CHAPTER 4❤️ Meet the EX

422 8 0
                                        

AINAH's P.O.V.

Nagising akong maaga katabi ko si Chelo natulog. Dont be so green ha! Wala kaming ginagawang mali. Mahal lang namin talaga ang isat isa.

"Hmmm!" Ungot niya habang yumakap sa akin.

Phone Beeps

From: Anne
At dahil hindi ka sumama kahapon. Better get dressed papunta na kami sa Condo mo. Aalis tayo. Girls talked! May problema si Jin.

Agad akong tumayo at hindi na nag reply. Naligo agad ako at nagbihis simple lang ang suot ko. Im wearing a Nice dress and a doll shoes. Yun lang bag na sling bag at phone at wallet lang dala ko.

Nag iwan nalang ako nang sulat at inipit ko nalang sa phone niya para kung sakali man hanapin niya ako. Alam niya na.

Hinintay ko sa baba sila Anne. Dumating naman aga siya. As in siya lang mag isa.

"Tara na bago pa magising ang Boyfriend mo" sabi ni Anne.

Tumango lang ako at umalis na kami. Nadatnan ko sa kotse si Jin. Nakaidlip. May luha pa sa mata niya.

"Anyare?? Bakit??" Tanong ko.

"Away? Miss understanding? Ewan!" Sabi ni Anne.

Pununta kami sa Starbucks. Maaga pa naman kaya kami palang ang tao. Agad naman kaming pumunta doon at bumili nag take out kami dahil naawa kami kay Jin kung dito pa namin siya iinterviewhin. Pumunta kami sa Bahay ni Anne after we buy some Coffee. So ayun gising na si Jin dahil kay Anne. Sigawan ka ba naman sa Tenga.

Pumasok kami at dumiretso sa kwarto ni Anne. Haaayyy! Its been a long time since nagpunta ako dito.

"Oh kwento mo anyare sayo?" Tanong ko.

"Namiss understand niya ang pagkakasabi ko nang tumigil na siya." Muli ay umiyak na naman siya.

"Ha? Ikaw nga Anne!" Sigaw ko.

"Fine! Ganito yan. Gusto na niyang tumigil si Ian sa panliligaw sa kaniya. Kasi sasagutin na niya kaya lang namissunderstand ni Ian ang nangyari after mangyari noong sinabi niya yun nakita ni Ian na Kasama ni Jin si Carlos. Pinsan ni Jin hindi ba? Nagalit si Ian at hindi nagawang makapagexplain ni Jin dahil iniwan siya ni Ian na hindi man lang nakapagexplain." Wow!! Ang haba nang kwento niya!

"So ang sinasabi mo is namissunderstan lang ni Ian yung sinasabi mong tumigil na siya? Ako na bahala diyan. Promise mag kakabati kayo" sabi ko.

Tumango tango naman siya parang batang maliit na inagawan nang candy dahil wala siyang magawa. Haayyy sandali lang na problema pinapalaki sus!

"Hey! Tara na nga mag mall nalang tayo." Sabi ko.

"Okay fine!" Sigaw ni Jin.

Nag drive naman si Anne dahil siya ang may kotse sa aming tatlo. She insist hahaha! Sulit sulitin.

Pagkababa namin agad kaming pumunta sa billihan nang mga damit. Yep magshoshopping kami.

Doon ako namili sa mga shirt. Ang gaganda nang mga damit pero isa lang talaga ang nakapukaw sa akin. Yun yung kulay blue na may design na SHUT THE FUCK UP.  Agad kong kinuha yun pero may humawak din.

"Excuse me Miss sa akin ang damit na ito" teka? Is this the Ex of Chelo? Cindy?

"Excuse me rin. You did not buy it. Unfortunately may karapatan ako." Sabi ko.

"Hahaha! Your so funny Steph! Wag ka nang gumawa nang eksena dahil lang sa Ex ko ang boyfriend mo. Parehas na parehas kayo ni Jasmine. Desperate." Sagot niya.

