50. Friendship

209K 2.4K 530
                                    

This story is published under LIB. Sana bumili kayo, sobrang maa-appreaciate ko yun. :)

May story din si Luke, 'The Boss' yung title. Si Duke, 'The Chase and You'. Thank you.

Kung gusto nyo ako makausap:

Twitter: @heyairaaa
Facebook Group: Heyairaaa Stories

Salamat sa pagbabasa ng WM.

xoxo

heyairaaa

*

“There were times where all we want is to play the laughter, pause the memories, stop the pain and rewind the happiness.”

 

-Elle’s POV-

 

Nakatulala ako sa kamay ko na may bahid pa ng dugo. Ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko at hapdi ng mata ko sa kakaiyak. Tahimik ang buong lugar, ang tangin naririnig ko lang ay ang mga yabag ng mga taong nagdaraan at ang mabigat na paghinga ng mga taong nasa paligid ko. Mangilan-ngilan lang kaming nagdadasal dito.

Puno ng sakit at hinanakit ang puso ko. Dapat masaya ko, dapat nagdidiwang kaming lahat pero heto ako naghihintay sa kawalan, naghihintay sa walang kasiguraduhan.

Akala ko namanhid na ang katawan ko hanggang sa may naramdaman akong malamig na kamay na humawak sa kamay ko. Hindi ko na kailangan tingnan kung sino yun dahil alam ko sya lang ang laging nasa tabi ko.

Pag-angat ko ng tingin ko, hindi nga ako nagkamali. Nang makita ko ang maamo nyang mukha ay parang lumambot ang puso ko at gusto ko nalang ay yakapin sya at doon umiyak.

“K-king..” garalgal ang boses kong sabi.

Niyakap ko sya ng mahigpit at doon na tuluyang bumuhos ulit ang luha ko. Hindi sya nagsalita at marahan lang na hinahaplos ang likod ko. Ganun lang sya hanggang sa kumalma ako, bumitiw ako sa yakap at sumandal nalang sa balikat nya.

Tahimik lang kami at sa tingin ko ay hinihintay nya lang ako na magsalita. Kahit masakit, gusto ko pa din malaman ang totoo. Alam kong may alam sya, base pa lang sa reaksyon nya kanina.

“Anong nangyari, King?” mahina kong tanong. Pakiramdam ko naubos ang lahat ng lakas ko sa lahat ng emosyon na naramdaman ko ngayong araw.

Naramdaman ko ang pagtaas at pagbaba ng balikat nya, tanda ng paghinga nya ng malalim bago magsalita. Alam kong nahihirapan din sya, gaya nga ng sabi ko dapat masaya kami pero heto kami pinipilit na maging malakas.

“Nakausap ko na ang mga pulis--”

Agad kong pinutol ang sinasabi nya. Hindi yun ang gusto kong malaman. Hindi yun ang gusto kong marinig mula sa kanya. Ang gusto kong malaman ay kung ano ang nangyari kanina. Ano ba ang ibig sabihin nun?

“Ano pa ba ang hindi ko alam, King? Bakit hindi matapos ang lahat ng to?” nanginginig ang boses ko habang sinasabi ko to.

Humigpit ang paghawak nya sa kamay ko. Alam kong nagdadalawang isip sya pero bakit? Dahil dun mas lalong lumala tong curiousity na nararamdaman ko. Dapat ko tong malaman. Binitiwan ko ang kamay nya at hinarap sya, kita ko ang kaseryosohan ng mukha nya. Mataman syang nakatingin sa akin na parang binabasa ako, binalik ko ang tingin nya para sabihing gusto ko talagang malaman ang totoo.

We're Married (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon