Chapter 46❤️ sh*t happened

258 6 0
                                        

Third Person's POV

Bumalik si Ainah sa kwarto ni Ace. Napaka bilis ng pangyayari sa isip ni Ainah. Masyadong napakabilis. Muli ay umupo si Ainah sa tabi ng kama ni Ace.

"Oh Steph. Bumalik ka na pala" muling pansin ni Ace kay Ainah

"Oo. Nakausap ko na si Don. Wala ka ba talagang balak na sabihin sa akin na aalis ka na at pupunta sa London?" Tanong ni Ainah.

Napaisip si Ace sa mga naitanong ni Ainah. Wala ba talaga?

Ainah's POV

Wala ba talaga siyang balak na sabihin sa akin?

"Ace! Ano mag salita ka naman?!" Naiinis na ako at the same time naiiyak.

"Wala Steph. Ayokong mag karoon ako ng doubt sa pag alis ko. Alam ko mahirap. Pero ramdam ko na eto ang tama" sa pagkakasabi niya ng mga katagang iyon ay napaiyak na naman ako.

What's wrong with this day? Puro nalang pag iyak ang ginagawa ko.

"Steph, please understand. I need to go to London, at isa pa yun din ang balak ng mga magulang ko. Doon ko na itutuloy ang half of second semester ko. Doon na rin ako ggraduate" hinawakan niya ang kamay ko at bigla nalang akong naalerto ng umubo siya ng may kasamang dugo.

"Steph" yung boses niya.... parang nag papaalam.

"Ace! Wait fuck!" Agad akong tumawag ng nurse para tignan siya.

Pinalabas ako ng Nurse pati na nang Doctor. Fuck! Kala ko ba lagnat lang yun? Wala naman lagnat na ganyan eh.

Ilang minuto pa lumabas na rin ang Doctor. I hope he's okay.

"Family of the patient? Miss Ainah Garcia?" Tanong nito. Hindi ko nalang pinansin ang tanong niya.

"Kumusta siya Doc?" I asked

"He's okay for now" for now? What do he mean by that? Sa halip na sumagot ako tumahimik nalang ako.

"He's suffering from a brain tumor" parang gumuho ang mundo ko sa narinig ko sa kanya. No! It can't be!

"Kailangan pang icheck ang Vitals niya. Pero sabi sa nurse station lalabas na siya by afternoon kasi iaadmit siya sa hospital sa ibang bansa. It's his family decisions" wala na akong magawa.

Napaupo ako sa waiting shed area at umiyak doon. Ano nang gagawin ko? Aalis na si Ace.

Pumasok ulit ako sa kwarto niya. Ngiti ang sumalubong sa akin sa mukha niya. Kaya napangiti na rin ako sa kanya.

"Ace" i called his name

"I'm sorry Steph. I need to keep it from you, ayokong mahirapan sa pag alis at ayokong malaman mo na may sakit ako. I lied, yes, pero it doesn't mean na ginusto ko yun. Brain tumor did. Hahahaha, pero Steph, promise me. Kapag umalis ako gusto ko maaalala mo pa din ako." Hinawakan niya ang kamay ko habang nag sasalita siya.

Iyak lang ako ng iyak. "Ang daya mo naman eh! Sabi mo walang iwanan! Sabi mo You'll always be by my side! T-tapos aalis ka na pala"

Ngumiti lang ito sa akin. "I'm sorry okay?" Tyaka hinalikan ang kamay ko.

"K-k-kailan ang alis mo?" Tanong ko. Kasi gusto kong ihatid ko siya sa airport. Ayokong hindi siya makita sa huling pag kakataon na aalis siya ng pilipinas.

"Tomorrow" what the fuck? Bukas na agad?

"Bukas na agad? Ace! Hindi mo na nga pinaalam na may sakit ka tapos bukas ka na nga aalis?! Ang daya daya mo talaga! Kainis ka!" I shouted at him habang hawak pa din niya ang kamay ko.

The Break Up (TRG: Book 2)Where stories live. Discover now