Chapter Thirty Two

219K 7.8K 4.5K
                                    


Chapter Thirty Two

AISCELLE.


Ilang beses akong nag inhale-exhale. Ilang beses kong hinimas-himas ang mga braso ko dahil ramdam ko ang lamig at panginginig nang buo kong katawan

At hindi ko maintindihan kung dahil ba sa biglang buhos nang ulan ngayon o dahil alam kong papunta si Jasper dito sa kinalulugaran ko?

Medyo secluded ang area na 'to. Walang masyadong nagdadaang sasakyan. Ang lakas nang buhos ng ulan at na-flat-an pa ako ng gulong. I tried to call my brother but he is not picking up his phone. For sure naka silent na naman yun. Ganyan yan eh. Hindi ko alam ang landline number sa HQ nila at bukod kay Jasper, wala akong contact sa iba pang members.

Hiyang hiya akong tumawag kay Jasper nun. My heart sinks nung sinabi niyang wala siya sa HQ. I am about to call Stan nang biglang tumawag ulit si Jasper at tinatanong niya kung nasaan ako.

Napayuko ako sa manibela ko and I let out a nervous laugh.

Shit. Hindi ko mapigilang ngumiti.

Dapat kinakabahan na ako sa sitwasyon ko ngayon. Any minute pwedeng may lumitaw dito na masamang tao o maligno pero ang saya saya ko pa rin.

A while ago, I was cursing myself dahil wala man lang akong kaalam-alam sa pagpapalit ng gulong. Pero ngayon ba't ang saya saya ko dahil wala akong alam sa pagpapalit ng gulong?

Hindi ko in-expect na pupuntahan ako ni Jasper. Alam kong okay na kami but I know these past few weeks, ramdam kong parang wala na lang ako kay Jasper.

But now...

Masama ba kung aasa akong meron pa rin siyang nararamdaman para s akin?

Napa-angat ang tingin ko nang may maaninag akong ilaw sa harapan ko na galing sa headlights ng isang kotse. Huminto ang kotse na iyon sa harap ng kotse ko at doon bumaba si Jasper.

Napababa rin ako bigla sa kotse ko.

"Aiscelle what happened?"

"Jasper! Wait! Shit, wala akong payong."

"Then just stay inside your car. Baka magkasakit ka."

"Pero paano ka? Basang-basa ka na!"

I saw him smile.

"I'm okay, Aiscelle. Don't worry."

I bit my tongue to prevent myself from smiling. Dahil alam ko pag ngumiti ako, hindi ko na magagawang alisin ang ngiti sa mukha ko.

"What happened?" tanong niya habang nakasilip sa bintana ng kotse ko.

"Flat yung gulong ko."

"Okay, I got this. Just stay inside your car. Ang lakas ng ulan. Pahiram na lang ng susi ng compartment."

Iniabot ko sa kanya yung susi ko at pumunta naman siya sa likod. Naramdaman ko ang pag bukas ng compartment ng sasakyan ko. Dahil sa harap ang na-flat na gulong, kitang-kita ko na dala dala ni Jasper ang spare tire ko. Nakadikit na sa katawan niya ang itim na v-neck shirt na suot niya at bakat na dito ang dibdib niya. Nakababa na rin ang buhok niya na medyo natatakpan ang mata niya.

Sana (EndMira: Jasper)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon