Epilogue

162K 2.5K 460
                                    

This story is published under LIB. Sana bumili kayo, sobrang maa-appreaciate ko yun. :)

May story din si Luke, 'The Boss' yung title. Si Duke, 'The Chase and You'. Thank you.

Kung gusto nyo ako makausap:

Twitter: @heyairaaa
Facebook Group: Heyairaaa Stories

Salamat sa pagbabasa ng WM.

xoxo

heyairaaa

*

"Love doesn't make the world go round, love is what makes the ride worthwhile."

 

-King's POV-

 

Halos ilang taon na ang lumipas, sa sobrang bilis, hindi ko na namalayan ang lahat. Si Duke, sikat at may banda na at si Harley, nagdadalaga na. Napakabilis ng panahon at sobra nang daming nangyari.

Hinawakan ko ang bato kung saan nakaukit ang pangalan nya. Nung una sobrang sakit tanggapin na wala na sya pero habang tumatagal unti-unti ko nang natatanggap. Alam kong masaya na sya kung nasaan man sya ngayon.

Inilapag ko ang bulaklak na dala ko at hinawi ang ilang sapot na umaaligid sa puntod nya. Gusto kong makalimot sa sakit kaya napapabayaan ko na sya. Nagi-guilty ako.

"Dad!" tawag ng isang boses kaya napalingon ako. Si Harley na nakangiting papalapit sa akin, ang ganda nya talaga. Kaso napawi ang ngiti nya at napalitan ito ng lungkot ng makita kung ano ang nasa harap namin. Alam ko kahit hindi sila nagkasama, mahal sya ni Harley.

She sighed. "Sana nakilala ko sya, Daddy." malungkot nyang sabi pero agad din syang ngumiti dahil alam nyang ayaw na ayaw ko na nalulungkot sya.

"Dad, let's go. Nasa hotel na si Kuya Duke, he'll be mad kapag di nya nakita yung iPad nya na nasa akin." agad nyang iniba ang usapan at bumalik na sa sasakyan. Napailing ako dahil alam nya na kapag hindi nya ako pinilit ay mas gusto ko lang na manatili dito.

Binalik ko ang tingin sa puntod at malungkot na ngumiti.

*

"You used my iPad again, Harley Careen?" narinig kong tanong ni Duke sa kapatid nya. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko para magkasundo itong dalawa pero kahit ganun alam kong mahal nila ang isa't-isa.

"Ano ba naman, Kuya? Pati ba naman dito sa Cebu umaabot ang kadamutan mo? Dapat ang ganyang ugali, iniiwan sa Manila, duh." inis na sabi ni Harley.

Napailing nalang ako at napangiti, kahit ganyan sila, hindi ako nagsisisi na sila ang mga anak ko. Hindi pinansin ni Duke ang pasaring ng kapatid nya at lumapit nalang sa akin. Alam ko na kung ano ang itatanong nito.

"How's the plan, Dad?" tanong nya habang nakangisi.

I smiled. "It's ready. Mga 7:30, aalis na tayo."

Tumango-tango sya at nakita kong kinuha nya sa mesa yung susi ng sasakyan ko. Saan naman kaya pupunta to?

"Alis lang ako." sabi nya kaya agad kong tinanong kung saan sya pupunta. Hindi pwedeng wala sya mamaya.

"Kay Prince. Umalis kayo ni Harley at hindi man lang ako hinintay. Binisita nyo si Prince tapos wala ako? Baka magtampo yun at multuhin ako." biro nya at tuluyang umalis.

Napailing ulit ako, sya nga naman. Pumunta kami sa puntod ni Prince ng hindi sya kasama dahil na-late sya ng punta dito kasi may inayos muna sya bago pumuntang Cebu.

Nag-ring ang phone ko at napangiti nung makita ko kung sino ang tumatawag.

"King! I miss you!" bati nya agad pagkasagot ko. Mas lalo akong napangiti, nakita ko pa nga ang pag-irap ni Harley dahil nakakadiri daw akong tingnan kapag kinikilig. Sinong nagsabi na kinikilig ako? I'm just happy.

We're Married (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon