Chapter 6. [Bryanbelievers]

562K 9.2K 1.3K
                                    

6. Daniella

"Miss, masakit pa ba?" sabi nung nurse na naglagay ng cold compress sa ankle ko.

"Konti na lang po." Nag-smile naman siya sa'kin. "Naku, buti naman."

"Oo nga po, e. Buti medyo nawawala na yung sakit." "Ang sweet naman ng boyfriend mo. Kinikilig ako sa inyo!"

BOYFRIEND?

"Ay, Ms. Nurse, hindi po kami!"

"Aysus, wag ka nang magdeny. Ganyan rin ako sa ex ko kaya nag-break kami. Dineny ko kasi siya dati. Naalala ko tuloy siya."

Ay, nag-reminisce? Hindi ko naman tinatanong!

"Hehe. Ganun po ba? Okay lang po yun. Madami pang lalaki dyan."

"Haha. Kakatuwa ka. Well, sana. Pero, in fairness, ang suwerte mo!"

"Bakit naman po?"

"Kung hindi mo man boyfriend si Bryan Lim, at least kakilala mo siya."

"Nye. Ano naman pong meron sa kanya?" "Kasama mo pero di mo kilala?"

"Hinatid lang niya 'ko dito sa clinic, hindi po kami close. Okay na?"

"Siya lang naman ang biggest name sa US ngayon! Isama mo na rin ang buong Asia! Dahil yun sa kaguwapuhan niya at galing sa singing, dancing, and even acting! Saan ka pa? All-in-one!"

Wala na akong nasabi kaya mega kuwento uli si Ate. "May fanbase yun, over 3 million na yung fans niya. Nandito siya to get to know his roots. Hindi pa yun nagkaka-gf! Kaya, kung madaming nakakita sa inyo

kanina, panigurado, susugurin ka lahat ng fangirls nun."

Nakupoooooooooo!

"Sige po, salamat. Alis na po ako."

Tumayo ako at lumabas ng clinic. Hindi na masyadong masakit yung paa ko. At malinaw na sa'kin ang mga pangyayari.

1. Artista si Bryan. At sikat na sikat siya.

2. Siya yung humalik sa'kin kahapon, yung mayabang na mokong, pero siya rin yung naghatid sa'kin

dito sa clinic kanina.

3. Marami siyang fangirls.

4. Ayoko pang mamatay.

Kailangan kong makabalik ng classroom nang buhay! Although I doubt it kasi may naghihintay sa'kin sa labas ng clinic. Kaya pala biglang naging abnormal ang tibok ng puso ko.

What is tanga? Kung bakit ko naman kasi naisipang lumabas agad ng clinic. Kaya eto, face-to-face lang naman kami ngayon ng sangkatutak na babaeng kung makatingin ay parang kakainin ako nang buong-buo. Eto na yata ang sinabi ni Ms. Nurse na fans ni Bryan. Pero, bakit ganun? Parang buong campus na ata 'to, e!

Nagmamadali akong naglakad para bumalik na sa classroom nang bigla akong hilahin nung isang girl.

"Ano bang problema mo, ha?!"

Wow, ako pa ang may problema?!

"Wala naman akong problema. Gusto mo bigyan kita?" Nagtapang-tapangan na lang ako. Biglang sumimangot yung girl.

"Bakit ganyan ka? Ang angas mo, a!" sabat nung isang mukhang first year.

Wow uli. Ako pa ang maangas!

"Bakit n'yo ba kasi ako kino-corner? Ano ba kasi trip n'yo, ha? May ginawa ba ako sa inyo? Wala naman, di ba?"

Nagulat ako kasi sabay-sabay nilang sinabi, "Kami ang Bryanbelievers! Fans kami ni Bryan Lim. Forever and ever. Walang makakasira nun. Ayaw namin na magkaroon ng ka-close si Bryan kung hindi naman siya isa sa'min!"

Ang Boyfriend Kong Artista. [Published book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon