#19

868 28 0
                                    

#DiaryNiMrL

ENTRY # 19

May tanong ako sayo DD...

Naranasan mo na bang mabigyan ng bulaklak? Kinilig ka ba? Nagtatalon ka ba ng sobra sa ibabaw ng kama dahil sa tuwa? Ay bakit nga ba kita tinatanong ng ganyan... Sino ba naman kasi ang magbibigay sayo ng bulaklak eh isang hamak na Diary ka lang pala... Tanga ko rin eh noh...

Anyway highway... Kaya ko lang naman 'yan natanong kasi ako... Nabigyan na ng bulaklak kani-kanina lang. Actually, hawak ko nga siya ngayon eh.

Hindi ko nga alam kung dapat ba akong kiligin o mainis. Paano ba naman kasi... Si Zeus, binigyan ako ng bulaklak sa harapan pa mismo ng simbahan at alam mo ba kung anong bulaklak ang ibinigay niya? Taraan! Isang bugkos ng pambansang bulaklak ng Pilipinas! Ang sampaguita!

Napatingin ako sa kanya ng masama nun eh... Gawin ba naman kasi akong poon. Kulang na nga lang isabit niya sa leeg ko iyong sampaguita at magdasal na rin sa harapan ko. As usual, Tawa lang naman ang isinukli niya sa tingin kong masama sa kanya.

Hay Ewan ko ba dun kung trip nga lang ba talaga niya akong asarin dahil sa pagbibigay niya ng bulaklak ng sampaguita. Porke't nakasabay ko lang siya sa pag-uwi kanina eh pinagtitripan na naman niya ako.

Pero infairnes naman DD... Kahit papaano'y kinilig ako dahil sa pagbibigay niya ng bulaklak kahit na nakakadismaya lang dahil bulaklak ng sampaguita ang binigay niya. Sana man lang red rose di ba o di kaya ay ibang klase ng bulaklak. 'Yun yata talaga ang naisipan niyang ibigay sa akin.

Ngayon lang kasi ako nabigyan ng lalaki ng isang bulaklak. Pangarap ko nga na sana, si Red ang magbibigay sa akin nun habang nagde-date kami. Pero alam ko naman na kailanman eh hindi mangyayari iyon kahit na hanggang ngayon, medyo umaasa pa rin ako na kahit konti lang, mapansin niya ako. Hmmp! Thanks na lang kay Zeus dahil kahit papaano'y ipinaranas niya sa akin na mabigyan ako ng bulaklak kahit na epic fail dahil nga sampaguita ang ibinigay niya na sampung piso isang tali. Epic fail nga ba? Hindi naman masyado... Hindi ko lang kasi expected na ganung klase ng bulaklak ang kauna-unahang matatanggap ko sa buong buhay ko na galing sa isang lalaki. Kunsabagay, maganda naman ang sampaguita at mabango pa. Dual purpose pa... Bukod sa medyo pinakilig na ako ng bulaklak na iyon, pwede pang isabit kay Sto. Nino pagkatapos kong amuy-amuyin.

Hay Zeus... Kahit na lagi mo akong inaasar... Hindi ka pumapalya na kahit papaano'y mapangiti ako. Ikaw na! Ikaw na ang dakilang clown!

-Law Adrian Mendoza

PS: Malapit na nga pala naming matapos ni Zeus 'yung research paper namin... Bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon? Bakit nalulungkot ako sa tuwing iisipin ko na matatapos na ito? Dahil ba sa... Pagkatapos nito... Hindi na magiging kagaya ng dati? Hindi na kami magkakasama at magkakausap pa ng madalas kahit na wala na sa school? Ganun nga kaya DD?


DATE POSTED: OCTOBER 17,2015 (SATURDAY)


DIARY NI MR. L [BOYXBOY DIARY FORMAT SERIES]Where stories live. Discover now