Chapter 4. [Fight with the ex-bestfriend]

695K 11.6K 2.3K
                                    

4. Daniella

"Oo. Ako nga. Bakit?" "A, e, uhmm..."

Speechless ako. Okay, so yung lalaking stranger na humalik sa'kin kahapon at yung nakausap ko rin kahapon na ang pangalan ay Bryan ay nasa harapan ko ngayon at kinakausap ako na parang close kami at habang sinasabi niya yung mga sinasabi niya ngayon, e, nakangiti siya na parang tuwang-tuwang nakita niya ako.

Teka, bakit parang tumahimik lahat ng nandito?

Tiningnan ko yung mga tao, na-shock din sila. Kahit si Andie natulala. Alam kong guwapo yung nasa harapan ko pero bakit parang mawawala na sila sa sarili dahil lang sa Bryan na 'to?

"Bakit di ka makapagsalita? Dahil ba sa kaguwapuhan ko?" Sabay flash ng killer smile. Yung smile na nakakatunaw. Nakakagigil! Pero dahil sa kahanginan niya, binara ko siya.

"Ang kapal naman ng mukha m—"

Hindi ko na naituloy yung sasabihin ko kasi biglang may tumulak sa'kin at napaupo ulit ako sa sahig. Letse, ang sakit! Tiningnan ko kung sino yung tumulak sa'kin at juskopo, ang daming students na pinagkakaguluhan si Bryan! Nakakatakot ang itsura nila. Parang nakatakas lahat ng animals sa zoo tapos nag-decide silang sumugod. Tumayo na lang ako at pinagpag ang uniform ko. Mabilis akong umalis sa "crime scene" at hinila si Andie papuntang classroom. Ganti ko na rin yung hindi pagpansin kay Bryan dahil sa sobrang kayabangan niya.

Nung malapit na kami sa classroom, saka lang nagsalita si Andie.

"OMFG, bes! Why did you hide this?" Medyo may tampo sa boses niya.

Wait, ano bang ginawa ko sa kanya?

"Hide what?"

"Magkakilala kayo ni Bryan!"

"Uh. That Bryan? Yeah, nameet ko kahapon. Yabang, sobra." At kinuwento ko sa kanya yung nangyari sa'kin kahapon. Tawang-tawa siya pagkatapos.

"OMG, bes! Ibang level ka!" "Di kita gets, promise."

"Duh! That Bryan is THE BRYAN." "The what Bryan, Andie?"

"Bryan Lim. B-R-Y-A-N L-I-M."

Ini-spell pa talaga. E marunong din naman akong mag-spell, no.

"Letse. O, e, sino nga siya? Ex mo? Malas mo naman." Biglang ngumiti nang bonggang-bongga ang loka.

"Gagi. Suwerte ko naman. Sana! Haha. Pero, seriously, you really have no idea who Bryan Lim is?"

Medyo familiar yung name niya. Narinig ko na 'to kay...

ay, ewan. I forgot na.

"Ang kulit mo rin, no? Adik ka? Hindi nga sabi, e!" Papasok na kami ng classroom nang mabasa ko ang

nakalagay sa blackboard namin.

WELCOME TO 4A,

Mr. Bryan Cedric Lim!

WE LOVE YOU!

Naweweirduhan ako sa mga classmates namin at naweweirduhan din ako sa Bryan na 'to. Marami-rami na kami dito sa classroom pero may hinihintay pa raw na hindi ko alam kung sino. Siguro si Bryan pa rin. Stuck pa yata siya dun sa kaguluhan kanina. Baka nadaganan siya! SANA.

Pero, classmates kami? Pag minamalas ka nga naman, o.

"Uy, Daniella."

"O?" Nilingon ko yung tumawag sa'kin. Paglingon ko, lahat ng classmates ko nakatingin sa'kin. Tapos lumapit sila. Ano 'to? Police interrogation?

"Bakit lahat kayo nakatingin sakin? May dumi ba ko sa mukha?"

"Kilala mo pala si Bryan Lim?"

"Oo nga. Close ba kayo?

"Kanina kasi sa may bulletin board, nag-usap daw kayong dalawa?"

"Pinakita pa niya sa'yo yung nakakatunaw niyang killer smile!"

"Don't deny it. Nakita ka namin."

"Hindi ko siya kilala. At lalong di kami close. Why will I deny it?"

"Weh. Di ngaaa?" "Ululs, sinungaling."

"It happened right before our very eyes. Ano kami, bulag?"

WTF. Tuloy-tuloy yung tanong sa'kin at hindi ko sila masagot kasi hindi naman nila ako binibigyan ng chance!

"Hoy, ano ba kayo? Sinabi na niyang di nga niya kilala si Bryan Lim, di ba?"

Bigla akong napatingin dun sa nagsalita. Kakapasok lang pala ni... Erick. Si Erick. Andito na siya. At tinitigan niya lang ako. Nagtitigan lang kami. Feeling ko, tutulo na naman yung luha ko any moment. Na-miss ko siya. Tatawagin ko na sana siya nang biglang may humawak sa braso niya. Pagtingin ko dun sa babae, syet, si Allison. Manunulot talaga.

"Hi, Babe!" Sabay halik sa lips ni Erick. Take note, laplapan, ha? At kailangan sa harap ko pa?

"OMG! Di ba sila pa ni Daniella?" "E bakit naghahalikan sila ni Ali?" "Break na raw sila kahapon pa." "Talaga? Why?"

"Ewan." "So sad."

"Dahil kay Ali?" "Baka kay Bryan."

"Hoy, akin lang si Bryan, no!"

Ano ba 'tong mga kaklase ko! Kanina ko pa naririnig yung pinag-uusapan nila, ha. Kaka-BV.

"Tigilan n'yo nga ako!" Palabas na ako ng classroom nang bigla akong hilahin ni Allison.

Problema nito?

"Aww. Why walk out, Daniella? Di mo kayang makita kami ni Erick na magkasama? Inggit ka, no?"

"Bakit naman ako maiinggit?"

"Kasi, naagaw ko siya sa'yo." Tapos nag-smile siya. Bitch.

Pinigilan ko ang sarili ko. Ayokong magkaroon ng gulo. Pero nakakarami na 'tong bruha na 'to, e. Gusto niya ng eksena kaya pinagbigyan ko siya. Kahit maraming students na nakapalibot na sa'min, kahit nakatingin lang si Erick sa pintuan ng classroom, kahit alam kong mas pipiliin at kakampihan niya pa rin 'tong si Allison kapag tapos na ang away namin, wala na akong pakialam.

"Alam mo, Allison," tinanggal ko yung kamay niya sa braso ko, "sa susunod, wag mo akong hahawakan. Ayoko kasing may kung anong mikrobyo ang kumakapit sa skin ko. Naliligo kasi ako, e. Ikaw ba?"

"Aba, tingnan mo 'tong babaeng 'to kung makapagsalita! Kaya nakipag-break sa'yo si Erick, e! Maarte ka kasi! At nasa loob ang kulo mo!" Bigla niya akong tinulak kaya tinulak ko rin siya.

"Ako? Ako pa ang maarte? Kung ako maarte, anong tawag sa'yo? Malandi at mang-aagaw ng boyfriend!"

"FYI, ex-boyfriend mo na siya. He's mine now, ex-bestfriend."

Si Allison, bestfriend din namin siya ni Andie. Imagine, bestfriend ko, inagaw yung boyfriend ko. Doble-doble ang sakit!

"Hahaha. Oo nga, e. Buti na lang hindi na kita kaibigan ngayon. At ex ko na nga pala siya. Yeah, right. Salamat, ha? Pero sana, sana Ali, sinabi mo dati pa na may gusto ka kay Erick ko nung kami pa, hindi yung lalandiin mo siya behind my back!"

Sasampalin na sana niya ako nang...

"Sige, sampalin mo siya, paduduguin ko yang labi mo." Hinila na ako ni Bryan papalayo sa lugar na yun.

Ang Boyfriend Kong Artista. [Published book]Where stories live. Discover now