Chapter 54: Against The Witch

1.7K 43 4
                                    

CHAPTER 54: Against The Witch

STEFAN's POV

"Lola Lola! I have gift for you, oh!" There was a little boy happily running towards his lola to give her three beautiful roses.

Nagbabasa ng libro ang lola n'ya sa garden nang lapitan n'ya ito pero hindi man lang s'ya nito pinapansin.

"Lola. I have flowers for you. It's nice po." Pangungulit ng batang lalaki habang hinihila pa nito ang laylayan ng damit ng lola n'ya.

Nagulat ang bata nang ibagsak ng lola n'ya ang librong hawak nito sa lamesa at tumingin sa kanya ng masama. He feels like crying pero pinipigilan n'ya.

"Don't you see that I am doing something?!" Singhal ng matanda sa musmos na bata. Tumingin din ng masama ang matanda sa rosas na hawak ng bata. Bigla n'yang hinila ang wrist ng bata kung saan hawak nito ang mga rosas. Mahigpit ang kapit n'ya at nasasaktan na ang bata.

"Where did you get this?!" Galit na tanong ng matanda. Natakot ang bata kaya hindi agad nakasagot.

"WHERE DID YOU GET THIS?!" Sigaw ng matanda habang inaalog ang bata.

"G-Garden..." Mahinang sagot ng bata kasabay ng mga hikbi n'ya. Hindi na n'ya napigilang umiyak.

"STUPID! MANANG MANA KA SA LAHI NG NANAY MO!" Sigaw muli ng matanda sabay tulak sa bata at napaupo na lang ito sa sahig.

Hindi nito pansin ang sugat sa kamay n'ya dahil sa tinik na galing sa rosas. Mas masakit para sa kanya ang mga narinig at trinato sa kanya ng lola n'ya.

That little boy was me. It's a memory that I can't forget.

***

Bakit kailangang mangyari sa buhay ko 'to?

Tanong na lagi kong hinahanapan ng sagot pero kahit anong hanap ang gawin ko wala akong nakukuhang sagot.

Masaya na sana e. Simula pa lang ng araw maganda na. Hindi ba pwedeng matapos ang isang araw ng buhay ko na walang sisira? I just wanted to be happy. Bakit hindi n'ya kayang ibigay?

Naramdaman ko ang higpit ng hawak ni Chesca sa mga kamay ko nang sampalin ako ng sobrang lakas ng lola ko. I can endure the physical pain, pero ang sakit na nararamdaman ko emotionally, it's unbearable.

I love my lola so much. Alam 'yan ng Diyos. Pero masisisi n'yo ba ako kung may mga sama ng loob na nakatanim na sa puso ko? Buong buhay ko hindi ko nakitang nagmalasakit s'ya sa'kin. Buong buhay ko, hindi ko na mabilang ang sampal at masasakit na salita na natanggap ko mula sa kanya.

"Kinakalaban mo ba talaga ako?!" Sigaw ni lola. Ni hindi ko kayang tumingin ng deretso sa mga mata n'ya. Mas humihigpit ang kapit ni Chesca sa mga kamay ko. I don't want her to see me in this situation. I don't want her to pity me.

"P-pabayaan mo na ako..." Bulong ko. Enough for her to hear then again, I received another slap.

"Don't you dare! Wala kang karapatan!" Sigaw n'ya ulit. Nahihiya ako para sa sarili ko dahil nakikita ng mga tao sa paligid kung gaano ka-miserable ang buhay ko sa kamay ng sarili kong kadugo.

Kahit gaano kalaki ang sama ng loob ko sa kanya, hindi ko pa din s'ya kayang pagtaasan ng boses. She's more like a God than a grandmother to me. I always got intimidated by her.

Everybody is speechless.

I am speechless.

What will happen?

What's the next plan?

Apologize? Again? Always?

Why would I? This is my life. I'll do what I want but I hope I can. I thought I was brave enough to face her after doing the thing that I really wanted.

My Hell Girl  .MHG. C O M P L E T E DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon