19. Talk

360K 3.1K 640
                                    

This story is published under LIB. Sana bumili kayo, sobrang maa-appreaciate ko yun. :)

May story din si Luke, 'The Boss' yung title. Si Duke, 'The Chase and You'. Thank you.

Kung gusto nyo ako makausap:

Twitter: @heyairaaa
Facebook Group: Heyairaaa Stories

Salamat sa pagbabasa ng WM.

xoxo

heyairaaa

*

-Elle’s POV-

 

I sighed and think for a moment.

 

“RC.” sabi ko at hinarap sya na nasa tabi ko ngayon. Huminto kami sa paglalakad at nagtitigan.

 

Nagtataka naman sya sa kinilos ko. I sighed again.

 

I smiled at him. “Wala. Tara na.” sabi ko at binilisan pa lalo ang lakad.

 

Ayoko. Ayokong makausap sya. Napagdesisyunan ko nang unti-unting kalimutan sya. Ayoko syang makita dahil baka mapaatras ako bigla at makalimutan ko tong desisyon ko. Ayokong magpakatanga ulit. Siguro magkakausap din kami pero hindi muna sa ngayon. Kasal pa din naman kami eh at walang alam ang parents namin tungkol sa issue namin.

 

“Elle!” nagulat ako ng may biglang tumapik at sumigaw sa harap ko.

 

“Ayos ka lang ba? Tulala ka dyan?” nag-aalalang sabi nya. Ngayon ko lang din napansin na nasa tapat na kami ng salon.

 

“Ayos lang ako. Tara pasok na tayo.”

 

*

 

Oh, medyo nangawit yata ang leeg ko kanina ah. Masyado kaming nag-enjoy ni RC sa pagpapa-ganda at pagsa-shopping namin at di na namin namalayan ang oras. Malapit nang mag-9 nung makarating ako sa condo.

 

Sinarado ko yung pinto at nung pagtalikod ko ay halos atakihin ako sa puso ng makita kung sino ang naroon.

 

Hindi ko sya napansin kanina nung pagpasok ko at bakit ko nga ba nakalimutan na pwede syang pumunta dito sa condo nya. Ugh!

 

Nung maka-recover na ako sa pagkagulat ay nagsimula na akong maglakad paputang kwarto at nilagpasan sya na parang hindi ko nakita.

 

Wag kang titingin sa kanya, Elle. Yan ang paulit-ulit na sinasabi ko sa sarili ko.

 

Nagulat ako ng bigla nyang hinawakan ang braso ko. Bakit ba kanina pa ko nagugulat sa kanya?! Si King lang yan, Elle! Oo si King na mahal na mahal mo, sabi ng bwiset kong utak.

 

Dahil ang higpit ng hawak nya sa akin, hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya. Nararamdaman ko na naman ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

We're Married (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon