Chapter Four

354K 9K 3.7K
                                    




                 

Chapter Four

JASPER.


Pinaakyat ako ni Nica sa taas ng bahay niya. Sa totoo lang, medyo natatakot ako kasi ang tarik ng hagdanan niya. Tapos bawat apak ko pa tumutunog yung kahoy. Pakiramdam ko nasa horror film ako.

            Pag akyat ko, kama na agad ang nakita ko.

            No, hindi kama. Isang makapal na kutson lang na nasa sahig. At sa paligid nung kutson, ang daming nagkalat na libro. Patong patong. Halos wala na akong malakaran.

            "Kwarto mo?" tanong ko sa kanya.

            "Ay hindi. Kwarto ng kapitbahay ko!"

            Napalingon ako at nakita ko na naman ang sarcastic na expression ng mukha niya kaya napangiti ako.

            "Malamang kwarto ko 'to! Kanino bang bahay 'to?"

            Ipinatong ko ang kamay ko sa ulo niya at ginulo ko ang buhok niya. Agad naman niyang tinabing ang kamay ko.

            "Uy! Loko ka ah! Gawin ba naman akong aso?!"

            "Ang highblood mo kasi palagi sumagot. Umamin ka, napa-aga ba ang menopausal stage mo?"

            She shrugged, "hindi ko nga maintindihan ba't ang init ng dugo ko sa'yo."

            "Baka allergic ka sa gwapo?"

            "Siguro nga."

            Napatawa ako ng mahina.

            "So, nasaan na yung sinasabi mong mga kaibigan mo na hindi tao?"

            "Ayan na sila sa harapan mo," sagot niya sabay turo ng mga librong nagkalat sa sahig niya.

            Umupo ako sa kutson niya at dumampot ng isang libro.

            "Oh, I get it. Mga fictional characters?"

            Tumabi siya sa akin.

            "Oo. Mas trip ko sila kesa sa mga tunay na tao."

            "At bakit naman?"

            Napahinga siya ng malalim.

            "Well, bukod kay Mamita, lahat ng mga taong napalapit sa akin, puro mga mang gagamit lang. Ayoko na magtiwala sa kahit na sino sa kanila. Nakaka-aksaya lang ng oras."

            Napatitig ako kay Nica. Nakayakap siya sa dalawa niyang hita habang nakapatong ang baba niya sa kanyang tuhod. Nakapako ang tingin niya sa sahig.

            Hindi ko alam ang tumatakbo sa isip niya. Ang hirap niyang basahin.

            Karaniwan ng mga babaeng nakakausap ko, napakadaling basahin ng kilos nila. Pero siya? Hindi ko maintindihan.

            Kung magsalita siya sobrang talim ng tabas ng dila. Ang harsh. Kung sensitive ka, masasaktan ka sa mga salita niya.

            Pero bakit pakiramdam ko may malaking dahilan kung bakit ganito siya?

            Nica, anong ginawa ng mga taong yun sa'yo?

            Napabuntong-hininga ako.

Sana (EndMira: Jasper)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon