Chapter 52. [Trouble]

288K 5.4K 422
                                    

52. Daniella

Pagdaan ko sa bench ng Xander High, bigla ba namang may sumipol. Pinigilan ko ang sarili kong lumingon. Baka mapaaway ako nang di-oras, e.

Pagdaan ko sa bench ng Montenegro High, inasar ako nina Erick at Kevin. Singer na raw pala ako. Lokong mga yun. Buti pa si Bryan, kinindatan ako at nag-mouth ng "Kaya mo yan."

Sweet.

I threw a glance at Bryan bago magsimulang kumanta. Thankfully, di naman ako pumiyok. Na-proud naman ako nang konti sa sarili ko! Di ako pumalpak kahit walang preparation. Si Bryan pumunta pa ng side stage at sinalubong ako. Stage boyfriend!

"Ang galing mo, wifey! Kumanta ka na lang ng Lupang Hinirang palagi!"

"Ay, grabe nang-asar pa! If I know na-proud ka sa akin." "But of course! And now, it's my turn to make you

proud."

"Goodluck, hubby!"

"Wala bang goodluck kiss dyan?"

Tinampal ko yung lips niya. "O, ayan goodluck kiss mo!"

"Puwede na rin! Sige, wifey, balik na ako sa bench." Pagdaan ko sa bench ng Xander High, wala naman nang

sumipol. Pero napansin ko na nakatitig sa akin si Tyler. Weird. Tinawag sa gitna yung mga team captain. Feeling ko kinakabahan si Erick pero I know he'll play well. Kilala ko yan,

di papadaig sa laban!

"So, Erick, what can we expect from Montenegro High this year?"

"Our team trained really hard and prepared for this. We are determined to win and fight till the end."

Naghiyawan yung mga tao sa gym. Buti na lang may homecourt advantage kami.

"Same question to the team captain of Xander High, Tyler?"

Am I just hallucinating o tumingin talaga nang matagal si Tyler sa akin before he spoke?

"We accept the challenge, Montenegro High." Sigawan ulit!

"And may I also take this chance to know the name of the girl who sang?"

Tinginan lahat ng teammates ni Bryan sa kanya. Siniko ako ni Ara.

Lumapit si Bryan kay Tyler. Hindi marinig from the bleachers kung ano yung sinabi ni Bryan kay Tyler but basing on his face, hindi niya nagustuhan yung sinabi ni Tyler.

Bigla na lang nagkatulakan. Hala, nagkagulo na! Good thing nilapitan sila agad ng coaches nila at inawat. Binigyan ng warning sina Bryan at Tyler.

Nagsimula na yung game. Sobrang dikit ng laban. Makakalamang sina Bryan tapos mamaya sina Tyler naman. Ang taas ng tensyon sa court, lalo na sa pagitan nina Bryan at Tyler. Nagkataon kasing sila ang guard ng isa't isa. Pero in the end, Montenegro High ang nanalo, 81-74.

Bumaba ako ng bleachers para i-congratulate sina Bryan.

"Galing mo, hubby! Congrats!" sabi ko sabay hug. "Siyempre, para sa'yo yung game ko. Salamat pala sa banner. A for effort!"

"Wala yun. Pero you didn't behave well kanina. Wag mo nang uulitin yun, ha?"

Sumama ang mukha ni Bryan. Inis pa rin pala kay Tyler. "I did the right thing. Harap-harapang nambabastos yung Tyler na yun, e!"

"Ssssh! Lika na, date na lang tayo para mawala yang init ng ulo mo."

Napangiti si Bryan sa sinabi ko, na na-erase din kasi nakita niyang nakatingin pa rin sa amin si Tyler. Hinila ko na si Bryan bago pa makagawa ng kung ano. Eto naman kasing si Tyler, nang-aasar pa, alam na ngang pikon na sa kanya.

Ang Boyfriend Kong Artista. [Published book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon