Jin's POV
Wow first time kong mag karoon nang point of view. Well back to the topic. Halos mag kanda lito kami sa plano ni Ian. Hindi namin alam kung ano ang uunahin. Bukas na ang birthday ni Ainah. Pero ni isa wala pang nag greet ng advance sa kanya.
"Lahat may task na gagawin at lahat kailangan mangyari ngayon yun. Tomorrow meron nalang tayong kakaunting oras para ayusin nalang." Tama naman si Ian sa sinabi niya. Halos gahol na kami sa oras.
"Kailangan mag karoon ng pag lilibangan si Steph. Tawagan niyo si Don." Ha? Anong kinalaman ni Don?
"O sige sabi ni Anne." Nag simula ng tawagan ni Anne si Don.
[Hello]
Nakaloud speaker kasi kaya naririnig namin.
"Don, it's me Anne."
[Oh, napatawag ka? May problema ba?]
"Gusto ka kasing kausapin ni Ian."
[Okay sige, asan ba siya?]
"Nandito ako Don. Kailangan ko ng mag papalibang kay Steph habang ginagawa namin ang plano. Pwede ka bang pumunta dito? Para maayos na ang steps and ang venue, paki inform mo na rin sila tita at tito na kami na ang bahala mag ayos sa lugar."
[Walang problema, sige ako ng bahala. Give me 30 minutes may klase pa si Gara eh. Susunduin ko muna siya]
Sweet person naman si Don minsan cold lang sa ibang babae, kasi ayaw niya nang may makakasira sa kanilang dalawa ni Gara.
"Sige We'll be waiting you here"
[Okay. Bye]
Hinang up na ni Don ang tawag kaya naman nag isip ulit si Ian ng paraan. Mas lalo akong naiinlove sa kanya dahil sa ayaw niyang pumalpak kami gumagawa talaga siya ng paraan. Nakakainlove talaga siya.
"Jin are you Listening? You're spacing out" napatino naman ako ng pag iisip sa tapik ni Anne sa akin.
"A-ahh oo, oo okay lang ako may naisip lang ako" sagot ko sakanila.
"Okay, let's continue. Anne and Jin dahil nag coconcert naman kayo, kayo ang aatasan namin sa Venue. Kayo ang mag aayos at magpaplano. Kailangan may mga space para sa sayaw. Okay? Ang stage idecorate na rin. May invitation naman na kayo kaya alam niyo na siguro ang pwesto. Puntahan niyo na ngayon para maayos na" ang cute niyang mag command.
Tumango lang si Anne at tumayo na kaming dalawa.
Don's POV
Tinawagan ko na sina Mom at Dad para ipaalam ang nangyayari. Sinabi nila na okay naman daw yun. Sila nalang para kung ano ang merong surprise mapaghandaan na agad.
Tinatawagan ko ngayon ang kapatid ko. Kailangan niya na muna maglibang.
[Hello Don? May problema ba? Anong nangyari?]
Minsan iisipin ko oa din ito.
"Wala naman Ate, pupuntahan ko kasi si Gara kaya kung pwede ikaw muna ang bahala kay Airish. Wala kasing mag babantay. Hindi ko naman siya mapagkatiwala sa mga Katulong."
[kay Maria mo muna ibigay Don. Busy pa kasi ako eh.]
"Ate minsan mo lang makasama si Airish. Pagbigyan mo na siya"
Narinig kong napabuntong hininga siya.
[Okay Fine. Papunta na ako. Kasama ko si Meg. Hinihintay ko kasi baka dumating dito sina Cass.]
"Please Ate"
[Oo na, sige na]
"Thank you Ate, Iloveyou!"
[Welcome, Iloveyoutoo! Sige na ibababa ko na]
Nag 'okay' lang ako tapos hinang up na niya.
Ilang minuto pa ang lumipas dumating na siya. Kasama niya yung anak ni Cass at Eric.
"Oh Ate si Airish paki bantayan nalang ha. Wag mo muna siyang iwan hanggat hindi pa ako umuuwi. Hindi ko siya pwedeng ipagkatiwala kung kani kanino lang" bungad ko sa kanila.
"Oo na Don. Ano bang pinaglalaban mo? Hahaha" that one is a fake laugh.
"Tss. Haha. Mauna na ako Ate." Sabi ko
Kinuha ko ang susi ng kotse ni Mom. Malaki kasi kotse ni Mom. Kasya ang 8-9 person. Agad agad akong nag drive papuntang school ni Gara. Nakita ko siya na may kasamang lalaki at bakla.
"Yats." Tawag ko. Pero mukhang busy siya sa pakikipagtawanan.
"Yats!" Sigaw ko na
Mukhang nakita na niya ako kaya naman agad agad siyang lumapit at niyakap ako.
"Hey, andiyan ka na pala." Paano mo ko makikita eh busy na busy kang nakikipag kwentuhan doon sa bakla at sa lalaking kasama mo.
"Oo nga eh. Mukhang busy ka ata kanina." Pabalang kong sagot.
"Yats nag seselos ka ba?" Tanong nito.
"Hindi naman. Ang sinasabi ko lang naman hindi mo ko napansin kanina kasi busy ka" pero sa totoo lang selos na selo na ko! Paano ba naman kasi pwede naman doon sa bakla nalang siya makipag tawanan eh bakit doon pa sa lalaki.
"Friends lang naman kami ni Nigel." Nakasimangot pa siya niyan ha.
"Wala naman akong sinasabi ha, tsaka di naman kita pinag duduhan. Ikaw lang ang nag sabi niyan." Sagot ko.
"Bahala ka sa buhay mo Mr. Garcia." Sagot nito tsaka inihilig ang ulo sa side ng bintana ng kotse.
"Pwede naman kasing dumistansiya ka hindi ba?" Medyo napapasigaw na ako.
"Pwede ba Justine! Wala naman kwenta yung pinagseselosan mo pero pinag seselosan mo pa din? Minsan iniisip ko na OA ka na!" Alam kong galit na siya niyan.
"Basta layuan mo nalang siya!!" Sigaw ko ng pabalik.
"Hindi na kita maintindihan Just. Una si Brent. Pangalawa si Nigel? Sino pa ba ang lalayuan ko Justine?!"
"Basta layuan mo nalang sila. Boyfriend mo ko Gara, at alam ko kung sino ang makakabuti sayo. Ramdam ko sa kilos nila kung may gusto ba sila sayo." Sagot ko. Pero malumanay na.
"Im sorry, napagtaasan kita ng boses." Sabi niya habang umiiyak.
Niyakap ko lang siya at hinalikan sa ulo at noo. Mahal na mahal ko ang babaeng ito kahit pa na may pagkamanhid siya sa mga nakapalibot na lalaki sa kanya.
"Iloveyou, Im sorry if Over protective ako, I don't want anybody else to touch you and hug you. You're Mine and I'm Yours. Mahal na mahal kita Yats." Halos maglundag ang puso ko ng binanggit ko ang salitang iyon.
"Mahal din kita ng sobra. Yats, bakit ba Yats ang tinawag mo sa akin?"
Tumingin lang ako sa kanya na para bang wala lang. Bago ko sabihin ang salitang--
"You Are Too Special." Na siyang nag pahigpit lalo ng yakap niya sa akin.
Anne's POV
Sana lang hindi na palpak ang ginawa namin plano ngayon. It's time na para kahit sa birthday man lang ni Ainah binigay namin lahat ng effort namin para sa kanya, sana lang magustuhan niya talaga. And I am willing to sacrifice all para sa kanila. Sana maging maganda ang kalabasan ng mga programa na hinanda namin para sa kanya. It's been a while since she's sixteen doon din kami nag effort. Pero dito? Sa debut niya? Lahat ng effort binuhos namin. Lahat ng timba ng effort binuhos namin. At lunod na lunod sana sa appreciation bukas si Ainah, if God's will maging masaya sana bukas.
*************BEAYTCH************

CITEȘTI
The Break Up (TRG: Book 2)
Ficțiune adolescențiBook 2 of The Rich Girl Forever? Paano nila masasabi ng may forever kung sa simula lang bumabagsak na sila? Paano na yung Forever nila? Makatotohanan ba o isang salita lamang ito na wala naman patutunguhan. Mag karoon pa kaya sila ng "happy ever aft...