12. Date [1]

378K 3.2K 216
                                    

This story is published under LIB. Sana bumili kayo, sobrang maa-appreaciate ko yun. :)

May story din si Luke, 'The Boss' yung title. Si Duke, 'The Chase and You'. Thank you.

Kung gusto nyo ako makausap:

Twitter: @heyairaaa
Facebook Group: Heyairaaa Stories

Salamat sa pagbabasa ng WM.

xoxo

heyairaaa

*

OMG! This is the day!

 

Kahit di ako makatulog, pinilit ko talaga para lang maging maganda ngayon. Pakanta-kanta pa ako habang naliligo. Good mood ako, bakit ba.

 

Kinuha ko yung towel at binalot sa katawan ko. Nakalimutan ko pala sa labas yung damit ko. Oh well, super excited kasi ako at hindi na ako mapakali.

 

Lumapit ako sa kama ko para kunin ang damit nang biglang bumukas ang pinto at bumungad sa akin si King.

 

“Good--”

 

Nabitin yung pagbati ko sa kanya nung ma-realize ko kung ano ang itsura ko ngayon at ng makita ko din ang itsura nyang gulat na gulat.

 

Dahil sa hindi ko alam kung ano ang una kong gagawin, na-statwa lang ako sa kinatatayuan ko.

 

Sya ang unang nakabawi sa pagkagulat at agad na umiwas ng tingin at napansin ko din na namumula yung tenga nya. Masyado kaya syang nagandahan sa katawan ko? He can taste anytime. Hahaha kidding.

 

“Ah-- tss just wear a decent clothes.” sabi nya at tumalikod pero bago pa nya maisarado yung pinto ay binuksan nya ulit.

 

“And one more thing, please always lock the door  Hailey.” sabi nya at tuluyang umalis.

 

Napabuntong-hininga nalang ako ng malakas at napatili ng walang tunog. Kung pwede man yun. Shet nakakahiya yun!

 

Pinili ko yung pinka-simple pero maganda kong damit. Well, kahit magsuot ako ng basahan maganda pa din naman ako.

 

Naglagay lang ako ng light make-up and konting ayos ng buhok. Yes! I’m ready to go.

 

Pagkalabas ko ay hininhintay na ako ni King sa may pinto tapos nung nakita nya ako ay agad syang tumalikod at lumabas ng condo.

 

Umagang-umaga tapos ang sungit na nya? Masyado ba syang affected sa nangyari kanina?

 

Pagdating namin sa sasakyan ay agad na syang sumakay kaya sumunod nalang din ako. Hayaan na, basta may date kami pero saan kaya kami pupunta? Wala naman syang sinabi na date to pero considered as a date naman siguro to di ba?

 

“Saa--”

 

“Shut up.”

 

Itatanong ko sana kung saan kami pupunta kaso bago pa ako makapagtanong ay nabara nya na agad ako. Ang sungit talaga! Buti nalang talaga at good mood ako.

 

Nagulat pa ako ng huminto kami sa isang drive-thru. Hindi pa pala kami kumakain. Kahit na ang sungit nya, sweet pa din talaga sya kahit hindi halata. Di ba?

 

“Here.” sabi nya na hindi nakatingin sa akin at inabot ang isang coffee at burger.

 

Nangingiti kong inabot yun. “Thanks.”

 

Yun! Bawing-bawi ang kasungitan nya.

 

Kumain lang ako tapos pumikit din saglit. Sobrang tagal ng biyahe at hindi ko namalayan na nakatulog na ako.

 

*

 

“Girlfriend nyo po ba sya?”

 

“Nope”

 

“Para syang prinsesa!”

 

“Shh, Phoebe! Baka magising sya.”

 

Hmm, anong ingay ba yon?

 

I slowly opened my eyes at biglang nanlaki ang mata ko ng makakita ng maraming bata sa harap ko.

 

“Ahhhh!” sigaw ko at bigla akong napabangon.

 

Mukha namang natakot yung mga bata at biglang nagsi-alisan. Napatingin ako sa paligid at nakita ko si King na nakaupo sa harap ko.

 

Bigla kong naalala yung mga pangyayari at na-realize ko na umalis nga pala kami ni King. Nasaan kaya kami?

 

“We’re in an orphanage” sagot nya sa tanong ko.

 

What?! So dito pala ang date namin?! Sa isang ampunan?! I really hate this kind of place!

 

“What? Bakit mo ko dinala dito?!” sigaw ko sa kanya.

 

“Stop shouting Hailey. Baka marinig ka nila.”

 

Naiinis akong nanahimik. Hindi pa din matanggal ang pagkasimangot sa mukha ko.

 

“I brought  you here because I promise them that I will bring here my wife. So here I am, fulfilling my promise”

We're Married (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon