Special Chapter [1]

207K 2.4K 166
                                    

This story is published under LIB. Sana bumili kayo, sobrang maa-appreaciate ko yun. :)

May story din si Luke, 'The Boss' yung title. Si Duke, 'The Chase and You'. Thank you.

Kung gusto nyo ako makausap:

Twitter: @heyairaaa
Facebook Group: Heyairaaa Stories

Salamat sa pagbabasa ng WM.

xoxo

heyairaaa

*

-Elle’s POV-

 

Nagugutom ako. I want.. uhm.. I don’t know.

“King!!!” sigaw ko dahil gusto kong kumain pero hindi ko alam kung ano ang gusto ko.

Nagulat ako ng bigla akong makarinig ng kalabog at maya-maya ay nakita ko si King na hingal na hingal na pumasok sa kwarto ko. Tinaasan ko sya ng kilay dahil parang yung itsura nya ay may sumigaw na sunog kahit hindi naman.

“Hey! I want to eat!” sabi ko sa kanya at ngumiti ng sobrang tamis samantalang sya ay biglang kumunot ang noo at sumimangot.

“Akala ko kung ano na nangyari sayo. Sa susunod, please wag ka ng sisigaw.”

Parang kumirot ang puso ko dahil sa sinabi nya. He’s mad at me. He doesn’t love me anymore. Iiwan nya na ko. Naiiyak na ako at sya mukhang natataranta na. Why? Ayaw na ba nya sa akin?

“You hate me, King.” sabi ko at tuluyan ng tumulo ang luha ko. Baby, hindi na tayo love ni daddy.

“What?” frustrated na sabi nya. Nahihirapan na sya dahil sa akin. Napayuko ako at hinawakan ang tyan ko na hindi pa kalakihan. I’m just 2 months pregnant at mukhang di na ko kinaya ni King. Baka panget na ko?

“Iiwan mo na ba ko?” bulong ko at narinig ko ang marahas na pagbuntong-hininga nya.

“Oh! Hormones! Hailey, you know that I love you so much. I say it to you everyday. Stop the drama, what do you want to eat?”

Unti-unti akong napangiti dahil sa sinabi nya. Niyakap ko sya at inisip ko kung ano ang pwede kong kainin.

“I want pizza.” sabi ko at bumitaw na sa kanya.

Agad syang umalis at maya-maya ay may dala ng pizza. Napasimangot ako dahil iyon lang din ang natira kong pizza kagabi.

“No, ayoko na pala nyan. Gusto ko ng buko shake.” sabi ko dahil nakita ko iyon sa magazine na binabasa ko kaya natakam ako.

“Ha?” sabi nya at agad ko syang tiningnan ng masama kasi mukhang magrereklamo pa kaya sumunod na ulit sya.

Lumipas ang 20 minutes bago sya nakabalik. Sa sobrang inip ko parang iba na ang gusto kong kainin.

“Eto na yung buko shake mo.” sabay abot nya sa akin nito pero hindi ko pinansin.

We're Married (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon