5. Married

414K 3.9K 545
                                    

This story is published under LIB. Sana bumili kayo, sobrang maa-appreaciate ko yun. :)

May story din si Luke, 'The Boss' yung title. Si Duke, 'The Chase and You'. Thank you.

Kung gusto nyo ako makausap:

Twitter: @heyairaaa
Facebook Group: Heyairaaa Stories

Salamat sa pagbabasa ng WM.

xoxo

heyairaaa

*

Isang linggo na ang nakakalipas simula nung ikasal kami pero hanggang ngayon hindi pa yata nagsi-sink in ng tuluyan sa utak ko na married na ako kay King.

Sa buong linggo na yun, hindi nya ako pinapansin. Pinapansin lang nya ako pag may nagawa akong katanga-tanga o kaya mali. What’s new naman di ba?

Araw-araw akong nagpapaka-housewife sa kanya pero hindi nya man lang ma-appreciate yung efforts ko.

Katulad ngayon, ang aga-aga kong nagising para magluto ng breakfast para sa kanya. Madalas kasi pagkagising ko aalis na sya tapos gabi na din sya umuuwi at madalas tulog na ako kaya sa school na nga lang kami madalas magkita.

Nakita ko syang papalabas ng kwarto nya habang inaayos yung necktie ng corporate attire nya. Napangiti ako kasi hindi nya makabit ng ayos, ang gwapo talaga ng asawa ko.

Lumapit ako sa kanya at ako ang nag-ayos ng necktie nya. Hindi naman sya kumontra, aba kapag kumontra sya... ano hahalikan ko sya. Joke lang parang kaya ko yun.

Gusto kong magpapasag sa kilig dahil parang asawa na asawa na ang dating ko sa pagkakabit sa necktie nya.

“Wag ka ngang ngumiti.” cold na sabi nya kaya napasimangot ako. Masama bang mag-feeling?

“Tara, kumain ka muna.” sabi ko ng matapos kong ikabit yung necktie nya.

Hindi nya ko pinansin at dinampot nya lang yung bag nya sa mesa.

Hala, sayang na naman yung niluto ko. Lagi nalang nyang tinatanggihan. Hindi pwede! Naniniwala pa naman ako sa kasabihang, ‘the way through a man’s heart is through his stomach’.

Humarang ako sa pinto ng condo nya palabas. Ang sama ng tingin nya sa akin.

“Umalis ka dyan.” may halong pagbabanta yung tono nya pero hindi ko nalang pinansin.

“Hindi ako aalis at hindi ka din aalis! Kumain ka muna. Masamang tanggihan ang biyaya. Alam mo ba na maraming tao ang hindi nakakain. Ang swete mo pa nga dahil--”

“Stop it! Kakain na ko.” inis na sabi nya at dumiretso papuntang kusina.

Lumawak yung ngiti sa labi ko. Kulang na nga lang eh mapunit yung bibig ko. Kahit napipilitan lang sya at least pumayag. Points din yun no, first time nyang kainin ang luto ko!

Sumunod na ako sa kanya sa kusina at nakita ko syang kumakain. Hindi ko maintindihan yung itsura nya, hindi ko masabi kung nagustuhan nya ba o hindi.

We're Married (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon