Chapter 10. [Heartbreak]

428K 8K 497
                                    

10. Bryan

Argh, that girl! Kanina pa ako nag-aabang sa kanya sa may gate, wala pa rin. Kundi ba naman baliw, bigla na lang bumaba, tumakbo nang mabilis, and disappeared.

Hinanap ko si Daniella sa school grounds. Nakita ko siyang nakaupo sa isang bench. Malayo pa lang alam ko nang si Daniella yun. Papagalitan ko sana kaya lang paglapit ko, nakita ko siyang umiiyak.

"Daniella?"

Tumingin siya sa'kin. Mugtong-mugto yung mga mata niya.

Ano bang nangyari dito?

"B-bryan...," sabi niya sabay yakap sa akin.

Ano bang nangyari sa kanya?

Hinayaan ko lang siyang nakayakap sa akin. Kahit marami nang taong nakatingin sa'min. Hinayaan ko na lang sila. Sa ngayon, si Daniella lang muna ang importante. Kailangan niya ng dadamay sa kanya. Feeling ko, ang dami niyang dinaramdam. Ayoko pa naman na may babaeng umiiyak.

Daniella Alvarez, sino ka nga ba talaga?

Ang Boyfriend Kong Artista. [Published book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon