31. Truth

343K 3.1K 580
                                    

This story is published under LIB. Sana bumili kayo, sobrang maa-appreaciate ko yun. :)

May story din si Luke, 'The Boss' yung title. Si Duke, 'The Chase and You'. Thank you.

Kung gusto nyo ako makausap:

Twitter: @heyairaaa
Facebook Group: Heyairaaa Stories

Salamat sa pagbabasa ng WM.

xoxo

heyairaaa

*

“If you love someone tell them, because hearts are often broken by words left unspoken.”

 

-Elle’s POV-

 

Napuno ng kaba ang dibdib ko nung makita ko ang papalapit na sasakyan sa tapat ng building ng kompanya. Bigla-bigla nalang kasing bumabalik sa utak ko ang panaginip ko na yun. Halos magdasal na ako sa kinakatayuan ko na sana kasama namin si Mang Rely, the company driver, papunta sa Villa de Fuentes yung site kung saan kami magta-trabaho.

Ayokong magkaroon kami ng oras na kaming dalawa lang. Argh! Di ko alam ang gagawin ko kung mangyari man yun.

Nang makalapit na talaga sa akin ang sasakyan ay halos mapasigaw ako ng ‘thank you Lord’ nung makita ko si Mang Rely na nasa driver seat at nasa backseat naman si King na busy sa kung ano man ang binabasa nya.

Halos malaglag na lahat ng pwedeng malaglag sa akin nung humarap sya at ngumiti sa akin. Parang may lumabas na ibon at anghel sa paligid nya. Ngayon ko lang sya natitigan at na-appreciate ang itsura nya simula nung nagkita kami kahapon. Mukha kasi syang haggard nung kahapon pero ngayon oras na to parang ang aliwalas ng mukha nya tapos nakasalamin pa sya. Medyo nag-mature na ang mukha at katawan nya pero halos ganun pa din ang itsura nya, mas lalo pa ngang gumwapo.

“Ma’am? Di pa po ba kayo sasakay?”

Nagulat ako nung magsalita si Mang Rely na medyo nangingiti pa nung tingnan ko. Nahihiya kong binuksan yung pinto nung sasakyan at umupo sa tabi ni King na ngayon ay nakangisi na. Mukhang nag-enjoy yata sa pagkapahiya ko kanina. Nakakainis naman kasi, bakit ba ako natulala? Baka mamaya naglaway pa ako sa harap nya. Nakakahiya ka talaga, Elle!

Tahimik lang ako na nakaupo doon pero ang loob ko halos magwala sa nararamdaman ko ng mga oras na ito.

Ang bango-bango nya at halos magkadikit na kami. Hindi ko nga alam kung bakit sinisiksik nya ako eh ang lawak-lawak naman ng upuan. Uusad ako tapos uusad din sya. Nung wala na talaga akong uusugan, hinarap ko na sya at buong lakas kong pinigilan ang matulala na naman sa harap nya.

“Ano bang problema mo, Mr. dela Vega?” mahina pero madiin kong sabi. Ayokong marinig ni Mang Rely ang pinag-uusapan namin at baka kung ano isipin nun.

Ngumisi sya at mas lalo pang lumapit sa akin kaya ang tendency ay napasandal ako sa pinto ng sasakyan at sya ay sobrang lapit sa akin. Agad akong napalingon kay Mang Rely na patuloy pa din sa pagda-drive at walang kamalay-malay sa nangyayari dito sa likuran nya.

“Nagugutom ka ba? Let’s eat breakfast first before going to Villa de Fuentes.” bulong nya at bigla nyang kinagat ang labi nya. Argh! That lipbite! That lips! Temptation!

We're Married (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon