#24

889 28 0
                                    

#DiaryNiMrL

ENTRY # 24

Tigyawat sa ilong... pati na sa pisngi... Sa kakaisip sayo... tigyawat dumarami...

Waaaaaaaaaahhhhhhhhhh DD!!!! Huhuhuhu! May tigyawat ako DD! Oh no! Bakit?!

Dahil ba ito sa kakaisip ko sa kanya kagabi to the point na hindi na rin ako nakatulog ng maayos dahilan para magkaroon rin ako ng malalim na eyebags? Waaaaaaaaahhhhhh!!!! Kailangan ko nang bumili ng safeguard at pimple cream pantanggal ng pimples at gamot sa eyebags para mawala rin ang malalim kong mga eyebags!

Kasi naman eh... Bakit patuloy siyang tumatakbo sa isipan ko? Imbes na siya ang mapagod... Ako ang parang napagod at lutang!!! Bwisit naman! Dagdagan pa na may tigyawat na ako sa mukha... Mga dalawa.

Pero DD... Napanuod ko sa isang commercial ng sabon... Hindi naman daw pag-ibig ang dahilan kung bakit nagkakatigyawat ang isang tao kundi dahil sa germs... Wait! Teka nga... sinabi ko bang pag-ibig? Ibig bang sabihin...

No! No! No! Not again! Ayokong sabihin sa sarili ko na umiibig na naman ako kaya ako nagkakaganito! No! No! No! Hindi! Ayoko! Ayoko na!

Hindi ako nahuhulog kay Zeus! Hindi ako umiibig sa kanya! Hindi! Tama na iyong minsang nahulog ako at nasaktan ng dahil kay Red kaya huwag naman sana kasi baka magaya na naman 'yung nangyari sa akin dati... Marahil, infatuation lang itong nararamdaman ko kay Zeus. Gwapo naman kasi siya kaya hindi ko rin maiiwasan na hangaan at pagpantasyahan siya. Oo, hanggang dun lang 'yun at hindi ko hahayaan na mahulog akong muli. As in never na hahayaan ko na ang sarili ko na mahulog ako kasi... I'm scared.

Pero... Paano kung... Waaaaaahhhhhhhhhhh!!!! No! No! No! Hindi! Ayoko! Tama na! Tama na ang minsan!

Bwisit ka Zeus! Ginugulo mo ako!!! Huhuhu!

Hay DD! Ano ba itong nagaganap sa buhay ko? Hindi ko keribels!

-Law Adrian Mendoza

PS: It's a big NO! I'm not falling in love again and I will never be... Tama na!... Weh? Waaaaaaaaahhhhhhhhh!!!!


DIARY NI MR. L [BOYXBOY DIARY FORMAT SERIES]Where stories live. Discover now