Author's Note: Don't mind the title. Ahahahaha. Just read my update. From now on, I'll upload every single chapter that I'll write bago pa madelete ulit. Ehehehe. Enjoy. :)
CHAPTER 24: Command of the Witch
CHESCA's POV
I can't breath. Hindi na normal ang paghinga ko at tibok ng puso since kagabi na buong magdamag kong kasama si Stefan. Sa tingin ko kailangan ko ng magpatingin sa doctor.Ni wala akong masabi habang kumakain sa mahabang dining table sa bahay ni Stefan. Pero okay lang yun, hindi naman siguro nya nahalata na sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.
Sa sobrang awkward ng moment, pagkabigay na pagkabigay nila sakin ng damit ko ay umakyat na ako agad sa room ni Stefan at nagpalit ng damit tapos derederetso na akong naglakad para makalabas na sa napakalaking bahay na wala namang nakatira kung hindi si Stefan lang. Actually, paglabas ko ng pinto nandun si Stefan pero hindi ko na talaga sya kayang pansinin kaya dinedma ko na lang sya.
Bakit ba kase ako nagkakaganito? Ilang araw na akong parang inaatake sa puso. Una kay Nathan tapos ngayon kay Stefan. Haiist.
Pagdating ko sa may pinto, napahinto ako. May nakasalubong kase akong matandang babae. Yung nakasakay ko sa elevator sa hospital. Yung matandang masungit. May apat syang buntot na mga guards. Kasama nya din si Nathan at ang mas lalong nakakagulat, kasama nila Maureen Uy, Nathan's ex-girlfriend.
"What's going on?" Tanong ko sa sarili ko.
Hindi nagtagal dumating na si Stefan na halatang nagulat sa nakita nya.
"Sh*t" Bulong nya.
"May bisita ka pala." Sabi nung matandang babae.
"Opo, kaibigan ko po" Sagot ni Stefan.
Sa pagsasalita nya eh parang hindi sila magkamaganak. Ramdam ko ang tensyon sa paguusap nila.
"Mr. Chua, pakihatid na ang bisita nya. Meron tayong mas importanteng bisitang dapat bigyan ng pansin" Utos ng matanda kay Nathan.
Anong problema nito? Parang may ginawa akong masama, kung nakatingin sya sakin parang gusto nya akong kainin. At isa pa, paalis na talaga ako noh! tss.
"Tara na Chesca" Bulong ni Nathan nung lumapit sya sakin. Tumango na lang ako at sumama kay Nathan.
Bago pa ako makalabas ng pinto parang gusto kong lumingon. Gusto ko syang lingunin. Kase sa mga oras na toh, parang nararamdaman kong hindi ko na sya ulit makikita.
"Chesca, tara na..." Nathan. Hinila na nya ako ng tuluyan palabas ng mansyon.
Nag.insist si Nathan na ihatid ako hanggang bahay pero habang nasa byahe hindi kami naguusap. Gusto kong magtanong pero nakakahiya naman at isa pa nakikita ko sa mga mata nya na malungkot sya.
"You'll know everything at the right time." Nathan said ng nasa tapat na kami ng gate ng bahay namin. Tumango na lang ako. Pagbubuksan sana nya ako ng pinto ng sasakyan pero ako na ang nagbukas.
Kitang kita sa mukha nya ang lungkot, inis at galit. Halo halong emosyon. Tss. Gusto ko talaga malaman ang nagyayari pero kung ayaw nyang sabihin edi wag. Pero naiintriga talaga ako kung bakit nandun yung bruhildang si Maureen kila Stefan. Urrrg.
"Thank you Chesca. Oh sige na. See you at school na lang bukas aa." Kahit malungkot sya he still managed to gave me a smile na minsan ding tumutunaw sakin. He waved at me at tuluyan ng umalis.
"Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig." Bunny na nakasandal sa gilid ng pinto at nakatingin sakin at kumakanta.
"Muling pagbigyan ang pusong nagmamahal." Paula na nakasandal din sa kabilang gilid ng pinto at nakatingin din sakin at nakipag duet pa kay Bunny.
BINABASA MO ANG
My Hell Girl .MHG. C O M P L E T E D
Teen Fiction"I hate school. I hate talking. I hate people. I hate everything! But one thing's for sure, I LOVE YOU!" NOTE: Tagalog po ito. ^__^