Chapter 15❤️ Returned

317 7 0
                                        



Ha? Siya yung boss namin? Bakit? Paanong? Bumalik na siya? Ha! Ang gulo!

"Paanong? Cloud Zander Villaestiva? Ikaw yan?" Takang taka din si Anne

"Oo hhaha. Halos kakarating ko lang din ngayon. Tapos dito agad ako dumiretso kasi alam kong dito naospital si Jin. Kumusta na pala siya?" Tanong ni Cloud.

"O-okay naman." Sabi ni Anne.

Hindi umiimik si Ian pati na si Jem Alam naman namin lahat eh. Kaya yun nga. By the way yung mga babaeng yun yung aasikasuhin ko.

"By the way Cloud yung mga employee mo dito bastos. Hinarangan si Steph tapos sasampa--" hindi na natapos yung sinasabi ni Anne

"Beverly, Gredelyn, And Hannah. You can go home now. You're fired." Sabi ni Cloud.

Tumakbo yung mga babae ng umiiyak. Si Than naman hinawakan na si Anne baka balikan pa eh.

"At yan si Hershel dapat yung linalagay mo sa Counter." Sabi ni Anne.

"Okay. Hershel, you're promoted now" sabi ni Cloud.

Nagapasalamat si Hershel tapos umalis na. Nagkwentuhan lang kami. Tapos dumating si Chelo at Gara pati na si Don.

"Fuck! Is this true? Andito ka na!" Sigaw ni Don at Chelo. In chorus pa.

"Psst! Chelo, Lyndon. Bawas bawasan ang pag mumura ha." Sabi ni Anne.

Nagkatinginan yung dalawa at mukhang may binabalak. Alam ko tong mga to eh.

"ANNE MAY DAGA SA PAA MO!!!!" Sigaw ni Don.

"AHHHHH!!!! PUNYETA!!! FUCK! FUCK! SHIT! ALISIN NIYO!!! WAAAAHHHHH" sigaw ni Anne habang nag tatatalon. Wag palang mag mumura ha.

"Anne! Uy! Wala man eh! Para ka naman tanga." Sabi ni Cloud.

"Ha? LYNDON!!! CHELO!!!!" Sigaw ni Anne.

Lahat kami nag tatawanan habang yung tatlo nag tatakbuhan. Hinuhuli kasi ni Anne sila Don at Chelo.

"Miss Steph? Kailangan namin kayong makausap. Please follow me." Sabi noong doctor.

Lahat natigil. Sila Ian,Cloud,Than, Anne, pati Don at Chelo pati na si Gara at Jem. Hindi ko Alam pero sana naman Good news na ito. Sumunod lang ako sa Doctor.

"Beb? Gusto mo bang samahan kita?" Sabi ni Chelo.

Siguro mas maganda kung sasamahan niya ako baka hindi ko pala kayanin ang sasabihin ng Doctor. Tumango nalang ako. Pumunta kami kung nasaan room na si Jin.

"I'm glad to say na nakasurvive siya. With her heartbeat malakas ito. Nakaya niya. Kadalasanan sa mga ganitong sitwasyon maraming posibilidad na mamatay ka. Pero hindi pa siya magigising ngayon. Medyo aabutin pa ng tatlong araw. Eto ang reseta niya. Kailangan niya yung mga gamot na yan." Sabi ng Doctor.

Napaluha ako. Kasi success ang operation niya. Sobrang saya ko. Napayakap nalang ako kay Chelo.

"Thank you Beb. Thank you for everything." Sabi ko.

Bumalik kami sa kinaroroonan nila. Chinecked ko ang time at 9:45 na pala ng gabi. Fuck. Puyatan na this.

"Oh anong sabi?" Tanong ni Ian.

"Stable na daw siya. Nakayanan ng heartbeat niya dahil malakas daw ito. Pero tatagal ng 3 araw ang pagtulog niya. Eto yung mga gamot at reseta na kailangan bilhin. I think tomorrow nalang siguro tayo bibili." Sabi ko.

"Waaahhhh!!! Sobrang saya ko. After all this pain we've been through nailigtas din siya! Fuck!" Sabi ni Anne.

"Thank God! Ligtas siya." Sabi ni Ian.

"Kailangan na rin natin magpahinga. Kailangan ng dalawang mag babantay kay Jin. Yung iba sa Mobile car na matutulog." Sabi ko.

Napagdesisyunan namin na si Ian nalang ang matulog doon. Si Cloud uuwi. Pero kinausap niya muna si Jem. It's a private talk. Sa loob sila ng opisina ni Cloud. I hope it will gonna be okay between them.

Pumasok kami sa loob ng Mobila Car. Ahh! Shizz! Makakapag pahinga na rin. Finold na muna namin ang Round sofa. Nafofold naman kasi yun. Tapos excess space na siya noon. Meron ako cabinet na nag lalaman ng unan na maliliit at isang comforter at dalawang kumot na kasya ang dalawang tao. Pinahiga ko nalang sila Don at Gara sa Bed sa dulo. Tapos nag latag naman kami ng Comforter at kumuha ng kumot. Humiga naman kami. Malaki naman kasi ang mobile car. Gawa ito sa ibang bansa talagang pinsadya namin ito. Mga taas nito ay kahit ang 6 footer na tao sakto lang. Pabilog ang ulo at pahaba ang dulo. Malaki ang space niya. Nahiga kami malapit sa may bintana. Sila Anne naman malapit sa Pinto. Nag iisip lang ako ng biglang inantok ako. Then it went all black.

*************

Nagising ako sa pag yugyog ng balikat ko. Grabe naman. Inaantok pa ako eh.

"Steph. May pasok tayo ngayon. Get ready." Sabi ni Anne.

Tinignan ko si Chelo na nahihimbing pang matulog at nakayakap pa sa bewang ko.

"Beb. Gising na. May pasok pa tayo ngayon." Sabi ko tsaka ginising siya.

Tumayo naman kaming lahat. Sinabi ni Ian na susunod nalang daw siya. Dahil papunta na rin sila Tita at Mom para bantayan sila Jin. Umuwi muna kami at pinaayos ko ang Mobile Car. Ito na muna ang gagamitin namin habang hindi pa nagigising si Jin.

Naligo lang ako at sinuot ang Dress ko na kulay red na fit sa akin. Tapos doll shoes lang. Pagkababa ko nakita ko si Chelo na nakapants na dirty white at naka Blue na T-Shirt. Sumakay na kami sa loob ng Mobile car. Si Anne naman nag aayos nalang daw. Pinahiram ko na muna kasi siya ng damit. Mamaya kukuha nalang daw siya.

Tinawagan ko sa Phone si Anne. Sinagot naman niya ito.

"Hello? Steph? Pababa na. Malapit na naglalakad na kami."

"Okay okay. We all have is 9 minutes to go to school for we're not to be late."

"Okay! We're here"

She hang up the phone call and agad na sumakay. Dumiretso kami sa School. Nakita ko si Cindy na nakaupo. Lalapitan sana siya ni Chelo dahil wala itong kasama. Napahinto lang si Chelo ng maramdaman niyang wala akong imik. Hindi ko siya pinagdadamot. Alam naman sana niya yung limitasyon niya.

"Chelo! Good morning sayo!" Bati ni Cindy.

"Morning din" sabi lang ni Chelo.

Nagsmirk lang sa akin si Cindy. Ewan ko ba dito puro panggugulo ang alam. Para naman tanga.

"Can I talk to You Steph? Private sana" sabi ni Cindy

Ano naman kaya ang sasabihin nito. Para naman nakakakaba.

The Break Up (TRG: Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon