Chapter 27. [Pretending?]

346K 7.1K 1.1K
                                    

27. Daniella

Ewan ko ba dito kay Bryan, he seems unaffected sa mga nakatingin sa amin. Nahawa ako nang konti kaya ayun, di ko namalayan na naging komportable na rin ako na hawak niya yung kamay ko. Pagpasok namin ng classroom, lahat sila nakatingin...sa kamay namin.

Bumitaw ako agad sa sobrang hiya! Umaatikabong asaran ang sumunod.

"Humo-holding hands while walking, o!"

"Ang sweet n'yo naman! Ayan na ang mga langgam!" "Grabe, you look good together!"

"Mabuhay ang bagong loveteam!" "Kayo na! Kayo na talaga!"

Hinayaan ko na lang sila. Ang weird, hindi na ako madaling mapikon. Napatingin ako sa may door, kakarating lang din nina Erick at Allison.

Processing... Processing... Processing...

Ay, ano 'to? Is this true? Wala na akong maramdamang bitterness? Hindi na ako affected kahit makita ko silang magkasama?

Well, this is a good thing, isn't it?

I brushed it off and went straight to my seat. Syet, katabi ko nga pala si Andie. As expected, di niya ako pinansin.

"Andie..."

Wala, ni hindi tumingin sa akin. "Uy, bes..."

Dedma pa rin.

"Bes, wag ka nang magtampo. Ililibre kita ng kahit ano mamaya."

"Bes, wag ka nang magalit please. Can you hear me out first?"

Nagulat ako nung bigla siyang humarap sa'kin.

Sabi ko na nga ba hindi rin ako matitiis nito, e!

"I don't wanna talk to you, Daniella. Please leave me alone."

Aray. Ang sakit nun. Di ko inexpect na kayang sabihin yun ni Andie sa akin.

So, ganun-ganun na lang? Yung 2 bestfriend ko, all of a sudden wala na pareho? Una, si Allison trinaydor ako, ngayon naman, si Andie, mawawala rin dahil sa maling akala? Teka, kung tutuusin, si Bryan ang may kasalanan ng lahat ng ito, a! Ay, ang sama ko naman. Si Bryan na nga lang yata ang natitirang kaibigan ko. Sige na nga magpapakabait na ako sa kanya. May kelangan pa nga pala kaming pag-usapan.

I turned towards his direction para itanong kung

114 115

saan kami gagawa ng contract. Sakto namang nag-move forward siya palapit sa akin. Nagulat kaming pareho but too late, nag-meet na yung lips namin!

Siyempre nang-asar na naman yung mga classmate namin. Buti na lang dumating na si Ms. Linares, yung Music teacher namin, kaya na-cut short yung kantiyawan.

Habang nagdi-discuss si Ms. Linares, may bumulong galing sa likuran ko.

"Sorry, nagulat din ako." Paglingon ko, naka-peace sign ang loko. Di ko napigilan ang sarili ko.

"Ang cute mo...ay, ang ibig kong sabihi—"

"Na cute ako? Alam ko na yun." Tumawa lang siya at kinindatan ako.

"Hindi ikaw yu—"

"Sus, magde-deny pa. Huli ka na, e."

Tinalikuran ko nga. Nagsisi tuloy ako na sinabi kong cute siya, lumaki na naman lalo ang ulo!

"Pero kung cute ako, mas cute ka."

Nagdidiscuss pa rin yung teacher namin pero wala na akong maintindihan.

Mas cute ka. Mas cute ka. Mas cute ka.

Oh my God! Hindi maalis sa isip ko yung sinabi niya! Erase erase erase!

"Are you saying something, Ms. Alvarez?" tanong ni Ms. Linares.

"No, Ma'am, I'm sorry."

"Okay, listen. For our next class activity, I will assign a partner to each one of you and together you will sing any song from the contemporary period. Performance will be tomorrow."

Agad-agad? Naku, sana naman matino yung magiging partner ko.

"So, here are the pairs. Ms. Avelino and Mr. Yu." Okay, expected na yan. Sorry pero di na ako affected. "Ms. Raymundo and Mr. Ramos."

Partner ni Andie yung isang magaling kumanta sa class. Okay, bahala na rin siya. Kung ayaw mamansin, ayoko ring mamilit.

"Mr. Lim and Ms. Alvarez."

I knew it! I knew this is gonna happen!

"Uy, tayo raw partners," bulong uli ni Bryan.

Tapos na yung Music class pero ayaw pa rin akong tigilan ni Bryan, bumuntot sa'kin hanggang sa canteen nung recess.

"Alam mo, Dee, naisip ko, we're really destined to be partners. Gusto mo bang maging partner ko rin in real life?"

Hindi na ako nakapagpigil. "Aray! Ba't mo ako sinapak?" Nagtanong pa 'to! "Destiny ka dyan!"

116 117

"Mamaya may makarinig na namang tsismosa sa'yo, e!" Naggalit-galitan ako para hindi siya magalit sa akin.

Sa totoo lang, ang saya-saya ko kasi nasampolan ko ang isang Bryan Lim!

"Siguraduhin mo lang na magaling kang kumanta kundi lagot ka sa akin."

"Sorry na. E kasi naman kung anu-anong sinasabi mo. Destiny? May naniniwala pa pala dun ngayon?"

"Bakit, Dee, dahil nasaktan ka na minsan, hindi ka na naniniwala? Naisip mo ba na posibleng hindi lang talaga siya yung nakatadhana sa'yo?"

Si Bryan ba talaga yung nagsalita? Ba't biglang ang seryoso na nito?

"O, bakit di ka makapagsalita? Napaisip ka rin, no?" 

"Actually, inisip ko kung ano kayang masamang espiritu ang sumapi sa'yo," sabi ko sabay tawa nang malakas. 

"A, ganun?"

Bigla na lang niyang kinurot yung pisngi ko. Pinaghahampas ko siya sa balikat para bitiwan yung pisngi ko. Ang sakit! Muntik na yatang mahiwalay sa mukha ko yung pisngi ko sa tagal ng pagkakakurot niya!

"So ano nang kakantahin natin?" tanong ko kay Bryan. "Kahit ano. Basta, ikaw ang partner ko, okay lang sa'kin kahit ano. Love song man 'yan o children's rhyme, o panlibing o pang-Pasko. Ang importante, ikaw ang partner

ko," sabi ni Bryan sabay kindat.

Ang Boyfriend Kong Artista. [Published book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon