#23

798 27 0
                                    

#DiaryNiMrL

ENTRY # 23

Arrggghhhh DD!

Bakit ba ako naiinis ngayon? Ano naman kung may kausap siyang babaeng maganda? Argghhh! Nakakainis.

Ewan ko ba... Hindi ko na maintindihan ang sarili ko ngayon DD... Naiinis ako kay Zeus dahil sa nakita kong kausap niya si Michelle, ang pinakamagandang president ng cheerleading club. Mabuti pa iyon... Lagi niyang kausap samantalang ako... Haist!!!! Nakakainis talaga.

Ok... Alam ko DD OA na talaga ako. Kinakausap rin naman niya ako pero kasi... Pakiramdam ko, parang ayoko na nakikita ng mga mata ko na may kausap siyang iba lalo na ang babaeng iyon. Ok lang kung kaibigan o classmate namin ang kausap niya pero kasi... Hindi naman namin classmate ang Michelle na iyon... 3rd year na nga iyon eh tapos 'yun nakakausap pa niya ng madalas and take note, dalawa lang silang nag-uusap sa bleacher ng basketball gym ng school at nagtatawanan pa. Nakakainis at nakakabwisit na tanawin na makikita ko.

Naiinis rin ako sa bwisit na Michelle Maharot na iyon, simpleng malandi rin eh...

Hay DD! Ewan ko na talaga... Ewan ko na talaga sa sarili ko kung bakit ganito ang nararamdaman ko... Kailangan ko na nga yatang alamin sa sarili ko kung bakit ganito ang mga pakiramdam ko.

-Law Adrian Mendoza

PS: NAKAKAINIS TALAGA!!! NAKAKAINIS KA TALAGA ZEUS AT HINDI KO ALAM KUNG BAKIT INIS NA INIS NA NAMAN AKO SAYO!


DIARY NI MR. L [BOYXBOY DIARY FORMAT SERIES]Where stories live. Discover now