Chapter 12❤️ The Truth

341 9 0
                                        



Nakaupo lang ako sa tabi niya. Pinatay ko rin yung movie para di siya ma distract sa pag papaliwanag sa akin.

"Okay, Beb una pagkaalis mo kanina After 30 minutes umalis na rin ako. Tinext ako ng Mama ni Cindy na kahit daanan ko lang daw siya at batiin. Then I drive until i came at the Mini resthouse. I greeted her mom and agad akong umalis. Than texted me na hinahanap mo daw ako at galing ka doon. Dumaan muna ako sa botica dahil bumili ako ng gamot ko. Masakit na masakit kasi yung ulo ko. So ayun nga umuwi ako dito at nagpahinga. Naidlip lang ako ng konti at nanuod na ng movie. Tapos dumating ka" sabi niya

Pinakita niya naman yung text ng mama ni Cindy at Yung text ni Than. Pati na yung gamot na binili niya pinakita niya rin. Wow! Grabe talagang alam na alam na niya.

"Sorry Beb. Nasasakal ka na ba sa akin? Lalo na sa pagiging selo--" he kissed me before ko pa man matuloy ang sinasabi ko.

"Hindi ako nasasakal okay? Okay lang kahit pag bawalan mo ko sa lahat ng babae. Walang problema kahit nag seselos ka at tanungin mo ko ng sandamakmak na tanong. Ang gusto ko lang is Sana Maniwala ka sa akin. And gusto yung nag seselos ka kasi alam kong mahal mo ko at may pake ka sa akin. Iloveyou Beb." Sabi niya.

"Iloveyoutoo Beb. Promise ko sayo. Maniniwala ako sayo. Okay? Sorry kanina" sabi ko.

Niyakap niya lang ako ng mahigpit at hinalikan ang side ng ulo ko. How sweet of this guy.

"Okay na ba yung sugat mo sa paa?" Tanong niya. Tsaka tinignan ito.

"Okay naman. Namamaga lang talaga dahil sa sugat." Sabi ko.

"Kaya mo pa bang mag lakad ng diretso? Or bukas bubuhatin nalang kita" sabi niya.

May kumatok naman sa pintuan ko kaya pinagbuksan naman siya ni Chelo.  Nakita ko si Jem na nakatayo sa pintuan.

"Oh Jem. Anong problema mo?" Tanong ni Chelo. Alam kasi niya na di kami nag uusap ni Jem.

"Quick! Sinugod daw sa hospital si Jin!!" Sabi niya.

"ANO???!!!" Sigaw namin parehas ni Chelo.

"Tara Beb! Bubuhatin na kita!" Sabi ni Chelo.

"Jem bumaba ka na. Tawagan mo si Mom at Dad. Ipabukas mo na rin ang gate." Sabi ko. Habang inaayos yung benda sa paa ko.

"Beb okay ka lang ba mag lakad? Tara bubuhatin na kita." Sabi ni Chelo.

"Kaya ko na Beb. Linagyan ko kasi ng Benda yung paa ko. So malambot naman kaya okay na makakapag lakad na ako. Bukas okay na to." Sabi ko.

Naglakad lang kami ng mabilis. Kinuha ko yung susi sa drawer yung susi ng Fortuner ko. Pagkababa namin sumakay agad ako at si Chelo ang nag dadrive si Jem naman sumakay sa likod. After 15 minutes nakarating din kami. Pumunta agad kami sa nurse station.

"Samantha Jin Guttierez" sabi ko.

"Sino po sila?" Tanong noong isang Nurse.

"Kaibigan niya kami." Sabi ni Chelo. Alam niyang naiinis na ako kaya siya na ang sumagot.

"Nasa Operating Room pa po siya eh. Kayo po ba Sir may masakit po ba sa inyo gusto niyo po bang gamutin ko?" Tanong noong nurse.

"Isa pang landiin mo ang boyfriend ko hindi lang gamot ang aabutin mo. Morgue na rin" sabi ko.

"Beb. Tama na yan. Tara na mas importante si Jin kesa sa babaeng yan" sabi ni Chelo.

Agad kaming pumunta sa Operating room. Nakita ko si Anne, Than, Ian pati si Don at Gara.

"What happened Anne?!" Tanong ko.

"N-n-nabangga si Jin. Steph! Steph! Si Jin!" Naiyak na siya ng tuluyan sa akin pati ako umiyak na din.

"Anong nangyari?! Sabihin niyo anong nangyari!!!" Sigaw ko.

"K-kasi nalaman niya na pumunta kami kila Cindy. Pinuntahan ni Jin si Ian para sunduin tinext ko kasi siya na lasing na si Ian. Mga ilang minuto pa may tumawag sa akin. May car accident daw at sangkot ang may ari ng cellphone na iyon." Sabi ni Than tsaka napaluha.

"Kasalanan mo to Ian!! Edi sana nag paalam kayo sa amin! Hindi yung pinag mumukha niyo kaming tanga! Punyeta!!! Hinding hindi kita mapapatawad Ian kapag may nangyark kay Jin. Tandaan mo yan." Sabi ni Anne

"Anne hindi ko kasalanan. Wag mo naman akong sisihin sa lahat! Sa tingin mo ba ginusto ko ang lahat ng nangyari?!! Ha?!! Sa tingin mo ba natutuwa ako!! Hindi Anne!! Hinding hindi!!" Sabi ni Ian.

"Teka Bro! Wag mo naman sigawan si Anne!" Sabi ni Than. Tsaka hinawakan ang bewan ni Anne.

"Pwede ba! Mag sitigil nga kayo! Walang may kasalanan okay? Lahat tayo hindi gusto ang nangyari okay? At wag kayong mag sisihan. Isa pa talagang makarinig ako ng sisi lagot kayo sa akin!" Sabi ko. Lahat sila umupo lahat sila nanahimik.

Mga ilang minuto pa lumabas ang doctor sa loob ng Operating Room. Sana naman ligtas si Jin. Sana naman.

"Pamilya po ng Pasyente?" Tanong ng doctor.

"Lahat kami" sabi ni Don.

"Im sorry. Pero Comatose ang pasyente. May part sa ulo niya na kailangan pang operahan. Kakailanganin din namin ng mag dodonate ng dugo or pwede rin bumili ng dugo sa may Bloodbank para sa operasyon niya ngayon madaming dugo ang nawala sa pasyente lalo na noong operahan namin siya. Kailangan na siyang maoperahan sa lalong madaling panahon. Kung hindi. Im sorry to say Her brain Doesn't function anymore kapag hindi siya naoperahan." Sabi ng doctor.

"Ano pong type ng Dugo Doc?" Tanong ni Ian.

"Type B+ ang kailangan para sa pasyente" sabi ng doctor.

Lahat kami nag iisip. Sino ba ang may type B+ na dugo. Imposibleng wala sa amin.

"Ako. Ako B+ ang Dugo ko." Sabi ni Ian.

"Ako din. B+ din ako. Mag dodonate din ako" sabi ni Chelo.

"Kakailanganin pa ng isang B+ na dugo" sabi ng Doctor

Nag iisip pa kami kung sino ang may Ganoong type ng dugo. Sana naman meron pa. Isip Steph! Isip! Isip!

"Ako, mag dodonate ako para sa kanya B+ ang dugo ko" sabi ni... Jem.

The Break Up (TRG: Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon