prelims namin... Kailangan na namang mag-review para sa ekonomiya! Hahahaha!

Oh siya DD... Bago pa kita mapunit dahil sa inis eh mag-rereview na lang muna ako ok!

-Law Adrian Mendoza


DIARY NI MR. L [BOYXBOY DIARY FORMAT SERIES]Where stories live. Discover now