15. Trip [2]

360K 2.8K 127
                                    

This story is published under LIB. Sana bumili kayo, sobrang maa-appreaciate ko yun. :)

May story din si Luke, 'The Boss' yung title. Si Duke, 'The Chase and You'. Thank you.

Kung gusto nyo ako makausap:

Twitter: @heyairaaa
Facebook Group: Heyairaaa Stories

Salamat sa pagbabasa ng WM.

xoxo

heyairaaa

*

Okay, spell awkward.

 

Bakit ganito ang atmosphere ng dalawang ito? Feeling ko may war na namamagitan sa kanila, wala feeling ko lang talaga kasi sobrang feelingera ko.

 

Nandito kami ngayon sa isang resto para kumain. Habang hinihintay namin yung in-order nila, oo sila lang kasi hindi man lang nila ako pinahawak ng menu at sila na ang nag-order para sa akin, magkatitigan lang yung dalawa tapos biglang ngingiti si Luke at iiling. May something talaga sa ngiti ng mokong na to eh.

 

Hindi ko alam kung magsasalita ba ako o hindi. Laking papasalamat ko nga at dumating na yung pagkain namin.

 

Nagulat nga ako ng biglang ibigay sa akin ni King yung plato na may lamang kanin with crabs.

 

“Here.” sabi nya.

 

Kikiligin na sana ako kaso biglang nagsalita si Luke.

 

“Di ba allergic ka sa crabs, Elle? Eto pusit, paborito mo to, di ba?” nginitian ko lang sya ng alanganin pero kay King sya tumingin at ngumiti ng nakakaloko. Yung parang nang-aasar?

 

Napatingin naman ako kay King na parang nagdilim ang mukha. Argh, kainis naman kasi si Luke, minsan na nga lang ganyan sa akin si King, e-epal pa.

 

“Sorry, I didn’t know that.” sabi nya sa akin.

 

Okay, nag-sorry sya sa akin. Sheeeeeet, bakit ganito sa akin si King ngayon? Dahil wala akong masabi, ngumiti lang ako sa kanya tapos tinapakan ko yung paa ni Luke nung makita kong nagme-make face sya. Epal talaga!

 

“Aray, ang sadista talaga ni Elle. Eto pa hipon, kumain ka nga ng madami ang hina mo parang pinitik mo lang yung paa ko.” sabi nya at nilagyan ng maraming pagkain yung plato ko.

 

“Ano ba, Luke! Ang dami naman nyan.” sabi ko at nilipat ulit yung pagkain sa kanya.

 

“Anong madami, ang payatot mo na. Pangit ka na nga, payat pa kaya kainin mo yan.” sabi nya at magrereklamo pa sana ako kaso sinubo nya sa akin yung pagkain na nasa kutsara nya.

 

“An--o ba--a!” uutal-utal na sabi ko samantalang sya tawa ng tawa dahil sa itsura ko. Sinamaan ko lang sya ng tingin.

 

*blag*

 

Pareho kaming napalingon sa bumagsak na yun. Si King pala at binagsak yung kutsara nya at tinidor tapos biglang tumayo.

 

“Uy King, hindi ka pa tapos kuma--”

 

Hindi na ako natapos magsalita nung nag-iwan na sya ng pera sa lamesa tapos tumayo.

 

“Nawalan na ako ng gana.” sabi nya at tuloy-tuloy na umalis.

 

Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa makalabas sya. Nagulat nalang ako ng biglang tumawa ng malakas si Luke na nasa tabi ko. Yung mga tao, nakatingin lang sa kanya, paano ba naman kasi napalakas ng pagtawa nya. Nakakahiya!

 

“Luke!” sigaw ko sa kanya. Kailangan kong habulin si King.

 

Uminom muna ako ng tubig, grabehan lang hindi pa nga ako nakakakain eh. Hindi ko na pinansin si Luke na parang baliw dun at agad nang tumayo para habulin si King.

 

“Wait there, Elle” sabi ni Luke na nakasunod na pala sa akin.

 

Hindi ko sya pinansin at luminga-linga sa paligid pero wala sya. Bumalik na kaya sya sa hotel?

 

Argghhh!

 

“Woooohh, that was epic.” sabi ni Luke sa tabi ko na hanggang ngayon ay mukhang amuse na amuse pa sa nangyari.

 

Tiningnan ko sya ng masama. “Ikaw!! Anong ginawa mo?!” sigaw ko sa kanya. Paniguradong may ginawa sya kaya biglang umalis si King. Ang dark kasi ng aura ni King nung umalis sya.

 

“Ohhhh!” sabi nya at itinaas pa ang dalawang kamay. “May nakita ka bang ginawa ko, di ba wala?” dagdag nya at nag-grin.

 

Oo nga naman, kausap ko naman sya nun at wala naman syang ginawa kay King. Pero kahit na! Feeling ko meron syang ginawa eh!

 

Luminga-linga ako at parang nakita ko na si King!

 

“Si King ba yun?” bulong ko, lalapit na sana ako ng biglang hinila ako ni Luke papayakap sa kanya.

 

“Aray, Luke! Ano bang ginagawa mo?! Kung kelan naman parang nakita ko na si King eh!”

 

Ang higpit ng pagkakayakap nya sa akin at lahat na ng lakas ko ay ginamit ko na para makawala sa kanya.

 

“Bakit mo ginawa yun?! Ayan, nawala na ulit tuloy si King!” inis na inis ko na sabi sa kanya.

 

Ngumiti lang sya sa akin. “Papasalamatan mo din ako sa pagyakap ko sayo, Elle.” sabi nya at naglakad papaalis.

 

Aghhh, ewan ko sa kanya!

We're Married (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon