Chapter 57: Forever

1.8K 45 2
                                    

CHAPTER 57: Forever

CHESCA's POV

"You drink your coffee, Chesca." My mom sighed at bumaling ng atensyon kay Bunny na hanggang ngayon ay nakasubsob ang mukha sa dining table.

"Especially you, Bunny! Wake up for pete's sake! Sumasakit ang ulo ko sa inyong dalawa. Bakit ba kayo naglasing kahit alam n'yong ngayon na ang kasal ni Bunny at Paula?"

"Mommy Agnes, give me more minutes, please." Bunny pleaded pero galit na talaga si mommy kaya binagsak nito ang kamay sa table at napabangon mula sa pagkakatungo si Bunny. Ipinikit ko na lang ang mata ko dahil mas lalong sumasakit ang ulo ko sa ingay ni mommy. "Alright. Iinumin na nga o." Sabi ni Bunny sabay hawak sa tasa ng kape.

"Tsk. Buti na lang at wala dito si Paula. Sinundo na s'ya kagabi ng mga magulang n'ya para sa simbahan na kayo magkikita." Mommy.

"Eww. 'Wag n'yo munang ipaalala. Hindi ko pa din ma-keri!" Bunny sabay sip ng coffee at napaso si bakla, "Oucheeee." Reklamo nito.

"Tss. Stupid." I murmured at napatingin naman sa'kin si Bunny at nag-irapan lang kami.

"Hindi pa kayo tapos sa'kin aa. Sa ibang araw tayo maguusap. Pero ngayon, magmadali na kayo at marami pang kailangang gawin." Banta ni mommy at pa-irap na umalis papunta sa kusina.

The time has come at nandito na kami sa simbahan. Kumpleto na ang mga bisita. Pamilya ni Bunny at pamilya ni Paula. Kahit na nag-insist sila na maglakad din ako sa aisle e hindi ko ginawa. Ano ako? Shonga? At isa pa mukha akong tanga na nakagown at may bandage sa kaliwang braso. Pero sigurado ako na kung nandito si Stefan pipilitin n'ya akong maglakad sa aisle at s'ya ang partner ko. Out of the blue, napangiti naman ako dahil sa naisip ko.

I miss you mongoloid. I miss you a ton.

"She's so pretty." Comment ni mommy habang pinagmamasdan ng lahat ang bride na dahan-dahang naglalakad sa aisle. Maganda pa rin s'ya kahit na may kalakihan na ang tiyan n'ya.

I looked at Bunny and I saw how sad he is. Poor Bunny. Nakatayo naman sa tabi n'ya si daddy Ben habang tinatapik ang balikat ni Bunny.

Maya maya pa nagsimula ng ang seremonya. Nakakaantok nga e pero nawala ang antok ko ng hindi nag-I do. Everyone gasped at nanlaki ang mata ni Bunny. I saw Paula smiled at Bunny tapos humarap ito sa mga bisita.

"Thank you everyone for coming but unfortunately, walang kasalang magaganap." She smiled at nagulat naman ang lahat.

"I know that all of you are not expecting this. You all know that I really love Jonas but that's the thing, I love him so much and I won't do anything that will make him sad." Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi n'ya. Pati si Bunny hindi na nakagalaw sa pwesto n'ya. Hindi ko inaasahang gagawin 'to ni Paula.

Humarap na ulit si Paula kay Bunny at itinaas n'ya ang vail n'ya. "So Bunny, you are free. These are all planned. Gusto ko lang makasama ka ng matagal at syempre gusto ko lang ng souvenier." She laughs habang hinihimas ang tiyan n'ya.

"I don't understand, girl. What—"

"Just promise me one thing, Jonas. Sana hindi mo kalimutan na magkakaroon ka ng anak sa'kin dahil kahit na anong mangyari ikaw lang ang ipapakilala kong daddy n'ya."

Ewan ko ba kung bakit pero napangiti na lang ako sa eksena nilang dalawa. 'Yung ibang bisita naiiyak at 'yung iba natutuwa.

"At isa pa pala, Jonas..." Hindi na nakapalag si Bunny nang biglang hinawakan ni Paula ang magkabilang pisngi nito at hinalikan si Bunny. "Last na 'yun, promise!" She winked. Pinunasan naman ni Bunny ang labi n'ya at akmang sasampalin si Paula pero sa halip ay tumawa lang ito.

My Hell Girl  .MHG. C O M P L E T E DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon