This story is published under LIB. Sana bumili kayo, sobrang maa-appreaciate ko yun. :)
May story din si Luke, 'The Boss' yung title. Si Duke, 'The Chase and You'. Thank you.
Kung gusto nyo ako makausap:
Twitter: @heyairaaa
Facebook Group: Heyairaaa StoriesSalamat sa pagbabasa ng WM.
xoxo
heyairaaa
*
“Love is like a war, easy to begin but very hard to stop.” -H. L. Mencken
-Elle’s POV-
Isa-isa kong tinanggal ang mga dahon na tumatakip sa pangalan nya. Halos isang buwan na ang lumipas pero ramdam na ramdam ko pa din ang sakit pero gaya nga ng sabi nila, hindi hihinto ang buhay para hintayin ka, kailangan ikaw ang makisabay sa kanya kung ayaw mong maiwan. Kailangan mag-move on kahit mahirap.
Luis Vera Cruz
Hinawakan ko ang pangalan nya na nakaukit sa lapida. Ang lamig ng hangin at ang tahimik ng paligid, hindi ko maiwasang tumulo ang mga luha ko pero agad kong pinahid yun at pilit na ngumiti.
“I miss you, baby.” I whispered.
“Nandito ka din pala.” sabi ng isang boses sa likod kaya napatingin ako. Sinalubong ako ng isang malungkot na mukha at may pilit na ngiti. Gusto kong umiyak sa harap nya dahil sa nakikita ko ngayon pero pinilit kong maging malakas para sa kanya. Para kay Luke.
Tumango ako at tiningnan sya habang nilalapag ang isang basket ng bulaklak at ilang kandila. Umupo sya sa damuhan sa tabi ko. Kitang-kita ko ang pagkislap ng mga mata nya dahil sa namumuong-luha doon. Umiwas ako ng tingin, hinding-hindi ko yata makakayang tingnan sya ng ganyan.
Sandaling katahimikan ang lumipas bago ko sya narinig na magsalita. “Aalis ako. Lalayo muna ko, pansamantala.”
Nagulat ako sa sinabi nya. Simula nung dumating kami dito sa Manila nung nakaraang buwan, hindi na kami nagkakausap ng maayos dahil alam kong nagluluksa pa sya tapos ngayon nya lang ako ulit kakausapin at ganyan pa ang sasabihin nya.
Dito napagpasyahang ilibing sa Manila si Luis dahil nandito ang ilan sa pamilya nila. Ewan ko pero hindi ko kayang hayaan nalang si Luke na pumunta dito at mag-stay na mag-isa kaya lumipat kami dito. Gusto kong magsimula ulit at makalimutan ang lahat ng nangyari sa Cebu at dito sa Manila ulit magsimula. Siguro babalik nalang ako sa Cebu para bisitahin ang orphanage.
“Pero.. bakit?” yun lang ang tangi kong nasabi kahit yun na yata ang pinakabobong tanong na narinig ko. Malamang gusto nyang takasan ang sakit, naiintindihan ko ang nararamdaman nya kasi nawalan na din ako pero alam kong kakayanin nya yan. Sana, Luke.
Ngumiti sya ng mapait at tumingala sa asul na langit. “Ewan ko, basta ang alam ko ito ang kailangan ko. Gusto kong hanapin muna ang sarili ko.” sabi nya at umiling-iling pa na parang hindi alam kung tama ang sinasabi nya.
Tinapik ko sya sa balikat, hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin o gawin kaya yun nalang ang tangin kong nagawa. I smiled at him, sana sa ngiting yun maintindihan nya ang lahat ng gusto kong iparating.
BINABASA MO ANG
We're Married (Published)
General FictionWATTPAD PRESENTS: NOV 2-6, 2015 ❤ PUBLISHED UNDER LIB/PASTRYBUG BOOK 1 - P99.75 BOOK 2 - 109.75 "Kasal nga kami pero hanggang papel lang. Hawak ko nga ang apelyido nya pero hindi ang puso nya. Malapit nga lang sya sa akin pero hindi ko sya kayang ab...