25. Decision

350K 3K 568
                                    

This story is published under LIB. Sana bumili kayo, sobrang maa-appreaciate ko yun. :)

May story din si Luke, 'The Boss' yung title. Si Duke, 'The Chase and You'. Thank you.

Kung gusto nyo ako makausap:

Twitter: @heyairaaa
Facebook Group: Heyairaaa Stories

Salamat sa pagbabasa ng WM.

xoxo

heyairaaa

*

-Elle’s POV-

 

Nandito pa din kami ni King sa may itaas ng bundok, buti nalang talaga at hindi na gaanong masakit ang paa ko pero masakit pa din ang puso ko. Hay, ang drama ko talaga. Kailan ba ako sasaya?

 

“What?” biglang tanong ni King at ngayon ko lang napansin na nakatitig na pala ako sa sandwich na kinakain ko na binaon namin papunta dito.

 

“Nothing.” sabi ko at nginitian sya pero tiningnan nya lang ako na parang hindi sya naniniwala. Minsan naisip ko, sana hindi nalang talaga si King ang nasa harap ko ngayon, sana hindi nalang sya nagbago at sana hindi ko na sya binigyan ng chance.

 

“Something is bothering you. Please, tell me.” pagpilit nya pero hindi ko sya sinagot at humarap sa lawa na napakalinis.

 

Nung naisipan kong sumagot ay napatikom nalang ako ng bibig ng biglang bumagsak ang ulan.

 

“Hala! King!” bigla akong nataranta kasi wala kaming masisilungan pero napatigil ako sa pagkataranta ko ng makita ko syang ngumiti at nagulat nalang ako ng bigla nyang hapitin ang bewang ko at niyakap ako papalapit sa kanya.

 

“Kung wala kang masisilungan, i-enjoy mo nalang ang ulan.” nakangising sabi nya at unti-unting inilapit ang mukha nya sa mukha ko. Napakabagal nun at parang nanunukso kaya ako na ang gumawa ng paraan. Inilagay ko ang mga kamay ko sa mga batok nya at hinapit sya papalapit sa akin.

 

Then after that, I felt the real meaning of magic.

 

*

 

Hinaplos ko ang mukha nya habang pinapanood syang matulog sa hita ko. Napakatahimik at napakaganda ng buong lugar kahit dito na yata kami habangbuhay ni King, okay lang sa akin pero alam ko naman na hindi pwede yun.

 

“King, bakit mahal na mahal kita kahit alam kong ginagawa mo lang ang lahat ng to para saktan ako? King, bakit napakatanga ko pagdating sayo? Bakit pa ba ko nagpapatuloy kahit alam kong di ko na kaya? At bakit gusto kitang sumaya kahit ang kapalit nun ang masasaktan ako ng sobra?”

 

Napabuntong-hininga ako at malungkot na ngumiti. Buti at nasabi ko yun sa kanya ng hindi tumutulo ang luha ko. Wala na yatang ilalabas ang mga mata ko.

 

Buti kahit papaano umaraw kanina kahit umulan at mabuti na din at may dala kaming damit.

We're Married (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon