#27

854 23 0
                                    

#DiaryNiMrL

ENTRY # 27

Dapat na nga ba akong umamin DD sa tunay kong feelings for him?...

Hay DD! Kasi naman... Feeling ko, habang tumatagal... mas lalong nagiging malalim itong nararamdaman ko towards kay Zeus. Kahit ano yatang gawin kong pagpipigil na hindi lalong mahulog sa kanya... wala... waepek.

Pero ayoko namang umamin sa kanya... Ayoko dahil in the first place... bakit ako aamin sa kanya? Baka mamaya... Oo DD... Alam ko na kung ano ang sasabihin mo... Kaya ayokong umamin sa kanya kasi... Natatakot ako. Malaki ang takot ko. Ayoko kayang ma-reject. Alam ko naman kasi na marereject lang niya ang feelings ko kasi hindi naman kami parehas ng nararamdaman. Ako lang ang nagmamahal sa kanya at siya? Marahil hindi o ewan ko or... ay basta.

Alam ko naman DD... Masyado kong pinapangunahan ng nega ang lahat. Alam ko rin naman iyong kasabihan na 'Paano mo malalaman ang sagot sa mga tanong mo kung hindi ka gagawa ng paraan para malaman iyon.' Oras ba na umamin ako ng feelings sa kanya... Malalaman ko rin ba na mahal niya rin ako? Oras ba na umamin ako sa kanya... nakakasiguro ba akong we will live happily ever after? 'Yan ang mga tanong ko sa sarili ko... Gustuhin ko mang bigyan 'yan ng kasagutan ngayon pero hindi ko pa yata kaya na malaman ang mga sagot... Dahil alam ko at ramdam ko na hindi ko magugustuhan ang mga sagot sa mga tanong na 'yan.

Hay DD! Sige na! ako na ang dakilang nega... Eh anong magagawa ko? Ayoko na kayang maulit iyong nangyari sa akin nung nahulog ako kay Red. Tignan mo... nalaman ko na may minamahal na pala siya... Hindi ko naman sinasabing nasayang lang iyong pagkahulog ko sa kanya pero... mukhang nasayang nga... Minahal ko siya pero malalaman kong may mahal na pala siyang iba. Saklap at ang sakit lang di ba? Mabuti na rin at nega na ako at hindi ko rin nagawang umamin sa kanya kasi at least, nailigtas ko ang sarili ko sa pagiging kontrabida... Hindi ako nakagulo sa relasyon ni Red sa girlfriend nito. Hindi naman kasi ako iyong tipo ng tao na kapag may gusto, gusto kong kaagad na makuha, hindi ako ganun. May gusto man ako pero hinahayaan ko muna ang lahat at hindi gumagawa ng kung ano-ano kasi baka nga hindi ko magustuhan ang resulta ng mga ginawa ko.

Hay naku Zeus! Why are you doing this to me? Bakit ba kahit anong gawin ko... patuloy-tuloy pa rin ang pagkahulog ko sayo?

-Law Adrian Mendoza

PS: ISA PA ITONG PROBLEMA! DUMATING SA BAHAY NAMIN ANG DAKILA KONG PINSAN SLASH KAAWAY NA SI DOMINIC AKA DOMINQUE! DITO PA NAPILING MAGHASIK NG LAGIM! BWISIT NA BAKLANG 'YAN, MANGGUGULO NA NAMAN SA TAHIMIK KONG BUHAY. HINDI PA BA SIYA NAGSAWA SA PANGGUGULO SA AKIN NUNG MGA BATA PA KAMI AT NGAYON AY NANDITO NA NAMAN SIYA SA BUHAY KO?


DIARY NI MR. L [BOYXBOY DIARY FORMAT SERIES]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu