Chapter 8. [Meeting the Family]

495K 9.1K 1.6K
                                    

8. Daniella

Tahimik lang kami habang papunta sa bahay. Ang kulit talaga nitong si Bryan. Kesyo mapapahiya daw siya pag di niya ako inihatid. Masisira daw reputasyon niya so masisira din daw career niya. Hay. Nag-o-OA naman 'to, ang lapit lang ng bahay namin, e.

Five minutes lang nasa harap na kami ng bahay namin. "Bye. Thanks sa paghatid."

Bumaba na ako ng kotse ni Bryan. Nasa may gate na ako nung biglang may nagsalita.

"Papasukin mo siya."

Syet! Andito si Kuya?! E sabi next month pa ang uwi niya, ha.

"Kuya Prince?"

Si Kuya Prince ang panganay sa amin. Fresh graduate lang siya pero dahil sa galing niya sa Architecture, e, may kumuha agad sa kanyang company na based sa Japan.

"Na-miss ko kayo, e. Pababain mo yang naghatid sa'yo. Late ka na pala umuuwi, ha. Alalang-alala sa'yo si Mama at si Desi. Tigas ng ulo mo!" sabay pitik sa noo ko.

"Kuya naman, e, namitik pa! Wag na. Paalis na." "Tekaaaaaaaaaaa!"

Hinabol ni Kuya yung kotse ni Bryan. Nag-stop naman yung isa.

Syet! Mapapasubo ako nito, e!

Lumabas si Bryan sa kotse niya at hinarap si Kuya. Uh-

oh.

"Bakit?"

"Shit! Bryan Lim?"

Kilala rin ni Kuya?

"Uhm, yeah. Bakit?"

"Ikaw naghatid sa little sister ko?" Bigla akong hinila ni Kuya sa tabi niya.

"Kuya naman, e!"

"Kapatid po pala kayo ni Daniella. Opo, ako po yung naghatid sa kanya. Sorry kung na-late siya ng uwi."

"Naku, okay lang! Okay lang naman na mag-date kayo. Puwedeng-puwede! Basta hatid mo siya, okay? Ako nga pala si Prince, kuya ni Daniella." Nag-shake hands sila pagkatapos.

Ano na bang nangyayari?

"Wait, hindi po kami nag-date."

"Naku, wag na kayong magsinungaling. Okay lang naman yun."

"Kuya naman, e!"

"Pumasok na lang muna tayo, mamaya na kayo magpaliwanag."

Di ko na napigilan si Kuya, kaya ayun, sumunod na lang

kami.

Etong si Kuya, ngiting-ngiti pa rin.

Naku, kung di ko lang 'to Kuya, e!

"Ma! Nandito na si Daniella! May kasamang lalaki! Nag-date sila!"

Tiningnan ko si Kuya nang masama, tumatawa ang mokong! Tiningnan ko naman si Bryan na napakamot na lang ng ulo. Wala man lang ba siyang gagawin? Strict ang nanay ko pagdating sa boys! Ugh.

"Andito na pala kayo. Maupo muna kayo."

Syet. Si Mama nakasimangot! Patay talaga ako nito.

Umupo na kami sa sala. Pahamak 'tong si Kuya!

"Bakit kayo ginabi?" diretsong tanong sa amin ni Mama, nakatingin sa akin.

Yung tingin niya parang nagsasabing "wag kang magsisinungaling." Waaaaaa.

"A, e, kasi po..."

"Ikaw na lang ang tatanungin ko, hijo, anong nangyari at ginabi kayo ni Daniella?"

Ang Boyfriend Kong Artista. [Published book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon