Ainah's POV
Hindi ko expect na darating sila. Si Lola nakaupo at si Lolo naman papalapit sa upuan ko, nagulat si Don at ang iba pa, maging si Mom at Dad hindi makapaniwala.
"happy birthday my greatest Apo. I wish you all the best. Have a blast and may the good lord godbless you always." Sabi ni Lolo.
Lumapit sa akin si Lolo at niyakap ako. But I didn't expect what he said after.
"You're 18 now Steph, I hope you won't forget our deal."
Hindi ko maintindihan kung bakit ginagawa nila ito. Lumapit si Dad at Mom.
"Papa." Banggit ni Dad.
"Mama" sabi naman ni Mom kay Lola.
"Gusto kitang makausap Dani" turo ni Lolo kay Dad.
"Maging ikaw Anika." Pati si Mom tinuro niya din. Alam kong hindi na maganda ito.
Bumaba na agad ako nang makita kong makalayo na sila sa akin at nakalabas na. Agad kong linapitan si Chelo.
"Beb, what happened? Bakit nandito ang Lolo at Lola mo? May problema na naman ba?" Tanong nito sa akin.
"Wala Beb. Pero please masaya ako ngayong araw na ito at mahal na mahal kita. Isa lang ang hihilingin ko muna ngayon." Sagot ko.
"Ano yun Beb?" Tanong niya.
Ngumiti muna ako sa kanya bago sabihin ang mga hiling ko. This will might be the last chance na hilingin ko sa kanya iyon.
Lumipas ang ilang minuto dumating na si Chelo at halatang napagod siya. Sorry Chelo. Pero kailangan.
"Tara na" paanyaya niya sa akin. Alam ko naman na pagod pa siya pero parang ramdam na niya ang kaba kasi sobrang lamig ng kamay niya.
Pumunta kami sa may garden ng venue. Maganda dito medyo malamig pero keri na.
"Isuot mo ito. Alam kong nilalamig ka" sabi niya at binigay ang coat niya.
Nag simula na siyang mag strum. Anong hiniling ko? Simple lang. gusto kong tugtugin niya ang pinakapaborito kong kanta. Tapos ay maglagay siya ng inumin sa table para sa amin. Simple date kumbaga.
"Hey, I was doing just fine before I met you, I drink to much and that's an issue, but Im okay." Kinakanta ng lalaking mahal ko ang pinakapaborito kong kanta.
"Hey, tell your friends it was nice to meet them but I hope I'll never see them again." Naiyak na ako nh tuluyan.
"I know it breaks your heart,
I move to the city in a broke down car
and four years no call, and now Im looking pretty in a hotel bar, and I,I,I,I can't stop
No I,I,I,I can't stop." Inanyayahan niya akong tumayo para kaming Romeo at Juliet, Cinderella and the Prince, Ariel at Prince Eric, beauty and the beast, Minnie and Mickey mouse, Alladin and Jasmin.Pero isa lang ang alam kong totoo diyan, ang true love. Alam kong tunay ang pag mamahal namin sa isa't isa at walang makakapantay doon mag hiwalay man kami ng personal.
"So baby pull me closer
In the backseat of your Rover
That I know you can't afford
By that tatoo on your shoulder
Pull that sheet out of the corner of the mattress that you stole
From your roommate back in boulder
We ain't ever getting older"Sumasayaw lang kami nang walang tigil kahit pa masakit sa paa ayokong may ma miss na isang segundo sa pag yakap ko sa kanya.
"Ainah Stephanie" ang boses na yun.
"Lolo" balik kong tawag dito, nakatayo lang ito at nakakunot ang noo.
"Halika ka na." Sabi nito at inextend pa ang isa niyang kamay para lang kunwaring abutin ako.
"Ano po bang masamang nagawa ko sa inyo? Bakit kailangan niyo pa siyang ilayo sa akin?" Nagulat ako ng biglang nag salita si Chelo.
"Ikaw lalaki wala. Pero ang Lolo at Lola mo merong atraso sa akin" ha? Anong sinasabi ni Lolo.
"Beb, anong ibig sabihin nito?" Tanong ko.
"Maging ako Beb hindi ko alam." Sagot nito.
"Walang nakakaalam? Pwes ipapaliwanag ko. Before Garcia would be the Top 1 wealthy people in the whole wide world, Montenegro ang nag pahirap sa amin. Hindi namin alam kung ano ang ginawa nila para lang makuha lahat ng pera namin. Pero sinisigurado ko na kapag ang Garcia at ang Dushelford ang nag isa. Bababa ang Montenegro." Ngayon ko lang nakitang nag salita si Lolo ng ganyan kaseryoso and swear nakakatakot siya.
"Ngayon Stephanie sumama ka na, wag kang mag alala tatapusin mo ang kolehiyo mo dito. Hindi ka ililipat ng ibang bansa hanggat hindi ka pa tapos ng kolehiyo. Pero sisiguraduhin ko na babantayan ko ang kilos mo." Sabi ni Lolo.
Niyakap ako ni Chelo at niyakap ko rin siya ng mahigpit, ang sakit, ang sakit sakit na makita mo na ang taong mahal mo ay mawawala sayo at ang mag lalayo sayo nito ay ang sarili mo pang kadugo.
"Mahal na mahal kita. Pinapangako ko na hindi ito ang huli nating pag kikita Beb. Ipaglalaban kita maging buhay ko man ang kapalit. Okay? Don't cry Beb. Iloveyou so much to the point that I would sacrifice all I have for you. Okay? Sa ngayon sumama ka na muna sa kanila. We don't have a choice. Pero tandaan mo Ainah, akin ka pa rin. You're Mine and I'm yours. Okay? Iloveyou Beb." Hindi na ako umimik pa, sobra kasing sakit at halos puro tango lang ang naibigay ko. Sinusubukan ko pero parang wala akong boses.
"For this time Beb. Say you love me and you would do all your best to help me in this situation. Lalaban ako para sayo." Sabi niya. Kailangan ko piliting mag salita.
"I-I-I-Iloveyou Beb. I w-would d-do my B-Best." Yan nalang ang nasagot ko at binigyan siya ng halik.
"Halika ka na Stephanie!" Sigaw ni Lolo.
Bumitaw na siya at patuloy pa rin umiiyak. Pang hahawakan ko Chelo. Pang hahawakan ko ang pangako mo. Pangako na balang araw ay matutupad na rin.
"That's the deal ija. You would marry Dushelford or I will write your so-called-Boyfriend's name in my huntslist" napatahimik ako at umiyak nalang ng umiyak.
sana matapos na ang mala impyerno na situation na ito. Baka hindi ko kayanin ito. Gagawin ko ang lahat mawala na ang lahat ng kayamanan ko at mana ko. Wag lang si Chelo.

BINABASA MO ANG
The Break Up (TRG: Book 2)
Teen FictionBook 2 of The Rich Girl Forever? Paano nila masasabi ng may forever kung sa simula lang bumabagsak na sila? Paano na yung Forever nila? Makatotohanan ba o isang salita lamang ito na wala naman patutunguhan. Mag karoon pa kaya sila ng "happy ever aft...