Chapter 25: Please Tell Me Where It Hurts

2.5K 54 12
                                    

CHAPTER 25: Please Tell Me Where It Hurts

CHESCA's POV

2 days na din simula ng pumasok sa mundo namin si Maureen at araw araw ding sumisikip ang dibdib ko sa hindi maipaliwanag na dahilan.

"Good morning Franchesca." Nathan na naabutan akong naglalakad papuntang classroom.

"Anong maganda sa umaga?" Sagot ko. Kaya ko na ding barahin si Nathan. Hindi ko yan nagagawa dati pero ngayon pati sya napaglalabasan ko na ng init ng ulo.

"Ikaw?" Nagulat ako sa sinabi nya. Kahit nawala na yung pagkagusto ko sa kanya parang medyo nagblush pa din ako sa sinabi nya.

"Hahaha. You're blushing."

"Hi-hindi noh!"

"Oo kaya. Tignan mo yung cheeks mo. Haha."

Napahawak naman ako sa pisngi ko, "Hi-hindi kaya. Tumigil ka nga!"

"Hahaha. Joke lang, hindi ka na mabiro."

"CHESCA! Good morning!" Napatingin kami ni Nathan kay Stefan na nasa hindi kalayuan at nagwawave sakin. Ang aga aga ang taas ng energy nya. Lalapit na sana sya sakin kaso biglang lumitaw si Maureen tapos lumingkis sa braso ni Stefan. Grrr. Nagiinit na naman yung ulo ko.

"Tss." Sabay talikod ko at nagpatuloy na ako sa paglalakad.

"Chesca!" Bigla akong tinawag ni Nathan tapos bigla nya akong hinila palapit sa kanya then niyakap nya ako ng mahigpit.

O_____O

"Na-Nathan.. Anong ginagawa mo?" Tanong ko habang pilit kumakawala pero masyadong mahigpit yung pagkakayakap nya.

Nagulat talaga ako sa ginawa ni Nathan at sa sobrang gulat ko hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Stay still. Please." Sabi nya kaya naman kahit labag sa loob ko pinabayaan ko na lang sya. Center of attraction na naman tuloy ako.

Ilang saglit pa bumitiw na sya pero hindi pa pala dun natatapos. Hinawakan nya bigla yung mga kamay ko.

"Chesca. Thank you for giving me a yes! I swear you won't regret this." He said. Tapos niyakap nya ako ulit. Parang ayaw magbuff ng utak ko. Anong sinasabi ni Nathan? Ni hindi ako napakagsalita. Parang nablanko yung utak ko. Natulala na lang ako at parang nastock sa kinatatayuan ko.

Nang inalis nya yung pagkakayakap nya sakin bigla kong naisip si Stefan na nasa likuran lang namin kanina. Lumingon ako sa direction nila Stefan at nakita ko syang nakatayo lang at nakatitig samin ni Nathan. Ilang sigundo din kaming nagkatinginan tapos bigla na lang syang naglakad papunta sa ibang direction. Parang may kung anong magnet na nagtulak sakin para sundan si Stefan kaso sinundan na sya ni Maureen kaya napahinto ako.

Ilang sigundo din akong nakatulala sa direction kung saan nagpunta sila Stefan bago ako tumingin kay Nathan. Pero bago pa ako makapagsalita hinawakan na nya ako sa kamay at hinila papunta sa isang sulok.

"Anong ginagawa mo Nathan? Baliw ka ba?"

"Shhh. Minimize your voice. Please calm down Chesca." Bulong nya.

"Paano ako kakalma? Ako na naman pagpipyestahan ng chismisan. At tsaka bakit mo ba ginawa yun?"

"I-I don't know! I just want Maureen back." Sabi nya sabay kamot sa ulo nya

"You're using me? Pinagseselos mo si Maureen? Gusto mo syang magselos at bumalik sayo? Yun ang gusto mo di ba?" Sabi ko. Pero hindi sya sumagot. Sumandal lang sya sa may pader.

"I'm sorry Chesca..."

"Fine! Kung ito gusto mo edi sige. Tutulungan kita. Ibabalik ko si Maureen sayo! At pag nangyari yun, wag na wag mo na syang papalapitin kay Stefan! Naiintindihan mo?" Sabi ko tapos naglakad na ako.

My Hell Girl  .MHG. C O M P L E T E DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon