Chapter 19❤️ Proof

293 7 0
                                        


Humarap kami sa nag salita at nakita namin si Cindy na may hawak na bata. At.. At.. Fuck this girl! May hawak lang naman siyang baril at nakatutok ito sa ulo ng bata!

"Tulungan niyo ang anak ko! Parang awa niyo na! Ang anak ko!" Sigaw ng nanay.

Baliw na nga ang babaeng to. Wala na siya sa tamang pag iisip.

"Ano na!! Naiinip na ako! Chelo! Steph! Baka naman gusto niyong pasabugin ko ang utak nang batang ito" sigaw niya.

Mas lalo pa niyang diniinan ang pag tutok ng baril sa bata.

"Ano bang gusto mo? Hindi pa ba sapat na napag hiwalay mo na kami ni Chelo?! Baliw ka na Cindy!!" Pag sigaw ko.

"Oo! Baliw ako sa pag mamahal kay Chelo!! Mahal ko siya!!! At walang makakapigil sa akin!! Ngayon Steph umalis ka sa tabi ni Chelo. O baka naman pati ang kaibigan mo na nasa loob ng hospital eh gusto mong galawin ko na rin" Fuck!! Shit!!

"Wag mo silang sasaktan. Please lang Cindy." Pag susumamo ko sa kanya.

Lumayo ako sa tabi ni Chelo at hinarangan si Don sa harapan. Alam kong tatawagan niya ang mga guards sa bahay at papupuntahin dito. Sana lang hindi pa huli.

"Ngayon Chelo. Humarap ka sa kanila. Humarap ka!!" Sigaw niya.

Humarap si Chelo sa amin. Pero sa akin lang siya nakatingin. Para bang nangungusap siya sa mga mata namin.

"Minahal kita Chelo. You chose to be with her than to me. Hindi sana darating sa punto na ganito kung ako lang pinili mong mahalin. You can sacrifice all you have para sa babaeng yan? Hahahaha! Damn it! Akala ko ba Chelo mahal mo ko? Hindi ba may nangyari pa nga sa atin? Isini--"

"Fuck it! Wala nangyari sa inyo! At may proof ako doon!" Sigaw ko.

"Hahaha! Poor Stephanie ayaw mo pa rin ba tanggapin na hindi ka niya mahal? na ayaw ka niyang makasama dahil boring ka?" She asked.

"No, hindi ko naman kailangan tanggapin ang wala naman. Mali ka nang pag kakaedit ng photo mo Cindy. Chelo has a Scar sa Right chest niya kung hindi mo ito titignan mabuti hindi ito halata. Pero sa picture na iniabot mo sa akin Wala siyang Pilat. That means isa Siyang Impersonator" i said.

"Paanong? Paano mo nalaman yan?!" Sigaw niya.

"Simple lang Cindy, mahal ko siya at kaya kong imbistigahan ang lahat para lang sa kanya." Sabi ko.

"Aaaaahhhhhhh!!!!! Mag babayad ka Steph! Hindi pa tayo tapos!" Sigaw niya.

"By the way Steph. Mag paalam ka na pala sa kanya. Dahil sasama na siya sa akin." Sabi ni Cindy.

"What?!"

"Oo tama ka ng rinig. Isasama ko siya kapalit ng buhay ng batang ito." She said.

"Chelo No! Wag kang lalapit" sabi ko.

Lumapit si Chelo sa kanya at pinakawalan ni Cindy ang bata. Fuck! Nasaan na ba ang mga Guards! Nakita kong may mga tao na paparating. All black suit at nakikilala ko sila. Siya ang kapatid ni Dad na General. At mga alagad niya siguro iyon.

Hinawakan ni Cindy ang kamay ni Chelo pero iniwas lamang niya ito. Ayaw niya kasing hawakan ito. Nakarinig kami ng putok at alam kong kay Cindy tatama iyon. Pero mali ako. Sa baril pala na hawak niya tatama iyon.

Agad na tumakbo si Chelo pero-----

"Chelo!!! No!! No!! Please please" sabi ko.

Tumatakbo lang siya ng barilin siya sa paa ni Cindy. We didn't expect na dalawa ang baril ni Cindy. Agad naman nabaril si Cindy sa Kanang kamay niya kaya hindi siya makakatakas at napalibutan na rin siya ng mga tao ni Tito.

"Chelo? Please lang kausapin mo ko!" Sigaw ko.

"Kumuha kayo ng Stretcher!! Dalian niyo!" Sigaw ni Cloud.

The next thing we know itinatakbo na namin si Chelo papasok sa operating room.

"Beb, don't leave me please." He said.

Nagsuot ako ng lab gown at sumama sa loob alam kong hindi pwede. Dumating ang Doctor at pinalabas ako.

"Steph. Tama na. Maliligtas siya. Sa paa lang naman tumama eh." Sabi ni Anne.

"Tama ka Anne. I'm sorry. Na over reaction lang ako. Noong nakita kong natamaan siya ng bala kanina, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Buti nalang at nandito kayo para sa akin" I said.

Isa isa nila akong niyakap. So sweet of them. Maya maya pa tumatakbo si Don papunta sa akin.

"Ate, Uncle wants to talk to you."

"Okay sige, lalabas na ako." Sabi ko.

Pagkatapos kong kumuha ng lakas kahit kaunti lumabas ako para kausapin ang tito namin.

"Kumusta Steph?" Tanong nito.

"I'm fine Tito. Kayo po?" Tanong ko.

"Better than Good. Anong gusto mong gawin natin sa babaeng yun?"

Actually hindi ko pa alam. Siguradong mapapiyansahan siya ng mga kamag anak niya. Isip Steph. Isip!

"Tito Mag babayad po ako kahit mag kano makulong lang siya ng panghabang buhay." I said.

"Ako ng bahala sa kaso niya ija. Siguradong walang mag papiyansa sa kanya." He said.

"Ikumusta mo nalang ako sa Daddy mo, Tito Carlos kamo sa kanya" sabi niya

"Makakarating po Tito" i said.

Nagpaalam na siya at pumasok na ako sa loob ng hospital. Wala na akong magawa kundi mag hintay, after several minutes lumabas na ang doctor.

"Doc kumusta siya?" Tanong ko.

"Don't worry Ms. Garcia, okay na siya. He needs some rest after 1 week pwede na siyang ilabas, ililipat ma rin siya sa Private room niya. Excuse me for a while." Sabi ng doctor.

Nilipat nila si Chelo sa private room niya. Hihintayin ko nalang siya magising. Tutal bukas maaga ako papasok. Iloveyou Beb. Always!

The Break Up (TRG: Book 2)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora