#26

812 25 1
                                    

#DiaryNiMrL

ENTRY # 26

Nagtataka na tuloy siya DD...

Nagtataka na sa akin si Zeus... Nagtataka siya kung bakit parang nilalayuan ko na raw siya... Eh ako naman, todo deny at sinasabi lagi sa kanya na OA lang siya saka bakit ko siya lalayuan... Pero ang totoo naman talaga DD... Nilalayuan ko na nga talaga siya. Ilang araw na rin ang nakalipas. Lagi ko lamang kasama sila Patrick at Dale sa school at sa tuwing uwian naman, sila ang kasabay ko paglabas pero kapag uuwi na ng bahay, ako na lang mag-isa kahit na alam kong kasabay ko lang si Zeus sa jeep na nakaupo sa medyo malayo at nakatingin sa akin. Hindi ko siya tinitingnan na ngayon at kinakausap kahit na lumalapit pa siya sa akin sa school. Kinakausap ko lang siya kapag kailangan. Pinipilit ko ang aking sarili na layuan siya.'Yun lang kasi ang pinakasimple at pinakamadali ring paraan kahit papaano'y hindi ako tuluyang mahulog sa kanya. Nakikita ko man siya at least kahit papaano'y medyo nailalayo ko na rin ang sarili ko sa lalong pagkahulog sa kanya kasi nga nilalayuan ko na siya.

Pero alam mo DD... Mahirap rin pala itong ginagawa ko... Mahirap rin na lagi ka na lang magsisinungaling sa kanya sa tuwing tatanungin ka niya kung bakit ko siya nilalayuan. Ang dami niyang tanong na sasagutin ko lang ng nag-aalangang tawa. Gaya ng mga tanong na: Bakit parang nilalayuan mo na ako? May nakakadiri ba sa akin? May hindi ka na ba nagustuhan sa mga ginawa ko? May problema ka ba sa akin? Sabihin mo... and etc... etc... Ang dami niyang tanong na minsan... OA na rin sa pandinig.

Hay DD! Masakit, malungkot at mahirap man para sa akin ang ginagawa kong ito pero I think, this is the best para gawin. Gusto ko lang naman iligtas ang sarili ko mula sa nagbabadyang ikalawang delubyo sa buhay ko... which is ang masaktan muli ang puso ko...

-Law Adrian Mendoza

PS: Hindi mo malalaman na mahal ka niya kung hindi ka maunang aamin sa kanya... Minsan kasi, kaya tumatagal ang istorya ng dalawang taong nagmamahalan ay dahil sa hiya na meron sa katawan nila... Hindi maamin sa isa't-isa ang tunay na nararamdaman. Kaya minsan, hindi maiwasan na may masaktan dahil sa hiya na 'yan... -Patrick.

Ewan ko ba kay Patrick kung bakit niya 'yan nasabi. Nabasa lang daw kasi niya 'yan sa isang novel... Pero... Sa tingin mo ba DD... May alam na sila ni Dale? May alam na sila na... Ah basta... alam mo na iyon.


DIARY NI MR. L [BOYXBOY DIARY FORMAT SERIES]Where stories live. Discover now