8. Night

398K 3.2K 268
                                    

This story is published under LIB. Sana bumili kayo, sobrang maa-appreaciate ko yun. :)

May story din si Luke, 'The Boss' yung title. Si Duke, 'The Chase and You'. Thank you.

Kung gusto nyo ako makausap:

Twitter: @heyairaaa
Facebook Group: Heyairaaa Stories

Salamat sa pagbabasa ng WM.

xoxo

heyairaaa

*

Lakad, lakad, lakad, balik, lakad, lakad.

“Waaaaaaaaaah! Get a grip of yourself, Elle! Bakit ba ako nagkakaganito? Magsasama lang naman kami ni King sa iisang kwarto.” sabi ko at sumalampak sa kama.

Nararamdaman ko yung abnormal na pagtibok ng puso ko pati na din ang parang may umiikot na kung ano sa tyan ko. Hindi ko talaga mapigilang mag-isip ng pwedeng mangyari sa gabing ito. Okay, kelan pa ako naging green at ganun ang pumapasok sa isip ko? Erase, erase!

Dahil walang dugong gentleman si King ay baka sa couch nyang maliit ako matutulog.

“ Elle naman, parang magkakasya ka dyan ah.” sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa couch. Ako na ang magandang baliw na kinakausap ang sarili.

Pabagsak akong humiga sa malambot na kama nya. Kinuha ko yung isang unan at niyakap yun. Wah! Parang si King lang ang niyayakap ko dahil andun talaga yung amoy nya.

“Anong ginagawa mo dyan?”

“Ay King my loves!!” gulat na sigaw ko ng marinig ang boses na yun. Shit! Sinabi ko ba yun? Sa harap ni King? Takte, hindi ako nahihiya na sinabi ko yun dahil parang hindi na sya nasanay eh alam ko naman din na alam na nya ang feelings ko sa kanya, hindi lang talaga nya pinapansin. Ok, enough of that dramas.

Nakakahiya lang kasi nakita nya akong inaamoy-amoy na parang walang bukas at kinikilig-kilig pa yung unan nya. Mukhang nagnanasa lang ako sa kanya.

“Ah, eh, nakahiga?” mahiya-hiyan tanong ko. Wow no? May hiya pa pala akong natatago sa katawan.

Tumingin lang sya sa akin, yung usual nyang tingin, tapos umiwas din at pumasok ng cr. Agad naman akong napabuntong-hininga.

Dahil sa hindi ko alam ang gagawin ko, dinial ko ang number ni Marga pero walang sumasagot. Nasaan na naman kaya yung babae na yun? Tagal na naming hindi nakapag-usap ah. So dahil walang sumasagot ng tawag ko sa kanya, si RC the great gay nalang ang tinawagan ko.

“The number you dial is busy flirting with some handsome guy, please try again later.” bungad sa akin ng isang malanding boses. Shetness tong si RC, anong kalandian to?

“Hoy, Ramon! Anong ka-echosan yan? May kalandian ka na naman?”

Narinig ko naman ang malandi nyang pagrereklamo. Landi talaga nito.

“Hey wait lang baby, sasagutin ko lang ang epal na to ah. We’ll continue later. Mwah.” narinig kong sabi ni RC dun siguro sa kalandian nya. Buti pa tong baklang to ang ganda ng lovelife samantalang ako na dyosa na kagandahan, nga-nga.

We're Married (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon