#20

847 28 0
                                    

#DiaryNiMrL

ENTRY # 20

"Malungkot ba ang buhay mo?... Bakit?... Kasi... Wala ako..." BOOM!!!!

Bwisit na Zeus 'yan! Akala ko kung ano 'yung itatanong sa akin kanina 'yun pala, magpipick-up line! Kahit kailan talaga iyong lalaking iyon... Puro kalokohan.

Isa pa, kung makatitig sa maganda kong mukha... Kulang na lang malusaw ako sa harapan niya. Iyong tipo ng titig na parang kodigo sa test iyong tinititigan at kinakabisado ang bawat detalyeng naroon. Ganun siya tumitig DD... Actually nga... Medyo nailang ako at hindi na nakapag-concentrate sa paggawa pa ng natitira pang mga dapat gawin sa research paper namin. Sobrang lapit pa niya sa akin, iyong tipong ako 'yung nakaupo sa edge ng kama habang siya naman ay sa mismong kama pero napakalapit niya sa akin. Basta ganun. Nakakailang at medyo... Nakakakaba.

Ewan ko DD kung ano ang dahilan at nasa isipan ni Zeus habang tinititigan ako... Ayokong magtanong sa kanya... Hindi ko alam kung bakit. Hayaan ko na lang ang sarili ko na magtaka dahil dun.

Anyway highway DD... 'Yun nga, hindi namin natapos ang research paper dahil sa mga pinaggagagawa niya. Bukas na lang tapusin at next next day eh pasahan na kaya kailangan na talagang matapos. Si Zeus kasi eh, mukhang nasapian na naman this past few days... Hmmmp!

-Law Adrian Mendoza

PS: Bakit pakiramdam ko... Mas lalong gumagwapo si Zeus sa paningin ko nitong mga nakaraang araw?


DIARY NI MR. L [BOYXBOY DIARY FORMAT SERIES]Where stories live. Discover now