"Your funny too. Napabackground check mo na pala ako? Sorry hindi kita gusto. Ikaw lang ang namamahiya sa sarili mo" sagot ko.

"You bitch!!" Sigaw niya sa akin.

Inapakan ko nalang siya. Para bitawan niya ang Damit. And fortunately naman binitawan niya. Tss sandali lang palang bitayin to.

"Sorry. Pero sa akin na tong damit na to. Sayang lang maganda ka. Pero mas maganda ako sayo." Sabi ko. Pumunta ako sa Counter at binayaran ang damit ko.

"Magbabayad ka!!" Sigaw niya.

Tinignan ko lang siya sa mata. Sila Anne naman nakatingin lang sa akin.

"Kahit magkano pa." Sabi ko. Tsaka umalis kami doon.

Susunod naman na napunta kami sa Arcade sa Taas. Pero sanang hindi nalang kami pumunta.

"Jin" banggit ni Anne sa pangalan niya.

"Im okay. Tara na?" Sabi niya.

Bakit? Nakita lang namin ang magaling na kaibigan ni Chelo na nakikipag landian sa mga babae. Take note MGA! Dalawa sila at mukhang nag tatrabaho sa bar dahil hindi disente ang suot. Konti nalang wala nang damit.

Dumaan kami sa harapan nila nakita naman kami ni Ian at napatayo agad.

"Anne, Jin mauna na kayo. May bibilhin lang pala ako." Sabi ko.

"Okay ingat ka. Balik ka kaagad dito ha?" Sabi ni Jin.

Tumango lang ako at ngumiti. Hinintay kong makapasok sa room ng videoke sila Anne para hindi nila makita ang gagawin ko.

"Ian." Tawag ko.

"S-s-steph? Bakit andito kayo?" Tanong niya.

"Mall ito Ian. May karapatan naman kami" sabi ko.

"Babe sino ba siya? Hey! You better get out! Were busy here" sabi noong isang babae na nakapalda na maikling maikli.

"Shut up." Sabi ko sa babae.

"You!! You are so Bastos.!!" Sigaw niya.

Halos lahat nakatingin na sa amin ngayon.

"Mas bastusin naman ang suot mo kesa sa sinabi ko" ngumiti pa ako.

"Arrggghhh!!! Tara na nga Babe." Sabi naman noong nakapalda ulit.

"Hindi siya sasama sa inyo. Dahil sa oras na sumama siya hindi niya magugustuhan ang gagawin ko" sabi ko.

Nagulat si Ian dahil alam niya na hindi ako nagbibiro sa lahat nang sasabihin ko.

"Teka lang. Sasama na ako" sabi ni Ian.

Umalis kami ni Ian doon. Hindi kami nag iimikan. Walang salita ang lumalabas sa bibig niya.

"Explain." Sabi ko.

Inexplain naman niya ang mga nangyari kaya lang wala siya talaga sa katwiran.

"Hahahahaha! Pinagseselosan mo ang sariling pinsan ni Jin? How could you" napatawa ako sa sinabi niya

Nagulat naman siya.

"Pinsan niya yun?!!!" Sigaw niya.

"Lower down your voice!. Oo pinsan niya" sabi ko.

"Haaayyy asan si Jin ngayon?" Sabi niya.

"Arcade. Videoke room number 4. Paalisin mo na si Anne. Sabihin mo puntahan niya ako sa baba sa may starbucks." Sabi ko.

Agad naman siyang tumakbo at iniwan ako. Dumiretso na ako sa Starbucks. Ewan ko ba feeling ko ang saya ko kasi may nangyaring maganda. Umupo ako sa may Dulo dahil mas maganda ang tanawin doon.

Dumating naman si Anne. Ewan ko ba iba ang Aura niya.

"Bakit?" Tanong ko.

"Tumingin ka sa likod mo. Hindi ba si C-Chelo yun?" Sabi niya

At dahil masunurin akong bata tumingin ako. I saw Chelo naglalakad kasama si Cindy at ang isang matandang babae. What the F??!!!

**********************************

The Break Up (TRG: Book 2)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