CHAPTER 55: He's Gone
CHESCA's POV
My name is Franchesca Jung and my life was not really like a hell even before.
I lost my twin brother and my biological father but I still have my mother, my step father-daddy Ben and Bunny, but I was pushing them away.
Pero sa kabila ng pagmamatigas ko, alam ko at ramdam ko kung gaano nila ako pinahahalagahan at minamahal. Kahit hindi ko hingiin, ibinibigay nila ang pagmamahal na alam nilang nararapat dahil kahit anong mangyari, pamilya kami. Kahit gaano katigas ang puso ko, mamahalin pa rin nila ako nang walang hinihinging kapalit dahil pamilya kami. Hindi ko man tunay na kadugo si daddy Ben at Bunny itinuturing nila ako bilang tunay na anak at kapatid kahit na pilit ko silang itinataboy sa buhay ko.
For 10 years, I was being so stupid. Hindi ko naipakita sa pamilya ko kung gaano sila kahalaga sa'kin. That I am so lucky to have them. A family that will never leave me. A family na kahit anong mangyari hindi ako hahayaang masaktan.
Stefan made me realize all these things.
Sa pagpasok n'ya sa buhay ko, I realized how lucky I am to have a family that really cares for me. Lalo na't nakita ko kung paano s'ya manabik na magkaroon ng maayos at masayang pamilya.
All these years, he's living alone. Longing for a family. Hindi na ako nagtataka kung bakit na-attached s'ya sa pamilya ko. He's so weird. Feel at home agad sa bahay namin kahit alam n'yang inis ako sa pagmumukha n'ya noon. Noon nagtataka pa ako kung bakit s'ya ganun, pero ngayon malinaw na ang lahat. Sabik si Stefan sa pamilya.
Hindi ko akalain na sa likod ng mga ngiti n'ya, may nagtatago palang sugat na hanggang ngayon hindi pa naghihilom.
I slowly opened my eyes and I feel so thirsty. Parang sobrang tagal kong natulog. My mouth is extremely dry.
Where am I? Ano ba 'tong nasa bibig ko? Oxygen? Bakit ba ang daming nakasabit na kung ano sa kamay ko? I started to move my hand pero napatigil ako dahil sa sakit.
"Oh God! She's awake." All of a sudden, I heard a voice mula sa mga taong kapapasok lang sa kwarto. I know it's Bunny.
"I'll call the doctor." Sabi naman agad ni Paula at tuluyan na s'yang lumabas at lumapit naman sa'kin si mommy, daddy Ben at Bunny.
"Baby? Can you hear me? Are you okay?" Sunod sunod na tanong ni mommy habang naluluha. Bakit ba s'ya umiiyak?
"Chesca doll, gising ka na 'di ba? Sumagot ka naman. Bakit ba nakatulala ka lang d'yan?" Pati itong si Bunny naluluha din.
"Bunny. Kagigising n'ya pa lang. Kailangan n'ya pang bumawi ng lakas kaya 'wag mong madaliin." Sabi naman ni daddy Ben na hinihimas ang likod ni mommy. I can see them pero hindi ako agad makasagot. Nanghihina ako at isa pa naiirita ako sa oxygen na nakaharang sa bibig ko.
"Jonas, nandito na ang doctor." Dumating na ulit si Paula na may kasamang doctor at nurse.
"We'll just check her condition, ma'am. Sa labas po muna kayo." Sabi ng nurse kina mommy pero si mommy parang ayaw nang bitiwan ang kamay. In the end, wala din s'yang nagawa kung hindi lumabas muna ng kwarto.
After that, hinayaan ko lang ang doctor na i-check ako. Tinanggal na din nila ang oxygen na nakaharang sa bibig ko.
"Can you talk?" Tanong sa'kin ng nurse.
I took a deep breath and slowly opened my mouth, "Hmm. I-I guess so." I whispered. Sana narinig n'ya dahil 'yan pa lang ang volume ng boses ko na kaya kong gawin.
"Good." She smiled at me. "Magpagaling ka na. Madaming naghihintay sa paggising mo." Nag-wink pa s'ya sa'kin. Weird nurse. Kung makapagsalita s'ya parang ang tagal kong natulog.
BINABASA MO ANG
My Hell Girl .MHG. C O M P L E T E D
Teen Fiction"I hate school. I hate talking. I hate people. I hate everything! But one thing's for sure, I LOVE YOU!" NOTE: Tagalog po ito. ^__^