Chapter 14. [Messenger]

407K 7.1K 1K
                                    

14. Daniella

I felt better when I woke up so I insisted na pumasok na uli sa class. Kaya ko naman na, e. At siyempre yung bestfriend ko ininterrogate na naman ako.

"Bes! Binuhat ka raw ni Bryan?" tanong agad ni Andie pagkakita niya sa akin. Pero unlike dati, parang di siya kinikilig for us this time.

"Ha? Oo. Naku, wala yun."

Napangiti si Andie. "Gala tayo, bes? Mukhang di ka naman na tinotopak, e," yaya niya pagkatapos mag-announce ni Mr. Marquez ng dismissal.

"Gusto ko sana pero medyo masama pa rin ang pakiramdam ko, e. Bukas na lang siguro."

"Alright," nakangiting sabi ni Andie. Then she turned to Bryan na palabas na noon ng classroom.

"Ay, Bryan!" 

"Bakit, Andie?"

"Thanks kanina, ha? Sorry sa abala."

"Wala yun. Sige, alis na 'ko. Bye, Andie, bye, Dee." Hindi ako sumagot, I pretended I didn't hear him. At napansin yun ni Andie.

"Asar ka dun?"

Sumimangot ako lalo. "Hindi ba obvious? Halika na nga."

Hinila ko na si Andie palabas ng classroom. Sumabay kami sa iba pa naming friends galing sa ibang section.

"Hoy, ikaw, ha, malihim ka!"

"Close pala kayo ng man of my dreams!" 

"Di mo man lang kami pinakilala!" 

"Magsitigil nga kayo!" sita ko sa kanila.

Grabe, tinadtad ako ng tanong. Pero tinawanan lang namin sila ni Andie. Kahit papaano nasasanay na rin ako pero medyo nakakainis pa rin minsan yung kakulitan ng mga tao. After some time, kumaliwa na yung tatlo kaya kaming dalawa na lang ni Andie ang magkasama.

"Bes, bili muna tayo ng ice cream!"

"Okay lang, sige." Ayaw pa talagang umuwi nitong si Andie.

"Bes..."

"O?" Tiningnan ko si Andie, nakangiti ang bruha. "Anong nangyari sa'yo?"

"Ang sweet pala niya, no?" 

"Sino?"

"Sino pa, e, di si Bryan."

"Si Bryan, sweet? You're going crazy, Andie!" Tumawa ako nang tumawa pagkatapos.

"Tumigil ka nga dyan. Ang sweet niya kaya."

Napatigil ako. Mukhang seryoso si Andie, a.

"Paano naging sweet yun? At isa pa, bakit ka pala nagpasalamat sa kanya kanina? I'm just curious."

"Nakasabay ko kasi siya kanina sa store. Bibili dapat ako ng ballpen. Andun na ako sa store nung napansin kong naiwan yung wallet ko sa classroom. Nag-offer siya na siya na lang ang magbabayad," kuwento niya.

"Alam mo, mukha kang tanga kakangiti dyan." 

"Ang sweet kasi. Sabi niya, libre na lang daw niya yun sa akin. Kita mo naman, he's in the right place at the right time. Pinagtagpo kami ng tadhana!"

"Grabe na yan, bes, a. Ayan na yung bahay n'yo, lalagpas ka pa."

"Ay, oo nga! Gusto mo bang dumaan muna?" 

"Wag na, magpapahinga na lang ako sa bahay." 

"Okay. Bye, bes!"

"Bye! See you tomorrow!"

Pag-uwi ko, diretso ako sa ref at naghanap ng mailuluto. After kumain, nag-Facebook ako sandali. May mga naka-tag na status sa akin, the likes of "OMG, Daniella, close pala kayo ni Bryan!" Di ko na lang pinansin. Magsasawa din ang mga 'to. Magla-logout na sana ako nung biglang may nag-add sa'kin. Prince B.

Sino naman 'to?

In-accept ko na lang. Mayamaya, chinat ako ni Prince B.

Prince B: Hi.

Daniella Alvarez: Hello. Prince B: Sup? Ok ka na?

Daniella Alvarez: Teka, you know me? Prince B: Kaya nga kita in-add e. Daniella Alvarez: Teka, sino ka ba? Prince B: Kissing monster, sabi mo. Daniella Alvarez: Bryan?!? Ikaw ba yan?

Prince B: Hahahaha. May iba ka pang tinatawag na kissing monster? By the way, maganda ka pag tulog.

Ha? Ano pinagsasasabi nito? Nag-isip ako ng isasagot. Prince B: Uy, joke lang. speechless ka yata sa

sobrang saya.

Bago pa ako nakasagot ay nag-offline na siya.

Grrrr! Inaasar talaga ako ng Bryan na 'to, ha! Sasabihing maganda ako tapos babawiin!

So, okay, ako na ang affected!

Tiningnan ko na rin yung account niya kahit naiinis pa rin ako. Napunta ako sa photo albums. I must admit photogenic din talaga ang loko. Pero di ibig sabihin nun puwede na siyang magyabang, no! Ay teka, may isang album na may title na "Me and Bettina".

Hmmm. Ano 'to?

Pagbukas ko ng album, pictures ni Bryan kasama ang isang babae. Ang ganda naman nito! Siya pala si Bettina. Nanliit ako bigla.

Girlfriend niya kaya?

Naputol yung pag-iisip ko nang biglang mag-buzz yung phone ko. Si Andie.

Bes! Uy, may girlfriend ba si Bryan?

Sabi ko, di ko alam. Di na siya sumagot after. Nabalik ang atensyon ko kay Bettina. Sino kaya siya? Girlfriend niya kaya? Hay, ayoko na lang isipin. Nag-logout na lang ako tapos humiga sa bed.

Hmmm. Bryan and Bettina? Mag-ano kaya sila?

Naiintriga na talaga ako sa buhay ni Bryan. 

Ang tanong: BAKIT?

Ang Boyfriend Kong Artista. [Published book]Where stories live. Discover now